bc

MR. ARROGANT

book_age18+
19.9K
FOLLOW
106.1K
READ
stalker
dark
drama
comedy
sweet
serious
city
first love
virgin
shy
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa sumpa sa kanya ng isang lalaki. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang asawa. Ngunit hindi naman siya papayag na tumandang dalaga.

Kaya gumawa siya nang hakbang nang muli niyang nakita si Zach pagkalipas ng maraming taon. Kakausapin niya ito para pakiusapan ito na tanggalin na ang sumpa sa kaniya. Naniniwala kasi si Ella sa kasabihan na kapag galit ang isang tao at nakapagsalita ng ‘di maganda ay nagiging totoo.

 

 

 Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang lalaki ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ngunit nagulat siya nang sabihin nitong aalisin lang nito ang sumpa sa kanya kung magiging katulong siya sa bahay nito.

Papayag ba siya sa alok ni Zach Fuentebella? Paano kung sa gagawing niyang pagpasok sa bahay nito ay hindi na siya makawala sa mga kamay nito.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Papasok ako ng school nang makasalubong ko ang dalawa kong kaibigan. Nakita ko rin malungkot si Ava at para bang galing sa pag-iyak. Sapagkat mugto ang mga mata nito. Maliksi akong lumapit dito para magtanong na rin. "Ano'ng problema, Ava?" tanong ko rito. Malungkot na tumingin siya sa akin. At tila babagsak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. "Mayroon kasing nanliligaw diyan kay Ava. Kaya lang ay nagdadalawang isip kung sasagutin ito," singit naman sa ni Pea. "Sasagutin mo palang? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang namatayan?" gulat na tanong ko rito. "Eh! Paano ilang araw na hindi nagpaparamdam sa kanya. Nakakatawa nga, kasi hindi pa sila ay iniyakan na agad niya, 'di ba?" saad na naman ni Pea. Tumawa ako nang malakas. "Alam ninyo ganyan talaga ang mga lalaki. Liligawan kayo magbibigay ng kung ano-ano katulad ng flowers at chocolate, tapos magsasabi pa ng mga mabulaklak na mga salita. At kapag nainip sa kahihinintay ng sagot ng babaeng nililigawan ay ayon maghahanap naman ng ibang girl. Ito naman si babae nagbabalak nang sagutin si lalaki. Pero na saan ngayon si lalaki? Nandoon nakikipag landian sa iba, 'di ba mga paasa sila? Kaya ang labas 'di pa nga kayo ay pinapaiyak ka na agad," mahabang litanya ko. "G-Ganoon ba 'yun, Ella?" tanong sa aking ni Ava. "Diyos ko po! May pagkatangan din ang kaibiga kong ito..." mahina kong bulong. "Ella, Nagka boyfriend ka na ba?" tanong sa aking ni Ava. "Wala pa, sakit lamang sila ng ulo," tugon ko. "Eeh! Bakit parang alam na alam mo?" tanong sa akin ni Ava. "Kasi Ava, advance ako mag-isip, sa panahon ngayon kailangan utak ang gamitin hindi puso," turan ko rito. "May point naman talaga, si Elle." Singit muli ni Pea. "Kailangan din ba na advance akong mag-isip?" tanong ni Ava. "Oo para hindi ka masaktan. Saka sino ba kasi ang nanliligaw sa 'yo, Ava?" tanong ko. "Si Zach Fuentebella," nahihiyang wika nito. "Oh, 'di ba habulin ng babae 'yon? Lalo at guwapo. Baka sa bandang huli ikaw pa ang masaktan," umiiling na saad ko. "B-balak ko pa naman siyang sagutin ngayon," bulong ni Ava. Pero narinig din naman namin. "Ano bang Horoscope mo?" tanong ko sa aking kaibigan habang nakataas ang kilay. "Cancer ako," sagot ni Ava. "Si Zach, Ano'ng Horoscope?" tanong ko rito. "Ang alam ko Virgo," malungkot na wika ni Ava. Pumalatak ako rito at umiling-iling. "Hindi kayo compatible. Pero na sa iyo naman iyon kung maniniwala ka o balak mo talaga siyang sagutin, ikaw pa rin ang masusunod, Ava," saad ko. Tumango naman siya sa akin. Mayamaya pa’y nagyaya na rin si Pea na pumunta kami sa cante upang kumain. Nang matapos kumain ang dalawa ay nagmamadali naman umalis ang mga ito kaya ako na lamang ang naiiwan dito sa canteen. Hindi pa naman ako tapos kaya muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Ngunit bigla kong namataan ang bulto ni Zach Fuentebella at ito'y papalapit sa akin. Tumaas ang kilay ko nang bigla itong umupo sa bakanteng silya. Pansin ko rin ang masamang tiningin na ibinigay nito sa akin lalo kong pinagtataka. "Ikaw ba si Ella Montes?" masungit na tanong nito. "Ako nga," alanganing sagot ko sa lalaki. Tila malaki ang galit nito sa akin para kasing iba ang titig nito at parang gusto akong sakalin. "I'm Zach Fuentebella," pakilala nito sa sarili. Lalong tumindi ang pagkakunot ng noo ko. Kilala ko naman ito dahil sikat ito rito sa campus. Ang pinagtataka ko ay kung bakit siya lumapit sa akin? "Ako ang manliligaw ng kaibigan mong si Ava. Hindi raw kami compatible pagdating sa zodiac sign, kaya niya tinanggihan ang pag-ibig na inaalay ko sa kanya. Alam mo bang sasagutin na sana niya ako ngayon. Nang dahil lamang sa mga pinagsasabi mo kay Ava ay hindi na mangyayari ang gusto ko!" Napanganga ako sa mga tinuran nito. Hindi ko akalaing susundin nga ni Ava ang aking mga sinabi. Tumingin ako sa mata ni Zach. "Ang sabi ko naman kay Ava ay siya pa rin ang masusunod, eh," katuwiran ko sa lalaki. Lalong nag-iba ang templa ng mukha nito. Kahit sinong magaling na pintor ay 'di kayang ipinta ang pagmumukha ni Zach Fuentebella. "May nalalaman ka pang advance mag-isip ng dahil sa 'yo nasira ang magandang hangarin ko para kay Ava!" "Hindi ko na man akalain na susundin niya ang mga sinabi ko, ah, ang sabi ko siya pa rin ang bahala at magdesisyon." Tila ayaw makinig sa akin ng lalaki. Patuloy pa rin sa pagsasalita. "Napakatagal kong hintay na maging kasintahan si Ava. Pero dahil lang sa mga walang kuwentang mong pinagsasabi sa kanya ay hindi na nangyari ang inaasam ko!" "S-sorry! Hindi ko naman kasi alam na paniniwalaan niya sa mga sinabi ko," kinabahan sabi ko rito lalo at nakikita kong galit na galit siyang tumingin sa akin. "Tanggap ko naman kung ayaw niya sa akin, kaya ako tinanggihan. Pero ng dahil sa walang kuwenta mong sinabi ay naglahong bigla ang gusto ko! Alam mo bang galit na galit ako sa 'yo. At gusto na kitang ibalibag palabas ng canten na ito, pasalamat ka at marunong pa akong gumalang sa babae!" Tumingin siya sa damit kong malaki na ang sabi nila ay pang manang daw at pinarisan pa ng malaking salamin sa mata. Pansin ko rin ang insultong tingin nito sa akin. "Ngayon ay na intindihan ko na kung bakit nasabi mo iyon. Paano ka naging kaibigan ni Ava? You have done nothing but ruin the happiness of other people. Kung wala ka pa ring nobyo hanggang ngayon, huwag ka nang magtaka pa at sana ay huwag ka na ring mandamay ng ibang tao sa kamiserablehan ng buhay mo!" Parang umakyat ang dugo ko sa aking ulo. Dahil below the belt na ang tira nito sa akin. At hindi ko iyon mapapalampas. Kaya nanlilisik ang mga mata na tumingin sa lalaking kaharap ko. "Bawiin mo ang sinabi mo! Para sabihin ko sa 'yo hindi ako pangit!" sigaw ko rito. "I won't. In fact, dadagdagan ko pa nga," saad nito. Isinuot nito ang sunglasses at muling nagsalita. "Ito ang tandaan mo Ella Montes! Hindi ka magiging masaya kahit kailan hangga't hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo sa akin at sa unang babaeng minahal ko. You'll be alone for the rest of your life unless I get married and I assure you, hinding-hindi ako mag-aasawa masiguro ko lamang na hindi ka magiging maligaya. At sa muli nating pagkikita sinisiguro kung paghihirapan mo muna ang nais mong kaligayahan!" bulalas ng lalaki bago tuluyang umalis. Napanganga ako sa mga sinabi nito na para bang ako'y sinumpa at umaalingaw-ngaw pa rin sa utak ko ang mga binitawang salita ng lalaking iyon. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. At tila tuluyan akong nabangag. Sana lang ay hindi magkatotoo ang mga pinagsasabi ni Zach. At baka makapatay ako ng tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook