Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nito. Sapagkat galit na galit ako sa lalaki. Nakita ko ang unan sa likuran ko at iyon naman ang pinagbabato ko rito. Subalit maliksi naman nitong nasalo. Kaya naman lalo akong nainis sa lalaki. Muling umikot ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng puwedeng ipangbato. Muli ko namang nakita ang isa pang malaking vase. Maliksi akong lumapit doon. Subalit mas mabilis din ang lalaki. Agad akong hinawakan sa aking beywang. At mahigpit na niyakap. "Huwag mong hintaying palayasin na kita rito sa aking bahay, Ella!" galit na sabi at pagbabanta ng lalaki. Medyo napahinto ako sa pagmumumiglas. Hindi niya ako puwedeng paalisin agad dito sa bahay niya. May plano pa ako kay Zach sa loob ng isang linggo ko rito. Wala akong pakialam kung hindi maalis ang sumpa.

