GABI NA PERO hindi pa rin dalawin ng antok si Gianna. Wala pa rin kasi siyang natatanggap na tawag o kahit text man lang mula kay Arisia. Alam nyang sya ang nagtampo noong gabi na magkasiyahan silang magkakaibigan pero hindi naman nya akalain na ito pa talaga mismo ang hindi magpaparamdaman sa kanya. Naupo sya sa kama saka tiningnan ang phone. Napangiti sya nang tingnan ang naka-wallpaper doon. Larawan nila iyon ni Arisia na kuha pa nila noong nag-Cebu silang dalawa. Nagdadalawang-isip sya ngayon kung tatawagan ba nya ang nobya or hihintayin na lang nya ito na mismong kumontak sa kanya. Nahiga sya sa kama. Miss na miss na nya si Arisia. Naupo syang muli saka sinubukan na tawagan ang numero nito ngunit busy ang linya. Ilang beses nya iyon inulit ngunit ganoon pa rin. Tumayo sya saka lum

