ABALA SA PAGLILINIS ng unit sina Candy at Gianna, araw ng Sabado. Naisipan nila na mag-iba ng pwesto ng mga gamit sa bahay upang magkaroon naman ng panibagong aura. Katuwang nila si Geoffrey na mabuti at walang pasok sa trabaho. "Saan mo ba gusto balak ilagay itong mahabang sofa, ate? Idikit ba dyan sa dingding?" tanong ni Geoffrey habang nakapameywang. Nag-isip sya kung paano ang mas magandang gawin. Tinuro nya ang sofa. "Siguro dito sa side na ito. Bale pagpapalitin lang natin iyang mahabang sofa, saka itong dalawang solohan." Ngumiwi si Geoff. "Edi ganoon din, ate!" "Paano ba kasi? May naiisip ba kayo?" tanong nya. Lumingon kay Candy na may kinakain na naman. "Ikaw ba, buntis? Panay ka kain!" Ngumuso ito. "E, nagugutom kami ni baby, e!" Lumingon ito sa mga mwebles na pinoproblema

