PANAY ANG SINGHOT ni Gianna habang hinihintay nya si Arisia na makabalik sa kwarto. Nagpaalam kasi itong ikukuha sya nito ng tubig. Hindi naman ito nagtagal at bumalik din. "Okay ka na?" tanong nito sa kanya. Tumango sya kahit alam nyang masakit ang kanyang ulo at magang-maga ang kanyang mga mata. Nararamdaman din nya na tila may nililihim ito sa kanya ngunit ayaw lang magsabi. Naramdaman nya ang paghawak nito sa kamay nya at bahagya iyong pinisil. Lumingon sya rito. "Namamaga tuloy iyang mga mata mo. Ano bang problema?" Hinawi pa ni Arisia ang ilang hibla ng buhok ni Gianna na nasa harap ng mukha nito.. Huminga sya nang malalim. Tumingin sya sa kung saan. "Iba kasi yung pakiramdam ko kanina pa. Parang may nililihim ka sa akin." Napayuko si Arisia. Narinig nya ang pagbuntong hininga

