MALAKAS ANG ULAN kaya naman iritableng pinagpag ni Phoebe ang suot na damit dahil nabasa iyon. Pati ang buhok nyang nakalugay ay nabasa rin. Nakalimutan nya ang kanyang payong dahil hindi naman nya inakala na bubuhos pa ang ulan at aabutan sya sa labas. Tumunog ang kanyang cellphone sa tiningnan kung sino ang caller. Napabuntong-hininga na lamang sya saka tumayo sa gilid. Sinagot nya iyon kaagad nang mabasa kung sino iyon. "Hello? Where are you? I am f*****g wet!" Narinig nya ang mahinang tawa ng tumawag sa kabilang linya. "Wow! Wet ka na?" "Gaga! Nabasa ako ng ulan, malamang nabasa ako. Umayos ka nga!" "Chill. Init naman ng ulo mo. Ganyan ba talaga kapag broken hearted?" Pang-aasar nito sa kanya. Nais na nya itong babaan ng tawag pero napipigil pa rin sya. "Shut up! It's not even fu

