NANG MAKARATING sina Gianna at Arisia sa bahay ng mommy nya ay kaagad na nagpaalam ang kanyang ina na magpapahinga na. Nasa sala sila at kakalapag lang mga gamit nila sa mesa. Nakaupo sila sa mahabang sofa nang tumayo ang ina nila. "Doon mo na lang muna patulugin si Arisia sa guest room, anak." "Don't worry, mommy. Okay lang kahit na sa kwarto ko sya matulog." Kinindatan pa nya si Arisia na halatang nagulat pero ngumiti rin nang makabawi. "Ayos ka lang naman sa kwarto ko, di ba, Arisia?" tanong nya rito. "O-oo naman." "O, sige. Kayong dalawa na ang bahala. Magpahinga na kayo. Hija, salamat ulit. Mauuna na ko at napagod talaga ako nang sobra," wika ng kanyang mommy kay Arisia saka yumakap. Humalik naman ito kay Gianna bago pumanhik sa pangalawang palapag. "Kami rin ay mauuna na. Ant

