NAGMAMADALI SI Arisia na makarating sa ospital kung saan naka-confine si Gianna. Hingal na hingal at habol nya ang kanyang hininga dahil lakad-takbo ang ginawa nya pagkaparada ng sasakyan. Wala syang ibang inisip kung hindi si Gianna. Ang kalagayan nito, ang puso nito. Hindi nya mapapatawad si Serenity sa oras na malaman nyang ito ang may pakana kung bakit nawawala nga ang kanyang nobya. "Gianna! Gianna?" tawag nya sa pangalan nito pagkapasok sa kwartong tinext sa kanya ni Candy. Naabutan nya roon ang mama ni Gianna, si Glessy at Giselle pati na rin si Candy. Walang kibo si Giselle habang seryosong may tinatawagan sa cellphone. Si Glessy at Candy naman ay panay ang pagpapakalma sa ina na halatang kanina pa umiiyak. "Arisia!" "Nasaan si Gianna? Anong nangyari?" tanong nya. "Ang sabi k

