"ANO, ARISIA? SUSUNDAN mo pa rin iyong babae na iyon? Alam na nya ang totoo! Hayaan mo na lang sya at mag-focus na lang tayo sa trabaho natin!" gigil na wika ni Serenity habang mahigpit na hawak ang braso nya. Hiniklat ni Arisia ang kanyang braso saka masamang tiningnan ang kaibigan. "Manahimik ka na, Serenity! Alam mo, sinisira mo kami ni Gianna, e! Wala ka namang alam tungkol sa nararamdaman ko sa kanya! Bakit ba namamakialam ka?" Tumawa ito pero halatang peke. "Bakit? Huwag mo sabihin sa akin na talagang nahuhog ka na sa babaeng iyon?" Humalukipkip pa ito habang mataray na nakatingin sa kanya. "E, ano naman?" Buong tapang nyang sabi. "Kung sabihin ko sa iyo na oo, hulog na hulog na ako, anong magagawa mo?" Halata sa mukha ni Serenity ang gulat at gumuhit ang sakit sa mukha nito. "A-

