MAAGA PA LAMANG ay inaya na ni Gianna si Candy upang magtungo sa bilihan ng mga pangdecor kapag may party. Naisipan kasi nyang lagayan ng design gaya ng mga petals ng roses, candles, balloons at mga pictures nila ni Arisia ang sala ng unit nito. Noong nagdaang gabi ay kinuha nya kay Arisia ang passcode ng pinto nito kaya may access sya mamaya upang makapagdecor sa loob. Tuwang-tuwa at halata sa kilos nila ni Candy na excited silang gawin ito. Bumili rin ng isang bote ng red wine si Gianna kahit na alam nyang bibili ng ibang alak si Arisia. Gusto rin nya kasi na mailagay ito sa mesa upang mas madama nila ang romantic vibes kapag nag-dinner na sila. "Ano bang gusto mo? Red petals or may partikular na kulay kang gusto maliban dito?" Hawak ni Candy ang artificial petals. "Marami pa riton

