CHAPTER 24 MALAMIG AT PRESKO ng hangin dito sa park kung nasaan sina Arisia at Giselle. Maraming mga puno kaya malilim at hindi maalinsangan ang paligid. Nakaupo sila sa mahabang bench na gawa sa semento ngunit hindi magkatabi. Malaki ang distansya nila sa isa't isa habang parehas na nakatingin sa buong palaruan. "Bakit kayo naghiwalay?" tanong ni Arisia kay GIselle. Hindi na sya nagpaliguy-ligoy pa. HIndi ito lumingon sa kanya. "Alam kong alam mo na kasi hindi mo naman ako susundan dito kanina kung hindi mo narinig ang usapan namin ni Laila, hindi ba?" Bakas sa tinig nito ang pagiging sarkasmo. "Sorry about that. I am just really curious about you," sagot nya. Hindi naman nya gusto maging tsismosa sa paningin nito pero talagang curious sya. At isa pa, gusto nya malaman ang dahilan k

