Ilang beses na akong paulit-ulit na umiikot sa ibabaw ng malambot at malapad kong kama. Ang tagal-tagal na nung nag-foodtrip kami ni Yael sa Binondo pero kapag nakikita ko ang mga picture nito na panakaw kong kinuha pati na rin ang mga video clip. Umaabot pa rin hanggang langit ang kilig ko. These pictures and clips is a perfect sample of Yael being a boyfriend material. Kina-addict-an ko na nga halos ang panunuod nito na parang impossible nang makatulog ako ng hindi sinisilip ang mga sikreto kong 'to sa gallery. Next time. Gagawan ko ng paraan na nakaharap talaga siya sa camera. Yung sa sobrang lapit ng camera sa mukha nito ay maiirita na siya. Medyo trip ko rin kasi ang itsura ni Yael kapag para siyang naiinis tapos sa kalagitnaan nang pagkabuwisit niya ay bigla siyang ngingiti kasi hi

