bc

Old Flame (The Nation's Idol Series #2)

book_age16+
735
FOLLOW
2.0K
READ
aloof
independent
band
popstar
sweet
campus
city
first love
school
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Wala pang konkretong plano para sa future si Yael. Isa lang ang alam

nito. Mahal niya ang musika at mas mahal na mahal niya si Inez. Gusto nitong makilala bilang sikat na music producer at habang hinahangaan siya ng lahat. Naghihintay naman ang una nitong tagahanga, si Inez Agustin. Perpekto ang plano na 'yon sa isip nito kaya lang sa paglipas ng panahon maraming nagbabago.

chap-preview
Free preview
Prologue
With the exact amount of money on my hand to pay for the concert ticket. I waited nervously for my turn to pay. I've been eyeing a standing vip but the long queue right before my eyes says impossible. Kung wala na talaga akong maabutan na magandang spot para mapanuod ang concert nila na halos tatlong buwan pa naman mula ngayon. Papatusin ko na lang kahit general admission basta makita lang siyang magperform. "Sold out na po ang standing a, b, c, d. Vip A, B, C pati na rin ang General Admission," pag-iimporma sa akin nung tao sa ticketing booth. Tumingin ako sa perang hawak. 10, 500 'yon. Allowance ko dapat ito para sa buong buwan na sinugal makapag-vip lang. "Upper Box A na lang," sabi ko pagkatapos makita ang seating plan. I choose my seat number too. Everything went smooth after that. Pagkalabas ng arena kung saan binili iyong ticket na siya ring venue ng concert ay naramdaman ko na ang cellphone sa aking bag. I took it out and cursed myself after seeing tons of missed call from my bestfriend who is also my co-owner with a clothing line we founded not even a year ago. "Inez where are you? Nasa apartment ka pa ba? Nakalimutan mo na may meeting tayo with the new supplier of our bucket hats?" I can hear the irritation and disappointment in her eyes. Sandali pa akong nakipaglaban sa aking sarili para magawa ang mahirap na desisyon. Kung magtataxi ba ako papunta sa store o magba-bus. Mas mura, pero mas matatagalan akong makarating. I had to take the bus, at least I did it to arrive sooner and save my life from danger. The outside of .XX looks like the usual. Soft music is playing. May ilang tao sa loob ng store at ang dalawang staff naman ay nakaantabay sa mga 'yon. "Si Rizza?" I mouthed to Ilouie, one of our staff. Nandito na rin siya sa amin simula pa nung una. She witnessed everything Rizza and I have been through to make .XX possible. Tinuro nito ang hagdan na sakto lang para sa dalawang tao na magsasabay umakyat. It leads to the secondfloor of course. Naroon ang opisina ng .XX. I opened the door and saw Rizza sitting on the swivel chair, her arms against the armrest, giving me a badass ceo vibe. Siguro ay nahagip na ng mata nito ang pagbaba ko sa taxi kaya naman ganiyan na ang puwesto niya. Handang-handa na akong sabunin. "Let me explain," that is the only thing that I can say to calm her down. Binaba ko ang bag sa leather couch at mas lumapit pa sa kaniya. "Hindi ko nakalimutan iyong tungkol sa meeting but I had to make a stop somewhere and purchase something. Doon ako natagalan tapos... nakalimutan ko iyong tungkol sa meeting." Umamin na rin ako kalaunan. This is the first time I disappointed her. She won't take my life, right? Right? "Something?" sinuri nito ang kamay ko tapos iyong bag ko para hanapin kung ano man ang binili ko. "It's a concert ticket." "Wala namang on-going tour si Taylor Swift," aniya. By this time, I know that she has an idea whose concert I'm going to see. "Come on we both know the group own good music and their choreo---" "Wala naman akong sinasabi bakit masiyado kang defensive," anito. May tinaas siyang ilang folder at binalik din naman sa lamesa niya. Nilapitan ko 'yon at kinuha sabay punta sa sariling working table na nasa kabilang dulo ng opisina. Pinasadahan ko 'yon. XX's logo is printed in front of the folder as usual, sa loob ay ang note kung para saan yon. It's the store's sales last month. "How was the meeting with the supplier? Umagree ba sila sa pricing na nirequest natin? May dala silang sample?" "Nag-cancel sila ngayong araw. May kumontak daw na malaking kliyente. Inuna nila." I smirked at her irritation. Okay lang 'yan, Rizz. XX is almost stable kaonti pa at ipa-prioritize na rin tayo ng mga supplier na yan. Kaonti pa. "Naisip ko lang. Mas makikilala ang store natin kung makikita ng mg fans ng DNI na suot ng idol nila ang product natin," she trailed off. "Oh tapos?" hindi na 'ko nagtangka pang makipagtitigan sa kaniya. "Wala lang naisip ko lang na win-win kung kayo pa rin ni Yael." Tumalon ang mata ko papunta kay Rizza. Nakapangalumbaba ito at titig na titig sa akin, maingat akong ineestima. "Ano ba kasing nangyari sa inyo? What happened to against all odds?" Nagkibit-balikat ako. "Napagod ako. Nakakaubos yung buhos lahat. Nakakalunod makipaglaban sa buong mundo. Nakakatakot na sa pakiramdam na parang ako na lang yung nasa relasyon na 'yon." Ngumiti lang ako at nagsimula nang magtrabaho. Mas importante 'to. SEEING YAEL ON STAGE, alone hits different. The flame on my heart that was killed by the coldness brought by spending all these time by myself starting to burn slow, so slow that I could feel a lot at that moment. Napahawak ako sa aking dibdib. Habang nagwawala ang lahat sa pagpiperform nito at nilalayasan sila ng katinuan nila. Kabaligtaran ang nangyayari sa akin. Kung ano man ang nawala sa akin nung tinapos ko kami. Nagawa na akong balikan non ngayon. Alright, a repeating seesaw game It's about time we put an end to it All right, this boring seesaw game Somebody has to get off of it There's no turning back And the lyrics of his solo sink on my mind. May kumirot sa akin. A repeating seesaw game. Para sa kaniya iyon na lang ba ang ibig sabihin ng lahat ng mayroon kami noon? Let's not measure who will get off first Let’s not drag things out Let's follow our hearts Let's put an end to this This repeated seesaw game Let's end this now I stilled at my spot. Huminto ang lahat sa paligid ko nang magtagpo ang paningin naming dalawa bagay na ilang taon na rin ang lumipas simula nang huling mangyari. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko na inismiran ako ni Yael bago 'to naglipat ng paningin sa iba at kumaway sa kaniyang fans. Sinundan ko ito nang tingin. Our eyes interlock again and his lips were press in a thin line. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ito natutuwa na makita ako sa concert ng grupo niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

His Obsession

read
73.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook