Chapter 1

1041 Words
It's two in the afternoon. The sun is shining brightly outside. The sky is in perfect shade of blue and the clouds has never look this pleasing in the eyes. Nilalarawan ng kalangitan ang isang perpektong araw pero hindi para kay Elio. This day is the worst for him. "I told you na hindi ba? May pagka-flirt talaga iyang Elisabeth mo Elio." Tumalas ang mata ng kaibigan ko. Parang sasaksakin niya ako gamit 'yon dahil tinatrashtalk ko na naman iyong girlfriend niya este ex na sa totoo lang naman ay dinedescribe ko lang. "No. Iyong Yael Silva ang flirt. Pinilit niya lang si Elisabeth." I turned my head to Rizza Mae. "How about we give him kapeng barako instead of iced caramel macchiato. Baka lang magising?" bulong ko rito. She rolled her eyes. The disappointment her pools is not a new sight for me. "Hindi na bastang kape lang ang kailangan niya. His mind has always been haywire when it comes to Elisabeth. Hindi naman yan natututo. Ewan ko ba bakit dinadamayan pa natin 'yan. For sure ilang linggo lang at tatanggapin niya na naman iyong babaeng 'yon," si Rizza. Sa haba nang sinabi nito. Hindi ko sure kung nasa conversation ba talaga namin ang isip nito kasi parang ang mga mata niya ay gumagalaw at binabasa pa rin ang kung ano sa notes nito sa kaniyang university notebook. Tell me who your friends are and I'll tell you who you are sabi ng iba. Kung ang pangalan ni Rizza ang sasabihin ko. Iisipin ng lahat na I have my life planned and figured out like hers. Masunuring anak, hindi dumaan sa rebellious stage. Dean Lister, literal na bahay at university lang. Kung gagala ay kailangan ko pang humarap sa Mama nito na parang mama ko na rin. Sunduin siya sa bahay nila at iuwi rin ng buo, maski kaonting bangas ay dapat na wala. Then people will look on my left. They will meet Elio Madrigal. Ang lovesick fool sa trio. Umiikot ang mundo sa lovelife niya. His decision with his life are solely base on his mood and lovelife. Total opposite ni Rizza. How the three of us click together... is a big mistery. "Saka last month pa itong issue na 'to? Nakalimutan na nga ng lahat na ex ka ni Elisabeth. She is official with Yael," si Rizza ulit. Napasinghap ako. Masiyadong madrama iyong naging reaksyon ko na pati ang atensyon ni Rizza ay nakuha ko nang buo. She is looking to me through her black and flirty eyelashes. "Sis is very much updated sa teas." Umirap na naman ito sa ere. Parang sinasabi niya na kaya niya lang alam iyong mga tea na 'to e kasi mayroon siyang Inez Agustin sa buhay niya na share ng share ng iba't ibang tea at bilang matalino siya. Natatandaan niya 'yon lahat. "For the last time. Mag-move on ka na. Kung hindi ka napapagod na masaktan puwes kami ni Inez. Napapagod nang mag-comfort. You can't just drag us from our classes anytime na gusto mo ng company just because you are broken. We have our own life and future that we are preparing for." Napatigil sa pagsasalita si Rizza. Hindi ko na kailangang bumulong sa kaniya o maglabas ng violent reaction ni Elio para mapagtanto na medyo harsh na ang choice of words niya. "Sorry." She sighed. Sinarado niya ang notebook at umayos nang upo. Sa mga oras na 'to ay nasa amin na ang utak, puso at kaluluwa niya. Elio smiled at her but it did not reach his eyes. Nasaktan siya mga salitang nalasap galing kay Rizza. "I did not mean too---" "Okay lang, Riz. Naiintindihan ko na ganiyan pa iyong reaction mo kasi ang perfect ng buhay mo. Perfect ka, maski si Ian na manliligaw mo perfect din. Wish ko lang na hindi ka makahanap ng taong sobra mong magugustuhan, wala kang pakialam kahit nagpapakasira ka na." Binitbit na ni Elio ang lalagyan ng iced coffee niya at nilayasan kami. Naiwan si Rizza, ako at katahimikan sa aming table. Ayaw ko nang gatunggan iyong nangyari kaya napabuklat na lang din ako ng notebook para mag-aral. "Aral na lang tayo. Para sa future," I whispered. Kung narinig ba 'yon ni Rizza ay hindi ko na sigurado. Rizza and I survived the last ten minutes reviewing in silence. Hindi ko alam kung ano ang inaaral niya pero ako. Kinakabisado ko ang essential feature ng market. "In economics, a market does not mean a particular place but the whole region where sellers and buyers of a product ate spread. Modem modes of communication and transport have made the market area for a product very wide." I recited silently. Bigla na lang natunaw ang pinakaiingat-ingatang pagpo-focus nang makita ang pares na pumasok sa coffee shop. It's Elisabeth on her cheerleading uniform and Yael Silva on his basketball uniform. They look like a typical couple from a teen-fiction movie. Iyong parang hook up, hook up lang pero hindi iyong tipo ng ka-partner na iuuwi mo sa bahay niyo para iharap sa parents mo. Tinapik ko ang braso ni Rizza. Sinulyapan ko 'to pero abala pa rin siya kaya inulit ko yon nang inulit at mas mabilis pa nga. "Inez naman ano ba 'yan---" "Nandito si Yael at Elisabeth." Bulong ko rito. Her eyes knows where to look. Sa counter. Hindi rin naman 'yon nagtagal doon. "O tapos?" "What do you mean by o tapos?" "Anong gusto mong gawin ko?" pakunot na nang pakunot ang noo namin. "That's Yael and Elisabeth," I emphasized. Para kasing hindi pa nagsisink in sa kaniya kung sino ang kaharap namin. "Yeah that's them. So what? Shipper ka ba? Kinikilig ka? Gusto mong magpa-picture." I shook my head. Pagkakuha nung dalawa sa order nilang cold brew ay umalis na rin naman sila ng coffee shop. Buti na lang pala at nag-walk out si Elio. Kung nasaksihan niya kasi 'yon ay baka naglulupasay na ito. "What if beauty is the beast and she wants someone else's prince charming?" tinaas-baba ko ang aking kilay. Rizza shook her head. "No-uh. Nope. No. Inez hindi. Dios mio for pabor. Please naman tama ng si Elio lang ang sakit ko ng ulo. Huwag mong ituloy." "This is for Elio," bulong ko pa rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD