Tumayo si Ian para kunin ang ipinagmamalaki nitong chocolate pudding. Maraming beses na naming narinig ni Elio ang mga kuwento galing kay Rizza kung gaano kasarap ang chocolate pudding na gawa ng mga Zamora. Iyon yata ang special na recipe ng pamilya nina Ian. "Ate Riz dapat matutunan mo ring gawin iyong chocolate pudding. Magpaturo ka na kay Mommy. I'm sure she will love too," anas ni Dorothea. Patapos pa lang 'to sa main course niya. Habang nakailang serving na kami, siya ay hirap na hirap ubusin ang unang plato niya. While the future sister in law talks. Elio beside me is busy with his phone. Hindi maganda ang ngiti sa labi nito. Para iyong kontrabidang tuwang-tuwa kasi nagwagi ang hindi niya magandang plano laban sa binda. Bilang dakilang chismosa. Sumilip ako sa cellphone nito.

