Alas kuwatro emedya ang sinet kong alarm ngunit ilang minuto bago pa sumapit ang oras na 'yon ay nagising na ako. Pinatay ko na lang iyong hindi pa tumutunog na alarm sa cellphone saka 'yon chinarge para puno ang battery ko pag-alis mamaya para sa school. Upang makita nang maayos ang daraanan at mahanap ang mga librong kailangan. Binuksan ko muna ang ilaw. Napatingin ako kay Yael. Inobserbahan ko kung mararamdaman niya bang nagbukas ako ng ilaw at kung makakaistorbo ba iyon sa tulog niya. Pagkakita ko na nahihimbing pa rin 'to at parang hindi niya naman namalayan ang ilaw pati na rin ang pagbangon ko. Binalikan ko sa bed-side table iyong itim na table lamp doon pati na rin iyong laptop na nasa ilalim. Pagkasaksak ko ng charger sa extension pati na rin nung table lamp. Pinata

