I press and press the ringer attached on Elio's door. Hindi ko inalis ang daliri sa buton hanggang sa bumukas ang pinto ng unit niya. "Ang tagal mo namang magbukas ng pinto. Bakit mo pa ba kasi pinalitan iyong passcode ng pinto?" Paghubad ng sapatos ay dumiretso na ako sa sala. Awtomatik na pinuntahan ng kamay ko ang remote sa center table para tumupi patapos ang mga blinds sa bintana ni Elio. "Magbukas ka ng bintana. Kailangan mo ng vitamin c. Pumuputla ka na. Baka kaya hindi ka ulit nagkakaroon ng girlfriend kasi kulang ka sa sikat ng araw." Hinaklit ni Elio ang backpack na dala-dala ko. Hindi ko na ito pinigilan. Hinayaan ko na lang siya na buksan iyon at isa-isahin ang laman. "Hindi aabot ng isang linggo 'to. Nasaan iyong uniform mo? Black shoes? Magdadala ka na lang ng gamit mo

