"Hmm?" Yael murmured lazily on the other line. Nagulantang ang puso ko sa lalim at gaspang ng boses nito. Nakikita ko lang naman kasi si Yael sa university pero hindi ko naman siya naririnig magsalati. Maski nga ang magkalapit kaming dalawa ay hindi. Ang pinaka-maikling distansya naming dalawa ay nung nagkasama kami sa iisang cafe. Nasa table ako hindi kalayuan sa entrance tapos nasa counter naman sila ni Elisabeth para umorder.
"Sean?" pagsasalita ulit ni Yael. Ni-loudspeaker ko yung cellphone sabay lapit non nang kaonti sa mukha nito. Sakto lang para marinig ni Yael ang sasabihin niya at hindi ito maging sagabal na maaring dahilan para maaksidente kaming dalawa.
Pinanlakihan ko nang mata si Sean. "Itanong mo na kung nasaan siya. Nagda-drive ako. Hindi ka ba marunong magsalita? O kinikilig ka?" Mas lalo pang namilog and dilat kong mata. Kung hindi lang siya nagmamaneho baka nasipa ko na ang binti nito.
"Sino yon? Kasama mo ba si Adela?"
"Hindi. Iba ang kasama ko." Kamuntikan na akong makarinig ng huni ng kuliglig dahil sa biglaang katahimikan. "May iba kang babae?"
"Gago 'to. Sabi ko na nga ba yan ang naiisip mo. Siyempre hindi." Kung makapag-deny naman. Parang luging-lugi siya. As if din naman na payag akong side-chic lang. Tsitsinelasin ko 'tong dalawang 'to e.
Sean glance to my side. Inaaral pa yata nito kung paano niya ako ipapakilala kay Yael o ipaliliwanag kung ano ang relasyon naman sa isa't isa at bakit kami magkasama.
"I'm a family friend. Ngayon pakisabi na lang kung nasaan ka kasi kailangan kong sunduin iyong isa ko pang friend na nahihibang." Ewan ko lang kung nakaka-overwhelm ba para kay Yael na marinig ang boses ko o talagang may pagka-slow siya at kailangan niya ng kahit isang minuto para maproseso ang lahat nang naririnig.
"Sino ka ba?"
"Luh. Masiyado ka namang curious." I giggled. "Malalaman mo rin mamaya send location muna."
"Sean sino ba 'to?" walang kabuhay-buhay na tanong niya. Well okay Mr. Calm man. This is not what I expected akala ko mabubuwisit ko na 'to in instant.
"Si Inez."
"Hindi ko kilala," agap niya. Malamang nga hindi. Kasi kung kilala niya ako mabobosesan niya ako kaagad at hindi na siya magtatanong kung sino ako.
"Nasaan ka ba? Kaibigan yan ni Elio. Susunduin niya raw yon. On the way na kami. Malapit ba sa Juarez Heights?" kung hindi pa nga nagsalita si Sean wala pang matinong conversation na magaganap.
"Oo." Sean then told me to end the call.
"Itong si Yael. What is he like? Playboy 'to malamang."
"Wala siyang oras para sa ganoon." Kinagat ko ang labi para hindi mangiti. Hindi ako kinikilig. Hindi naman ako naabisuhan na clown pala 'tong si Sean. Ako pa paniniwalain niya na hindi playboy si Yael e pumatol nga kay Elisabeth kahit may boyfriend pa. Isa lang ang ibig sabihin non gusto niyang nakikipaglaro... therefore he is a playboy. Ooffer ko sa kaniya ng fresh ang puso ko kung talagang hindi.
"So nasaan ang oras niya?"
"Kailangan ko bang sagutin yan? Interview ba 'to? Balak mong gawan ng biography si Yael? Siya na lang ang tanungin mo tutal magkikita naman kayo mamaya." I could do that some other time. Kapag hindi ko na kailangang isalba ang problematic ass ni Elio.
Pagpasok sa Juarez Heights. Isang hindi kalakihang athletic park sa Quezon City. Una naming nalampasan ang spot malapit sa gate na punong-puno ng mga kabataang nag-sskateboard. Iyong iba siguro ay nagpa-practice para sa mga tournament iyong iba ay for leisure time lang.
"Malapit na tayo sa basketball court." Isang liko na nga lang ng sasakyan at nakikita ko na ang basketball court na balot ng ilaw. Marami-rami ring tao sa loob. Na-spot-an ko kaagad ang kotse ni Elio at ang kotse na dala ni Yael nung umalis siya sa bahay kanina.
Isasara ko pa lang ang pinto pagkababa ng sasakyan narinig na namin ni Sean ang buzzer. The crowd cheer wildly.
"s**t," I whispered to myself. Totoong kaibigan ako ni Elio pero malakas ang pakiramdam ko na hindi para sa kaniya ang mga hiyaw na 'yon. Oo nga't nagbabasketball siya pero just for fun lang tapod itong si Yael. Varsity siya ng school. Usap-usapan pa nga na baka pumasok siya sa PBA pagka-graduate ng college. May posibilidad din daw na ito na ang maging captain ng team pagka-graduate ng captain ngayong taon.
Tumakbo ako papasok sa covered court. Magkatapat si Yael at Elio. Halata ang pagngingitngit sa mukha ni Elio habang may inaabot ito kay Yael. Iyong susi yata ng kotse nila.
"Bobo na nga sa pag-ibig. Bobo pa rin sa life choices." Mabilis kong nilapitan ang dalawa sabay hila palayo kay Elio bago pa nito tuluyang maibigay kay Yael yung susi.
"As you can see. This friend of mine is drunk and a little bit out of his mind. Nasa proseso kasi nang pagmu-move-on kaya huwag mong seryosohin kung ano man ang napagkasunduan niyo." I smiled to Yael. Tamad na dumapo ang paningin nito sa akin.
"If you want I could treat you. Lunch, snack, dinner or drink name it. Huwag lang yung kotse niya kasi mahahampas 'to ng golf club ng Daddy niya."
"Hindi ko na 'yon problema. Siya naman ang naghamon at nagtaya ng kotse niya. Tinanggap ko lang at tinalo siya."
"Ha. Ang yabang talaga. Tiyamba lang naman 'yon." Hinarap ko si Elio at pinaningkitan ng mata. Jusko lang talaga. Ano naman ngayon kung nagyayabang itong si Yael may karapatan siya at the moment kasi nga panalo siya. E itong si Elio talo na nga ma-pride pa tapos mayabang din. "Tumigil ka na ha. Mamaya ka sa akin ipapa-tsinelas kita kay Rizza napaka-ano mo." Banta ko kay Elio na kakagatin pa sana ang daliri ko.
"See? Halata naman na wala sa katinuan 'to. At amoy alcohol pinatulan mo pa."
"Nakakapaglakad naman yan nang tuwid. Malinaw din siyang magsalita. He may be drunk but I believe he know what he did and said." Nag-walkout na si Yael nang hindi nakukuha yung susi ng kotse ni Elio. Maayos na sana ang lahat hanggang sa may lumipad na kung ano papunta sa ulo nito.
I swear I think I heard a crisp sound. Bumagsak sa sahig ng basketball court yung susi ng kotse ni Elio.
Yael look back to us and then to the key that is an inch away from his feet. Akala ko ay mapipikon ito o magagalit dahil sa ginawi ni Elio at susugod mabuti na lang hindi. Nagpatuloy lang siya ulit sa paglalakad na parang walang nangyari.
Sana all unbothered. My patience could never.
"What do you mean hindi mo kayang mag-drive?" pagpapanic ko. Sumandal si Elio sa pinto ng sasakyan nito. "I can't drive. I can't. Mapapaaga ang pakikipagkita natin kay San Pedro kapag pinilit kong mag-drive. Kanina pa ako nahihilo. Kaya lang ako natalo nung Yael kasi nga hindi ako sober."
Lalaki naman 'tong si Elio. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kaniya kung iwanan ko na
lang siya rito, ano?
I once dream of doing something inside of a car but sleeping is not on the list, definitely.
"S-Sean!" tawag ko nang mamataan ito na papasakay na kotse na dala namin papunta rito. He glance at my direction and throw a questioning look. Iniwan ko muna si Elio na binibigyan na ako ng masamang tingin.
"Anong gagawin mo---"
"Ayaw kong matulog dito at sabi mo nga hindi mo kayang mag-drive. I'm going to ask help."
"H-Hoy!"
"Sean I-I need your help... again." Nasa tabi ni Sean si Yael.
"Can you please driver Elio and I home? Hindi niya na raw kasi kayang mag-drive. I don't know how to drive and I don't have a license." Nag-beautiful eyes ako rito. Baka lang mas effective 'tong ganito kesa makiusap sa kaniya.
Humawak si Sean sa likod ng ulo sabay baba ng tingin sa cellphone niya. "Iyong girlfriend ko kasi nagpapasunod sa part-time job niya. Umo-oo na ako---"
"That's f-fine?"
"Out of the way. Northbound ang bahay niyo Southbound siya." I bit my lips. Nagkatinginan lang kami ni Sean hanggang sa napatingin ito kay Yael.
"Di ba wala ka naman nang gagawin. Do you think you can drive them home?"
"Dala ko yung isang kotse."
"Iwan na lang natin yung kay Elio. Balikan niya lang dito bukas." Go, Inez. Grab this opportunity. Chance mo na 'to para mag-iwan ng magandang first impression kay Yael.
"Please? Hmm? May pasok pa bukas. May quiz kami. I can't miss that."
I owe Sean a cup of coffee or anything. Kung hindi niya ako tinulungan na kumbinsihin si Yael na ipag-drive kami papunta sa bahay. Hindi ko 'to makakatabi ngayon.
"First year college ka di ba? Grade 12 kasi ako. Graduating na. Anong feeling kapag college ka na?" hindi ko nakalimutang ngumiti. Natunaw rin yon sa labi ko nang hindi ito sumagot. Maski tingin ay hindi niya binigay sa akin.
Ang snobber.
Seryoso. I mean he is talented and good-looking pero sa character? Mas better naman si Elio pagdating doon. Bakit pinagpalit ni Elisabeth si Elio para sa lalaking 'to?
"Do you really love her?" tanong ni Elio na bumasag sa katahimikan. Dali-dali kong nilinggon ang kaibigan. Goodness, what a huge embarrassment. Sana lang hindi na sumagi sa utak nito na umiyak pa kay Yael. Sinilip lang siya ni Yael sa rear-view mirror but he remained unbothered.
Kapag favorite ka ni God. Ang dami niya talagang ilalagay sa iyo na little detail na magiging malaking tulong sa buhay mo kalaunan. Gaya na lang nito.
"Bakit ka lumiko? Diretso lang dapat."
"Papunta na sa Libis kapag dumiretso ako. Taga-Quezon City ka di ba? White Plains?"
Itong si Yael. Hindi siya mahilig magsalita pero kayang-kayang magbigay ng sagot ng mukha nito gamit lang ang iba't ibang ekspresyon. Most of these expression includes scrunched eyes and curled lips-a go to look when he wants to express his perpetual disgust to something or someone. At ang isa pa na ilang beses ko nang nakita ngayong araw. His infamous giving zero f**k expression. A set that includes closing his eyes and pursing his lips with the occasional shoulder shrug
"Hoy paano mo alam?"
"Nakita mo akong galing sa inyo kanina."
"Uh yeah pero paano mo nga nalaman?" pangungulit ko pa. Baka kasi mamaya may crush na pala 'to sa akin. Mas mapapadali ang trabaho ko kapag nagkataon. I just need to be more charming and viola. Wala na masiyadong effort mara ma-fall ito. Ang kailangan ko na lang gawin ay i-ghost siya.
"Anyway sa Libis nga tayo. Eastwood Le Grand 3 Condominium. Iyong address ay Eastwood Palm Tree Avenue, Bagumbayan, Quezon City, 1800 Metro Manila," sabi ko na lang nang ma-realize na mapapanis na lang ang laway ko ay hindi pa rin talaga siya sasagot sa iba kong tanong.
"Sa Le Grand tapos babalik ng Quezon City para ihatid ka sa White Plains? Tibay a. Ginawa mo talaga akong driver."
Ano kayang mayroon sa katawan ko ngayon? Masiyadong ang babaw ng kasiyahan ko. Satisfied na satisfied akong marinig ang boses nito. Tama lang kasi ang timbre. Mababa at kalmado-kung ano mismo ang itsura nito. Iyon din ang boses niya.
"Hindi naman. Libis lang kami magpapahatid hindi na sa White Plains. Doon na lang ako matutulog sa condo niya. May mga gamit naman ako roon at si Elio naman 'to so okay lang."
"Kayong dalawa lang?" I was about to say yes to his question when I realize that he's becoming more talkative and curious.
"Bakit? Ayaw mo ba na roon ako matulog?" I asked, teasing him.
His lips curls up. Ayon na nga. Hindi na naman siya nagsasalita. "Introvert ka ba? O talagang hindi ka lang conversationalist na type ng tao?"
"Single ka no?" his eyes smoothly slide to my direction and then back on the road. I shifted on my seat and tilted my body more on his direction. I look at him with my mouth open. "Pick up line na ba 'to? Ayaw ko sa may sabit ha."
"Ang daldal mo kasi. Para kang vaccum na mangsa-suck ng energy ng partner mo. Kung nagkaroon ka na ng boyfriend. Malamang hindi ka rin natagalan." His words were daggers to my fragile heart. Masiyado namang magaspang ang dila ng lalaki ito at talagang personalan kung mang-atake.
"Maraming nanliligaw sa akin no. Strict lang si Mommy bukod doon ay nirereto niya ako kay Sean."
"May girlfriend yon."
"Alam ko," agap ko na parang hindi ako napahiya sa pagsansala nito sa sinasabi ko. "At marami nga akong manliligaw. Study first lang talaga ako. Saka na lang ako magdedecide na ma-in love kapag nakahanap na ako ng sarili kong Ian Zamora." Hindi sa pinagpapantasyahan ko ang manliligaw ni Ma. Rizza Mae De Asis. Talagang mister perfectly fine lang ang lalaking yon at epitome ng salitang perfect man. No one would say no to Ian. Bobo na lang yung babae na hindi siya ang first at only choice-as in.
He smirked.
Okay that was sexy. "Then be patient. The higher the standard the harder and the longer of waiting for your Ian Zamora 2.0 to arrive. Kapag minalas ka baka wala pang dumating na ganoon." Nagtagis ang aking bagang. Ang lakas mambasag ng lalaking 'to. Masiyadong nakakapikon tapos nakakasakit ng feelings kaya siguro gigil na gigil si Elio sa kaniya.