Panay ang balik ng mga mata ni Yael sa kaniyang cellphone. Mayroon silang ina-arrange na guide song ni Douglas na siyang producer ng kumpanya. Halos lahat ng kanta sa track list ng debut album ng DNI ay may partisipasyon nito. “Ganoon na lang ang gagawin natin ano, Yael?” Mabilis na binulsa ni Yael ang cellphone sabay tingin sa mukha ni Producer Douglas o mas kilala sa MB bilang Pdoug. Nahanaop ito ni Yael na kumportable pa ring nakasandal sa swivel chair habang ang mga daliri ay nasa keyboard controller ang kamay at daliri nito. Wala man itong ginagalaw roon. Nakaabang lang siya sa sagot ni Yael. “Kung ano po sa tingin niyong mas okay,” anas ni Yael. Hindi man lang niya tiningnan ang kausap. Tinulak ni Pdoug ang upuan palayo sa table kung nasaan ang computer pati na rin

