Natigil kami at napatingin sa maraming wisp na nakapalibot saamin. Mabilis kaming napatayo at nilagay ako sa likuran nila upang maprotektahan. "What is happening? Why are they here?" Aalis na sana kami nang mapatigil dahil sa mga bampira at lobong nagtatago sa mga puno. Napaatras kami malapit sa bangin dahil sa paglapit nila. Ang dami nila. Tuluyan na silang nagbago sa kung ano ba talaga sila at dahan-dahang lumalapit saamin. My blood? Naamoy nila dahil sa sugat na ginawa nung wisp. "Sa tingin ko po ay ako ang gusto nilang makuha." Wika ko at napatingin sakanila na halatang natatakot rin katulad ko, ngunit sa kabila nito ay nakatayo pa rin sila ng medyo maayos para humarang saakin. "Bakit?" "Yung dugo ko po." Aniko. Inaasahan kong magtatanong sila ulit ngunit hindi. "Anong gagawin

