Nagmulat ako dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Umaga na at napakapayapa sa labas. Paglabas ko ng aking silid ay napaka tahimik. Nagpunta muna ako sa kusina upang kumuha ng makakain atsaka ako dumiretso sa kwarto ni kuya at naabutan siya doong pinaglalaruan ang kaniyang kapangyarihan. "What are you doing here?" Tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot. "Nasaan sila lola? Bakit sobrang tahimik doon sa labas?" Tanong ko nang makaupo ako sakaniyang paanan. Kumagat naman ako sa nabalatang mansanas na hawak ko. "I don't know. Should I know?" "Ano ba? Bakit ganiyan ka? Ano bang ginawa kong masama sayo?" "Parang hindi na ikaw yung kuyang kilala ko." Naiiyak kong wika. Kumagat ulit ako ng ilang beses atsaka na ito inilapag sa maliit na lamesa. "Do you hear what i'm saying?" Pagtingin niy

