"Ladies." Pagkuha ni tito Valentine ng atensyon nila. Paglapit saamin nila tita Luna ay nagpaalam si tito na may aasikasuhin daw muna. "Gusto niyo bang ipagluto ko kayo ng makakain?" Tanong ni ate Sofia ngunit wala saaming sumagot ni kuya. Parang wala akong lakas dahil sa nasaksihan at kaalamang nag aagaw buhay pa rin si mommy. Si daddy kaya? Kamusta na sila? Anong nangyari kay mommy? Sino ang gumawa non? "Bakit ka umiiyak?" Nag aalala nilang tanong. Si kuya naman ay nakatingin saakin ngunit hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng kaniyang pagtingin. Umiling ako ng umiling atsaka tumakbo patungo sa silid ni mommy. Mabilis akong nahiga at ibinaon ang mukha sakanilang unan at doon humagulgol. ... Hindi ko namalayang nakatulog na ako kaninang umaga. Nandito na kami ngayon at nag aayos s

