Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko si tita Amara na nag pupunas ng mga litrato namin. Medyo madilim na at sa palagay ko'y wala pa si kuya. "Bakit ngayong lang kay- nasaan ang kuya mo?" "Hindi ko po siya kasama kanina. May ginagawa po yata siya." "Ganon ba? Sige, kumain ka na doon sa kusina. Tapusin ko lang ito." Anila atsaka ako nginitian. Nag bihis na ako atsaka na kami kumain. Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin si kuya. Ilang beses na namin siyang tinawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. "Mag pahinga ka na. Ako na nag bahala dito. Aantayin ko na lang siya." Anila saakin. Kahit ayoko pa ay naramdaman ko na ang aking antok kaya na ako natulog. Hindi pa ako nakakatulog ng tuluyan ay nakarinig ako ng kalabog sa kwarto ni kuya. Pagtayo ko ng dahan-dahan ay agad akong napatakbo

