Tahimik silang nagtagal sa silid. Si Thara ay nakapikit, pilit kinokontrol ang pag-iyak, ang pagnanais na sumigaw, at ang selos na bumabalot sa kanya. Si Zaire naman ay nakatayo sa tabi niya. Silence does not wound. Instead, it grants Thara the space to process everything. Hindi niya maiwasang isipin ang eksena sa labas ng silid, si Rozein at ang babae. Ang yakap na sobra ang higpit, ang titig na puno ng init at pag-aari. Ang eksenang iyon ay parang isang martilyo sa puso niya. Ngunit sa ngayon, hindi pa siya lumalabas. Pinipilit niyang maghintay, at ramdam niya na ito ay isang paraan para pangalagaan ang sarili niya. Huminga si Thara nang malalim, ramdam ang init ng luha sa gilid ng mata. Pilit niyang iniwasan ang pagbagsak. Hindi ko puwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya, bulong niya

