“W-what?” nanginig ang kanyang boses. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Kasi sa sandaling ito, parang umiikot ang utak niya sa dami ng tanong na walang sagot. How the hell she related to Freiah? Bakit siya naging Silvana? Kung kapatid niya si Freiah? Ibig sabihin niyon ampon lamang siya? This is crazy. This is impossible! Napabuntong-hininga si Rozein, saka napailing at tumingin kay Freiah. Umiwas ito saglit bago ibinalik ang tingin kay Thara. “She is your half-sister,” anito. Hindi pa rin makapaniwala si Thara. “Still doesn’t make sense. I need an explanation. Parang sasabog na ang ulo ko.” “See?” Rozein’s voice was flat, pero may bakas ng inis. “This is exactly why I didn’t want you to know. Ang gulo, hindi mo maiintindihan.” “Then some

