Chapter 3: Wedding

1297 Words
Marahas na bumaling si Thara kay Lowie, halos manginig sa inis sa narinig. What the hell is going on inside her unbalanced head? “Is it wickedness to be a virgin?” mariin niyang bulong, puno ng iritasyon. Kahit kasal na siya kay Rozein, hindi pa nila nagagawa ang bagay na iyon. Sa isip niya, baka magpatayan lang sila kapag nagsama sa iisang silid. Ang pagiging mag-asawa nila ay isa lamang kasunduan, isang obligasyong ayaw man niya, pinipilit pa rin niyang panindigan. “Really? You’re already twenty-three, and you’re still a virgin?” hindi makapaniwalang bulalas ni Lowie, ang pinsan niyang laging tila may sayad kapag tungkol sa mga bagay na ganito. Napasinghap si Thara. Kung makapagsalita ito, akala mo ay isang mabigat na kasalanan ang pagiging birhen. Ano bang problema sa pagiging virgin? Hindi naman ako makukulong dahil dito. “Wala ka naman sigurong balak sumunod bilang Virgin Mary, ’di ba?” dagdag pa ni Lowie, nakataas ang kilay at nanlalaki ang mga mata sa gulat. Thara clenched her jaw. Why is it even a big deal to her? “Don’t worry, wala naman akong planong tumandang dalaga,” sagot niya, may bahid ng inis. Lowie rolled her eyes and smirked. “I suggest, manood ka ng porn.” Nagtawanan pa sina Lowie at Ireem na kasama nila. Pinukol sila ng matalim na tingin ni Thara. Mukhang wala talagang balak tigilan siya ng dalawa sa pang-aasar. “I won’t do that. At least I have an idea about those things,” mariin niyang tugon. “Couz, sinasabi ko sa 'yo. Malungkot kapag walang boyfriend. Kaya kapag nagkita kayo ni Eleur, huwag ka nang magpakipot pa. Don’t waste the chance.” Napairap si Thara. Ayaw na niyang patulan pa ang walang kwentang opinyon ng pinsan. Mas minabuti niyang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan at manahimik. Si Eleur Rosales. Just the thought of him made her blood boil. Kaklase niya ito noong high school, at walang araw na hindi sila nagtatalo kahit sa pinakamaliit na bagay. She hated him, his arrogance, his bossy attitude, his way of making every girl swoon as if they were pawns in his game. He was too proud, too full of himself. And she, admittedly boring in comparison, preferred baking to parties and drama. Pagdating nila sa El Allegres, dumiretso sila sa Villa Las Heras kung saan sila mananatili hanggang matapos ang kasal. Pinili ng pinsan niyang si Mallory ang beach wedding, at walang mas angkop na lugar kaysa rito. Ang paligid ay parang sa isang paraiso, mapuputing buhangin, kristal na dagat, at mamahaling dekorasyong bumabalot sa paligid. “You’re looking so stunning, Couz. I can’t help but feel jealous,” nakangusong sabi ni Lowie habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Naka-off-shoulder sequined black gown si Thara, may mga slits sa gilid na bahagyang nagpapakita ng kanyang legs. Nakapareha nito ang itim na heels, isang clutch, at isang show-stopping na alahas. She looked undeniably elegant. “Stop flattering me,” iritadong sagot niya, bagama’t lihim na namula ang kanyang pisngi. Humanga si Thara sa dekorasyon ng lugar. Mula sa bulaklak, disenyo ng altar, hanggang sa gown na napili ni Mallory, lahat ay perpekto. Everything screamed luxury and beauty. Nasa entrance siya nang makasalubong si Alondra, bunsong kapatid ng kanyang ina. “Nandito ka lang pala, hija. Akala ko hindi ka na dadalo,” masayang bati nito sabay higpit ng yakap. “Hindi pwedeng wala ako, Tita. Ayaw kong magtampo si Mallory,” nakangiti niyang sagot. “You look great, Tita. Mas bumata ka sa suot mo,” dagdag pa niya, sinserong pagpuri. Tumawa ito at pabirong hinampas ang braso niya. “Binola mo pa ako. Siya nga pala, totoo ba ’tong nabalitaan kong may relasyon ka sa anak ng mga Halverson? Baka ikaw na ang susunod na ikasal, hija.” Napakagat-labi si Thara. “Tita naman… wala pa ’yan sa isip ko.” Ayaw niyang aminin ni itanggi ang tungkol sa kanya at kay Grance. Gusto muna niyang makausap ito bago lumabas ang balita at makarating sa Senyora. Maya-maya, tinawag na siya ng wedding coordinator para pumuwesto. Maid of Honor siya ni Mallory, ngunit hindi siya nakadalo sa rehearsal kaya kinakabahan siya. Sa paglalakad papunta sa kanyang pwesto, muntik na siyang madapa nang may humarang na paa. Napahawak siya sa lalaking nasa tabi niya. “Careful,” sabi ni Errol, na agad siyang inalalayan. “You’re lucky I’m in a good mood today, otherwise I wouldn’t have taken it easy on you,” sambit ng isang pamilyar na tinig. Napasinghap si Thara at napakunot ang noo. Si Eleur. Walang pinagbago ang itsura niya, ang nakakalokong ngiti, ang nakakainis na kumpiyansa sa sarili. “Kung hindi mo lang hinarang ang paa mo, hindi sana ako nadapa!” singhal niya. He chuckled, shaking his head. “Nice ass, by the way.” Namula sa galit si Thara at mabilis na sinipa ang binti nito. “Bastos ka pa rin hanggang ngayon!” “Your attitude still sucks,” ani nito, ngunit may halong biro at walang pakialam. “Pero hindi naman masakit.” “I can make it hurt more,” balik niya, nakataas ang kilay. “Thara, you’re causing a scene,” singit ni Lowie habang hinihila siya palayo. “Nakakainis!” galit niyang bulong. “Sana hindi mo na lang pinatulan,” mariing sabi ni Lowie. “He always makes my blood boil,” tugon ni Thara, napapikit sa sobrang pagkainis. Lowie sighed, lumapit ito kay Errol. Isa rin ito sa bridesmaid. Biglang may tumawag ng pangalan niya. “Thara!” Agad siyang napalingon at napangiti. “Jaric!” Yumakap siya sa dating kaklase noong kolehiyo. Warmth spread in her chest as she embraced a familiar face. “It’s good to see you,” ani Jaric. “Same here. How are you?” ‎“I'm doing good and I can see you're too,” he smiled. ‎ ‎ ‎"Yes I–" ‎ Bago pa siya makasagot nang maayos, lumapit ang coordinator. “Ms. Thara, kailangan niyo nang pumuwesto. Magsisimula na.” Humarap siya kay Jaric, na siya ring Best Man. “Let’s go.” Magkasabay silang pumuwesto. Habang naglalakad, napansin niya sa gilid ng kanyang paningin ang isang lalaking nakatitig sa kanya. May kung anong kilabot na gumapang sa kanyang balat. The man looked strangely familiar. Ngunit bago pa niya masigurado, natabunan ito ng dalawang bisitang lumapit. “Are you okay?” tanong ni Jaric. ‎"Y-yeah. Uh... Jaric, do you know him?" Itinuro niya ang kinaroroonan ng lalaki. ‎ ‎"Who?" kunot-noong sunundan ni Jaric ang itinuro niya. ‎ ‎‎Ngunit hindi nito nakita ang mukha ng lalaki dahil natabunan ito ng dalawang lalaki na lumapit dito. ‎ ‎"Saan ba diyan ang tinutukoy mo?" ‎Umiling siya. "Forget it." ‎Nang makarating si Thara sa upuan na hinanda para sa kanila, napahinga siya ng malalim. Nagpokus siya sa kasal. Pagpasok ni Mallory, naging emosyonal si Rye. Alam niyang maganda ang pinsan. But right now she's extraordinary beautiful! The ceremony was breathtaking, full of love and sincerity. Nang magpalitan ng singsing ang dalawa at maghalikan, nagpalakpakan ang lahat. ‎"God! Just look at then in smiles, hindi na ako makapaghintay na ikasal," Lowie squeal. Kasunod ay ang photoshoot, ngunit hindi niya makausap si Mallory dahil laging may nakapaligid dito. Umupo na lang si Thara at napabuntong-hininga. “I'm hungry, baby, let's go eat something,” rinig niyang sabi ni Lowie sa boyfriend nito. Naiwan siyang mag-isa matapos umalis sina Lowie at Errol. Sinubukang hanapin ng mga mata niya si Ireem ngunit hindi makita ni Thara. Saang lupalop na naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon? “May hinahanap ka ba?” tanong ni Eleur, nakahalukipkip, nakasandal pa sa poste na para bang pagmamay-ari nito ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD