Napasinghap si Thara. Of all people, bakit siya pa ang makikita ko?
“I’m not looking for you, if that’s what you mean,” malamig niyang sagot, sabay iwas ng tingin.
“Good. Because I wasn’t offering myself either,” sagot nito na may kasamang mapanuksong ngiti.
Napairap si Thara at mariing ipinikit ang mga mata. I swear, kung hindi lang ito wedding reception, baka nasapak ko na siya.
Umupo si Eleur sa tabi niya na parang walang pakialam kung ayaw niya ng presensya nito. Malakas ang loob, gaya ng dati.
“You still hate me, huh?” nakangising tanong nito, nakasandal at nakatingala sa kisame.
“Correction,” tugon niya. “I don’t hate you. I detest you.”
Tumawa ito, ’yong malutong at nakakairitang halakhak na ikinataas ng kilay ni Thara.
“You’re still the same, Thara,” ani Eleur. “Too feisty for someone who bakes cupcakes for comfort.”
Napalingon si Thara, matalim ang tingin. “At least cupcakes make people happy. Unlike you.”
“Wrong,” mahinang bulong nito habang tumagilid ang ulo, halos lumapit ang mukha sa kanya. “I make people very happy… in other ways.”
Namula ang pisngi ni Thara sa ibig sabihin ng kanyang mga salita. Kaagad siyang tumayo at pinagsikapan ang mahinahong tinig.
“You’re disgusting.”
“Maybe.” Kumibot ang labi ni Eleur, hindi nawawala ang pilyong ngiti. “But you couldn’t take your eyes off me earlier.”
“Because you tripped me!” bulyaw niya.
Eleur leaned closer, his voice dropping low, teasing.
“Sure, Thara. Keep telling yourself that.”
Dumaan ang roaming waiter at agad na kumuha ito ng dalawang goblet. Inabot Eleur ang isa kay Thara, na agad namang tinaasan niyang ng kilay.
“Come on, Thara. Kahit ngayon lang. Huwag mo akong pagsungitan.”
Napabuga ng hangin si Thara bago marahas na inabot ang goblet.
“Jaric is already married,” ani Eleur na para bang nagbabalita ng isang bagay na hindi niya dapat marinig.
Umangat ang kilay ni Thara. “I know he’s married. Sinabi niya sa akin,” malamig niyang tugon.
Nagkibit-balikat lang si Eleur. “Just trying to warn you. So that you won’t fall into a trap.”
Napairap si Thara. Since when did he start caring? Sa halip na patulan pa ang binata, naghanap ang kanyang mga mata ng pamilyar na mukha. Ngunit imbes na si Ireem ang matagpuan, iba ang nahagip ng kanyang paningin.
At ilang dipa lamang ang layo nito sa kanila. Si Rozein.
Dumilim ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya, lalo na sa eksaktong posisyon niya kasama si Eleur. Parang sinusundan nito ang bawat galaw niya. At sa kabila ng kanyang pagkairita, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba.
Ngunit agad na napawi iyon nang may lumapit na magandang babae kay Rozein. She looks at him with tenderness.
Kumuyom ang kamao ni Thara. Pilit niyang iniwas ang tingin at sa inisang lagok ang hawak niyang inumin.
How dare he? Malinaw ang panunukso ng tingin nito kanina, pero eto’t hayagan nitong ipinapakita na may iba.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Eleur nang magsimulang lumakad si Thara palayo.
“Uuwi na.”
“Wait, Thara—”
Hindi na siya lumingon. Mas pinili niyang huwag makita pa si Rozein.
Dumaan siya sa kumpulan ng mga bisita, pilit hinahanap sina Lowie at Ireem. Gusto nang umuwi ni Thara. Ala-una na ng madaling-araw.
Nang makalabas siya sa lanai, inasahan niyang may makikita siyang tao roon, pero walang kahit isa. Tahimik ang paligid, tanging malamig na hangin ng gabi ang bumabalot sa kanya. Kaya’t naglakad siya patungo sa kabilang entrance ng hotel upang muling pumasok.
At doon siya sinalubong ni Shannon, ang isa pa niyang pinsan, nakangiti habang may kasamang lalaki. A man in his early forties.
“Thara,” ani Shannon sabay hila sa kanya. “I want you to meet Governor Rodriguez.”
Agad na naglahad ng kamay ang gobernador. Sandali siyang natigilan.
“Be a good girl, Thara. Huwag mo akong ipahiya,” bulong ni Shannon.
Napilitan siyang ngumiti at tanggapin ang kamay nito.
“Tama nga ang sabi mo, hija. Napakaganda ng pinsan mo,” papuri ng gobernador, hindi agad binibitawan ang kanyang kamay.
Maingat itong hinila ni Thara. “It’s a pleasure meeting you, Gov.”
She heard he's one of the wealthiest in the country and no one knows his net worth but that isn't her busines.
Nagpaalam sandali si Shannon upang makipag-usap sa ibang kakilala, kaya naiwan si Thara kasama ang gobernador. Dumaan muli ang waiter, at kinuha nito ang dalawang goblet, at iniabot ang isa sa kanya. Ayaw sana niyang tanggapin, ngunit wala siyang magawa.
Habang nagsasalita ang gobernador, ramdam niya ang pagkabagot. Puro pagyayabang tungkol sa mga ari-arian at negosyo nito ang kanyang naririnig. Pinilit niyang ngumiti, pinilit na magmukhang interesado, kahit halos mahulog na ang kanyang talukap sa antok.
Nang maubos niya ang laman ng goblet, agad itong umalis upang kumuha ng panibago. Napansin niyang lumapit ito kay Shannon at may ibinulong sa tenga ng pinsan niya. Napakunot ang noo ni Thara. Bakit kailangang magbulungan?
Nang lumingon si Shannon at mahuli siyang nakatingin, mabilis itong ngumiti, isang ngiting may bahid ng pagkailang.
Hindi siya nakangiti pabalik. May kung anong hindi magandang kutob ang gumapang sa kanyang dibdib.
Pagbalik ng gobernador ay muli siyang inalok ng panibagong baso.
“I think you need more glass of champagne.”
“I had two shots already, Gov,” pagtanggi niya.
Ngunit mapilit ito. “Wala namang masama kung iinom ka pa ng isa, hija.”
Napilitan siyang tanggapin. Sumimsim siya nang bahagya, ngunit nang lumapit ang isang mag-asawang kakilala ng gobernador, ginamit niya ang pagkakataon upang itapon ang natitirang laman ng baso sa ilalim ng mesa.
Maya-maya’y nagpaalam din ang mag-asawa. Halos mahulog na ang kanyang mga mata sa antok. Mas malala pa ito kaysa kanina.
“Sleepy?” tanong ng gobernador, nakangisi.
Tumango siya, mahina ang boses.
“No problem, darling. Maraming available na suite sa hotel na ito. Maaari kitang samahan papunta doon.”
Natigilan si Thara. Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib. Suite?
Parang biglang bumalik ang nakaraan, apat na taon na ang nakalipas. Ang graduation night na muntik siyang mapahamak matapos malagyan ng kung ano ang kanyang inumin. Kung hindi siya inuwi agad ni Lowie, baka nag-iba ang takbo ng kanyang buhay.
At ngayon, nararamdaman niya muli ang parehong panghihina. Ang matinding antok na unti-unting pumapatay sa kanyang pandama.
No… hindi puwedeng ngayon ulit.
Nanlaki ang kanyang mga mata. What if nilagyan ng pampatulog ang inumin ko?
“Hija, kaya mo pa bang maglakad?” tanong ng gobernador sabay hawak sa kanyang braso.
Umatras siya at bahagyang nanginig. “N-no! Hindi ako s-sasama!”
Nagpanik ang kanyang dibdib. Agad niyang hinanap si Shannon, ngunit wala na ito sa upuan kung saan niya ito nakita kanina.
Kahit umiikot na ang kanyang paningin, pinilit niyang makaalis. Walang pakialam sa pagtawag ng gobernador, tumakbo siya papalayo sa reception area.
Ngunit ilang hakbang lang, halos madapa siya. Dumilim ang paligid, at halos wala na siyang makita.
“Help me, please…” mahina ang bulong niya, bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.