Chapter 5: Trapped

1105 Words
Hindi alam ni Thara kung ano ang nagpagising sa kanya. Tila tunog iyon ng isang pinto na isinara nang marahan ngunit malinaw sa kanyang pandinig. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, bahagyang nanlalabo ang paningin. For a while, she was disoriented. Kumunot ang noo ni Thara at inikot ang paningin sa paligid, sinusubukang unawain kung nasaan siya. Ang una niyang napansin ay ang malapad na kama na kinahihigaan niya, at ang katotohanang hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Napakurap siya at muling iginala ang mga mata. Lalong kumunot ang kanyang noo nang matuon ang tingin sa malaking salamin sa gilid ng kama. Napasinghap siya sa nakita. Agad niyang hinablot ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan at marahang yumuko. Nanlaki ang mga mata niya. Sa ilalim ng kumot, ibang damit na ang suot niya, isang maluwag na puting shirt at underwear lamang sa ibaba. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Sinong nagbihis sa kanya habang tulog siya? Kasabay ng kaba, unti-unting sumilay ang mga alaala ng nakaraang gabi… "Iniisip mo bang pinagsamantalahan kita?" isang baritonong tinig ang pumunit sa katahimikan. Mabilis siyang napalingon. Napabangon siya at naupo nang tuwid sa gitna ng kama. Halos mapapikit siya nang sumagi ang hilo sa kanyang ulo. "Mukhang naparami yata ng nainom," puna ng lalaki. Her eyes darted to him. "W-what happened?" she asked hoarsely. Inangat ni Rozein ang kilay na tila nang-aasar at isinandal ang likod sa settee, prente itong naupo doon. "Dapat ako ang magtatanong niyan," anito sa malamig na tinig. Muling kinuyom ni Thara ang kumot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na si Rozein ang nakakita sa kanya, o mas maiinis pa. Akala siguro nito ay nakalimutan na niya ang kalandian nito kagabi. Pero bakit, sa dinami-dami ng pwedeng makakita sa kanya, si Rozein pa? Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. He was just a man. Wala itong pinagkaiba sa lahat ng lalaki. Pero sa totoo lang, matapos ang nangyari kagabi, parang nabura na ang tiwala niya sa kahit sinuman. At higit sa lahat, hindi siya dapat magtiwala kay Rozein. Kung may mas matindi pang galit sa kanya, ito iyon. "Tell me, bakit ka nawalan ng malay sa gitna ng daan?" his deep tone cut through her thoughts. Palihim siyang napalunok. Ayaw niyang sagutin ang tanong. Kaya iniba niya ang usapan. "I presume this is your shirt," she murmured, without daring to look at him. Ramdam niyang sinusundan nito ang bawat kilos niya. "T-thank you," pilit niyang dagdag bago naglalakas-loob na tumingin sa mga mata nito. Umangat ang kilay ng lalaki. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." "Tingin ko hindi ko kailangang sagutin 'yan," she replied, forcing a faint smile. If she tells him now what exactly happened, hindi siya paniniwalaan nito. Lalo na at ang lalaking muntik na siyang pagsamantalahan kagabi ay isang respetadong tao ng El Allegres. Matiim na tumitig si Rozein. Tila may bibitawan pa sana itong salita nang biglang may kumatok sa pinto. "Come in," malamig nitong sabi. Bumukas iyon at pumasok ang isang katulong. "Senyorito, nakahanda na po ang silid." "Silid?" bulong ni Thara sa sarili, nagtataka sa narinig. "You can leave," Rozein dismissed coldly. Nang makaalis ito, saka muling nagsalita si Thara. "Uh… pwede ba akong humiram ng isusuot pang-ibaba? A shorts maybe or jeans. At kung maaari, magpapahatid sana ako kung saan pwedeng sumakay pabalik ng Villa Las Heras." Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago sumagot. "Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo…" Dismayadong napayuko si Thara. Mukhang kailangan na niyang simulan ang paglalakad palabas. "You're staying here, Mrs. Montefiore," he said with irritating casualness. Nanlaki ang mga mata ni Thara. "Ano?" "Alam kong narinig mo ako," malamig na ulit nito. Hindi siya makapaniwala. "No, I'm not staying here with you!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa galit. "It's not your choice. If you disagree, your family would suffer the consequences," he threatened. Nanlamig ang katawan ni Thara. Bakit pati pamilya niya idadamay nito? "Why are you even doing this?" "Dahil may kasalanan kang kailangang bayaran. And I have to teach you a good lesson. Hindi ka marunong magpaalam." Mapakla siyang natawa. "Bakit naman kailangan kong magpaalam? Wala ka namang pakialam, 'di ba?" Umigting ang panga nito. "Asawa mo pa rin ako, Thara. Baka nakakalimutan mo?" Saglit siyang natigilan. So, kinikilala pa rin pala niya ako bilang asawa. Pero agad din siyang tumindig. "Hindi ako mananatili dito," matigas niyang giit. "Bakit? Babalikan mo ang mga lalaki mo doon? Ang lakas ng loob mong lumandi. Hindi ka pa nakuntento sa isa, kailangan talaga dalawa?" madiing insulto nito. "You basta—" pinigilan ni Thara ang sariling murahin ito. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Kaya pwede ba, ipahatid mo na lang ako pabalik ng El Allegres," she said, head held high. Ngunit ngumisi lamang si Rozein. "Kung gusto mong umuwi, maglakad ka. Hanapin mo ang daan pabalik ng El Allegres." "Jerk!" she spat furiously. Biglang tumayo ang lalaki, at lumakas lalo ang t***k ng puso niya. "No one speaks to me in that manner. No one!" he snarled. Pero hindi siya nagpatinag. "Well, I'm not no one! I'm Thara Guanzon! And I'm not going to let you hold me here against my will!" He scoffed, slipping his hands into his pockets. "Matapang ka na, Thara. But let me tell you something, woman. I'll be the one to quench that pride. Tignan natin kung saan ka dadalhin ng katapangan mo." Bahagyang napasinghap si Thara. What did he mean by that? "Dana!" he suddenly barked. Agad na lumabas ang isang kasambahay. "Senyorito," nakayuko itong sumalubong. "Sa inyo siya matutulog. She’ll be the one to take care of the horses." "Wait?! You can’t do that!" sigaw ni Thara, nagngangalit ang mga mata. Hindi man lang siya tiningnan ni Rozein. "Dana, take her to the maid quarters and make sure she has a work uniform." Nagulat si Thara, lalo pang nag-init ang ulo. Lumapit ang babae para abutin siya ngunit umatras siya. "Hindi mo ako katulong, Rozein!" Nanlamig ang kanyang dugo nang makita ang pag-igting ng panga ng lalaki. Mabilis itong lumapit at tumigil sa paanan ng kama. "Dana, I’ve had a change of mind," he muttered. Saglit na napahinga nang maluwag si Thara. Finally. Pero kasunod ng malamig na tinig nito ay lalong binalot siya ng kaba. "Lahat ng gamit na binili mo para sa kanya, dalhin mo sa silid ko. She’ll be sleeping there. With me. On the same bed." "What?!" bulalas ni Thara, halos nanlaki ang mga mata. Rozein only gave a satisfied evil smirk before walking away, leaving her in complete shock. Muli, nagawa na naman ng kanyang bibig na pahirapan ang sarili niyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD