Chapter 6: Threat

1218 Words
“Wait,” pigil ni Thara nang akmang lalabas ang nagngangalang Dana. Huminto ito sa mismong bungad ng pinto at lumingon sa kanya. “May kailangan pa po ba kayo, Senyorito?” maingat na tugon nito. “My name is Thara, 'yon na lamang ang itawag mo sa akin,” she told her. Kung hindi siya nagkakamali, halos isang taon lamang ang tanda niya kay Dana. Kaedaran lang halos niy, kaya nakapagtataka kung bakit nito tinatawag ng sobrang pormal si Thara. “Asawa kayo ni Senyorito, kaya normal lang po na tatawagin ko kayong Senyorito.” Napailing si Thara. “Where are we, anyway?” tanong pa niya. “Nasa Vista Sandrè tayo, Senyorita,” sagot ni Dana. Vista Sandrè? Parang pamilyar. Narinig na niya ang pangalan ng lugar na 'yon dati, ngunit hindi niya agad maalala kung saan. “Pagmamay-ari ng pamilyang Montefiore ang isla na 'to,” dagdag ni Dana, na para bang nababasa ang tanong sa isip niya. Bahagyang nagulat si Thara sa nalaman. Huminga siya nang malalim, pilit na pinapawi ang unti-unting pag-ahon ng takot sa kanyang dibdib. Don’t panic, Thara. Everything is going to be fine, bulong niya sa sarili. “Uh… may iba pa po ba kayong kailangan, Senyorita?” maingat na tanong ni Dana. “Yes, kailangan kong makitawag,” diretsong sabi niya. Umiling si Dana. “Pasensya na po, bawal po kasi…” Kumunot ang noo ni Thara. “Bakit bawal?” “Mahigpit na utos sa amin na huwag kayong papahawakin ng kahit anong gadgets.” Para siyang binagsakan ng malaking bato sa sinabi nito. Akala niya, 'yon na ang pag-asa niya para makatawag. “Please, kailangan ko talagang makatawag ngayon. Promise, ibabalik ko rin naman sa 'yo,” pakiusap niya, halos nagmamakaawa. Malungkot na tinignan siya ni Dana. “Pasensya na po, Senyorita. Gustuhin ko man na pagbigyan kayo, pero natatakot ako kay Senyorito. Baka kapag nalam—” “Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong. Tayo lang naman dito.” “May CCTV po sa loob ng kwarto. Malabong hindi malaman ni Senyorito ang gagawin ninyo.” Mariing napapikit si Thara. Saan ba siya pwedeng makitawag? “Okay…” mahina at talunang sambit niya. “Babalik po ako mamaya para maghatid ng hapunan ninyo.” May kaunting ngiti si Dana bago ito tuluyang lumabas at isinara ang malaking pinto. Ilang minuto ring nakatitig si Thara sa pintuang nilabasan ni Dana. Anong gagawin niya ngayon? Marahas siyang bumuntong-hininga, saka inilibot ang paningin sa buong silid. It was huge, with a king sized bed and a huge couch at the side. Tumayo siya at tinungo ang bintana. Baka sakali, kahit mataas ay tatalunin niya, makatakas lamang kay Rozein. Ngunit nang ibukas niya ang kurtina, napasinghap siya. Ang malawak na karagatan ang bumungad sa kanya, tila walang hanggan. Panic immediately rose in her chest. Saang parte ng Baguio ba siya dinala ng lalaking 'yon? Sinubukan niyang buksan ang bintana ngunit hindi gumana. Napamura siya nang mariin. In the meantime, she walked to a huge door which she supposed was the entrance to the bathroom. Binuksan niya ang pinto at nanlaki ang mga mata ni Thara nang makita ang loob niyon. This was another paradise! May area para sa malaking shower bath, mayroon ding bathtub, and in that same bathroom, there was even an area for a jacuzzi tub. Grabe, nakakalula naman ang bathroom na ito. She was impressed, who wouldn’t be? Gusto na nga niyang lumusong sa jacuzzi at magpalamig ng ulo, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magpadala sa mga bagay na nakikita niya rito. Isinara ni Thara ang pinto. She wouldn’t let this house impress her so much! She was going to stand her ground, and she was going to get out of here. Bumalik siya sa kama at nag-isip ng paraan kung paano makakalabas dito. Muling isinara ni Thara ang pinto at bumalik sa kama. Doon siya napaupo, nag-iisip ng paraan upang makalabas. Kung ano man ang pinaplano ni Rozein, ramdam niya sa kalamnan na hindi 'yon maganda. Bigla siyang napatingin sa pintuan nang marinig itong bumukas. Pumasok si Rozein, at agad siyang natigilan sa itsura nito. Basa pa ang buhok ng lalaki, nakasuot na ng mas casual na damit. He looked strikingly hot, too hot that Thara felt her pulse quicken and her stomach jump with awareness. “Bakit hindi ka pa rin nakabihis?” kunot-noong tanong ni Rozein. Sinamaan ito ni Thara ng tingin. “You must really be a fool to think that I’ve finally given up! Hindi ako mananatili dito kasama ka. Gusto ko nang umuwi!” “Seriously? Hindi ko akalaing ganito ka katigas,” malamig nitong tugon. “Oh, you haven’t seen anything yet, husband. Hindi ako titigil hangga’t hindi ako makakalabas dito,” mariing sagot ni Thara, ang mga mata ay nag-aapoy sa hamon. “Sinabi ko na sa ’yo, you’re staying here,” nagtatagis ang bagang sagot ni Rozein. “Hindi ko kailangang manatili dito!” halos pasigaw niyang sabi. Naglakad papalapit si Rozein, dahilan upang maalarma siya. “You know what,” anito, nakatitig sa kanya nang diretso, “I’ve been thinking of ways to punish you. Looking at you, mukhang hindi ka sanay sa simpleng gawain sa bahay, or other physical, embarrassing punishment…” Huminto ito sa mismong harapan niya, dahilan upang mapalunok siya. Pinilit ni Thara na ikalma ang sarili. Kung iniisip niyang ordinaryong lalaki lamang si Rozein, nagkakamali siya. Isa itong makapangyarihan, mapanganib na nilalang, mas mapanganib pa kaysa kay Governor Rodriguez. Tinitigan siya nito ng mariin, halos butasin ng mga mata ang kaluluwa niya. “So I decided to change things. I’ll punish you emotionally. So, this is going to be your punishment…” Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ni Thara. Parang nanlalamig ang kanyang balat sa kakaibang kilabot na dulot ng tinig ng lalaki. Napasinghap si Thara nang itulak ni Rozein ang kanyang katawan sa kama at biglang dinaganan. “Get off me!” sigaw niya, pilit itinulak ang katawan ni Rozein. Ngunit mas malakas ang lalaki, walang laban ang kanyang lakas. “I'm going to torture you until all the pride you have, slip away from you. Sisiguraduhin kong ikaw mismo ang magmamakaawang angkinin kita, I'm going to fvck that little tight pvssy of yours till you're swollen and sore,” he murmured against her neck. Nakakabahala ngunit nakakapagtaka, sa halip na insulto ang maramdaman ni Thara, a strange heat was rising within her. She was getting turned on by his threats. Mariin siyang napapikit nang dumampi ang labi ng lalaki sa kanyang leeg. God, it felt so good. Iyon ang unang beses na may lalaking gumawa sa kanya ng gano'n. Maging ang mga dating nobyo niya, hindi niya kailanman hinayaang halikan siya sa gano'ng sensitibong parte ng kanyang katawan. Bigla siyang nahimasmasan sa sarili. What are you thinking, Thara? Are you seriously comparing your ex-boyfriends to this man? “But I promise,” pagpapatuloy ni Rozein, “you’ll leave here not as an innocent girl, but as someone craving… a s*x addicted.” Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa labi nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin, at sa sandaling magkatitigan sila, nanuyo ang lalamunan ni Thara. She had no words to retort back to him, for the first time in her life, she was speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD