Gaya ng ipinangako ni Thara sa sarili, hindi siya maaaring maging komportable sa mansyon na 'to. Kaya nang sumapit ang hapunan, nanatili lamang siya sa loob ng silid, nakatayo sa gilid ng bintana at nag-iisip ng paraan kung paano makakatakas. Iniwan siya ni Rozein sa silid pagkatapos siyang pagbantaan, at sinabihan pa na bumaba para maghapunan. Ngunit hindi siya sumunod. Sinamaan lamang niya ito ng tingin habang nagsasalita. His words had shaken her earlier, and her body still reacted to his raw voice and dangerous closeness. She ran her hands up and down her arms, trying to keep herself warm. Hindi siya maaaring magtagal dito. Paniguradong nag-aalala na sina Lowie sa kanya. I have to get out of here! bulong niya sa isip. I have to leave this hell hole! But how? Kinagat niya ang mga

