Nagising si Thara nang mag-isa, nakahiga pa rin sa malambot ngunit malamig na kama. Sa unang saglit ng kanyang pagdilat, bigla siyang nilukob ng kaba, tila ba may kulang, may nawala. Agad niyang iginala ang paningin sa buong silid, handang salubungin ang anumang pagbabago. Ngunit nang matiyak niyang siya pa rin ay naroon sa parehong silid kagabi, dahan-dahan siyang kumalma. Malakas ang hinala niyang umalis si Rozein nang maaga para pumasok sa trabaho. It's not like she missed that bastard. Sa pagkakaalam ni Thara, ang nararamdaman niya sa lalaking 'yon ay pawang galit. Hindi rin niya maintindihan kung paanong nalampasan niya ang magdamag na kasama ang lalaking sa iisang kama. Kung may kakayahan lamang siyang patayin nang walang kasalanan, marahil kaninang gabi pa niya 'yon nagawa. That

