Damon quickly hid the smirk on his lips when he saw Ariadne walk in his office. Kahit na tatlong taon na ang nakakalipas ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nito na mas lalong lumitaw sa suot nitong white long sleeves na nakabukas ang dalawang unang butones at itim na pencil skirt na may slit sa kanan. He personally chose that and told Pierre to make her wear that on her first day at work.
No, he was not admiring her beauty and certainly, he was not in love with her anymore. Namamangha lang siya na kahit na ilang taon na ang lumipas, nanatiling ganoon ang itsura ni Ariadne, may maamong mukha at balingkinitan na katawan. She must have gotten many suitors after him. Ngunit ayon sa impormasyong nakalap niya ay hindi na ito nagkanobyo muli pagkatapos niya.
Kaagad niyang naipiling ang ulo niya nang makita na lilingunin na siya nito. Damon, you’re losing your wits again. Hindi ba plano mo na pahirapan siya?
“Good morning, Sir Damon,” naiilang na bati nito sa kanya nang makatayo ito sa harapan niya. Pinasadahan niya ito ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa binabasang folder. “Morning.” Pasimple niya muli itong sinulyapan. “Does your new office uniforms suit you?”
Bagaman halata na hindi ito komportable ay tumango ito. Damon did not said anything. Maigi nga iyon. Hindi niya gusto na maging komportable ang babae sa kanya. Ang gusto niya, makonsensiya ito, mabagabag, masaktan, at higit sa lahat, mahirapan sa mga trabahong pinapagawa niya rito. He has made it as his life mission to make her life miserable, after all. At hindi siya titigil hangga’t hindi niya iyon natutupad. Ganti lang sa pang-iiwan na ginawa nito sa kanya tatlong taon na ang nakakalipas.
“Make me some coffee in one minute. I want a black coffee, with two pumps of milk, plus two teaspoons of sugar. The pantry’s on that way,” utos niya sabay turo sa may katapat na silid ng kanyang opisina. “Pronto.”
Hindi na nag-atubili pa ang kanyang bagong sekretarya. Kaagad nitong nilisan ang silid kasabay naman ng pagpasok ni Pierre sa loob ng kanyang opisina. Nakangisi ito. Naupo ang matanda sa harapan niya at dumekwatro.
“Being a jackass again, Damon?”
“I’m always a jackass, Pierre,” saad niya bago inilipat ang pahina ng binabasa.
“Nagustuhan mo ba ang ayos ng bago mong sekretarya?” Mahina itong tumawa. “Kasi ‘yong mga lalaking empleyado mo lalo na ang mga galing sa programming department, oo.”
Halos kulang na lang ay malukot niya ang hawak sa tindi ng pagkakakapit ng kanyang mga daliri roon nang marinig iyon. Tumikhim siya at pilit na ibinaling ang atensyon sa binabasa. “Tell them to focus on the new app and not on my secretary’s cleavage. Hindi no’n matutulungan na mapaganda ang performance ng app nila sa testing stage.”
“Look’s like somebody’s jealous,” pagpaparinig nito.
“I am not jealous,” pagbibigay-diin niya. “Ayoko lang na nadi-distract sila sa kung anu-anong mga bagay.”
Pierre shrugged and zipped his mouth just as Ariadne came back, holding a smoking cup of black coffee. Ipinatong nito iyon sa may gilid niya at nagtungo sa desk nito na nasa may loob rin ng opisina ni Damon, na sadyang ipinalipat niya roon bago mag-umpisang magtrabaho ang dalaga. Tumikhim siya bago tinikman ang kape na tinimpla nito.
“I said two teaspoons of sugar, Miss Cabaya,” saad niya bago tumayo at pinirmahan ang limang piraso ng papel na hawak. “Remember that for the next time you’ll be making my coffee. And also, make it fast. Halos tatlong minuto ang inabot mo bago mo ‘ko mabigyan ng kape. I change my moods quickly. Keep up.” Ibinigay niya ang mga papel na hawak niya rito. “Now, get me one hundred photocopies of this. I need them in twenty minutes, kailangan naka-folder na at stapled sa isa’t isa. Got it?”
Tumango ito bago tumayo at nagtungo sa photocopying room. Naiwan na naman siya sa silid kasama si Pierre. Tahimik lamang itong nakamata sa kanya habang inaayos niya ang iba niya pang mga dokumento sa lamesa.
“What?” inis na usisa niya nang makita ang lapad ng pagkakangisi nito.
“I’m just amused, don’t mind me.” Mahina itong tumawa. “Gan’yan ka ba talaga ka-bitter, hijo? You’re really going to make her life ‘miserable’ by making her produce one hundred neat photocopies in twenty minutes?”
“Hey, she’s my secretary, it’s her job.”
Mas lalong tumawa si Pierre. “I don’t understand you sometimes, Damon.”
Sarkastiko niyang nginitian ang matanda. “You know what, Pierre? Stop pestering me. Check on Miss Cabaya if she knows how to use the goddamned photocopying machine. Baka mamaya may maipit pang kung ano ro’n.”
Nang lubayan na siya ni Pierre ay tsaka lang siya nakahinga nang maluwag. Ke-aga-aga at na-hot seat siya. Isinandal niya ang ulo niya sa head rest ng swivel chair. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang gagawin kay Ariadne. Ngayong nasa poder niya na ito, abot-kamay, bigla naman siyang nablangko. Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya ito gagantihan, lalo na at wala sa bokabularyo niya ang mambastos ng babae. Hindi niya ugali ang ganoon kahit na tinuturing niya pa ang sarili niya na demonyo.
He might be ruthless, and heartless sometimes, but there were limits to that. Isa pa, ayaw niyang dikitan si Ariadne. Mahirap para sa kanya ang magpigil sa tuwing nakikita niya ito at halata namang natakot ito sa ginawa niya noong isang gabi. She was still shaken up until now. He was raging mad that time, and he was blinded with emotions that he ended up kissing her violently. Natigilan na lang siya nang nakita ang mga lumuluhang mata nito.
Damn it, Damon. Ano, nagkita lang kayo ulit, lumambot na ang puso mo? Baka nakakalimutan mo kung gaanong sakit ang binigay sa’yo ni Ariadne no’ng iwan ka niya.
He sighed. Inubos niya ang kapeng nasa mug at dinala iyon sa pantry bago hinugasan. Pagkatapos ay nagtungo sa restroom sa loob ng opisina niya at naghilamos. Tinitigan ni Damon ang kanyang sarili sa salamin. He looked restless. Bahagyang nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata dala na rin siguro ng ilang araw na pagpupuyat. Maikli rin ang pisi ng pasensiya niya kapag ganoong mga oras kaya hindi na siya magtataka kung mas masungit siya. Either he needs some sleeping pills, or a visit at Red Angel will do. Hindi niya alam. Bahala na.
Basta malayo kay Ariadne.
“Damon, you okay there, son?” pagtawag ni Pierre na dahilan para mapalabas siya ng banyo.
“Yeah, I’m good. How’s the photocopying doing?” tanong niya.
Pierre shrugged. “She can do it alone, so she said. Kaya iniwan ko na.”
“It’s been longer than twenty minutes,” komento niya. “Nangalahati na ba siya sa ginagawa niya?”
“Nope, still photocopying.”
Hindi siya umimik at muling naupo sa swivel chair niya. “Tell her to move faster next time. Lima ang photocopying machine ng opisina. Utilize them all. I’m not paying for huge electricity bills just to let them rot--”
“Sir Damon, ito na po ‘yong pinapagawa niyo,” hinihingal na saad ni Ariadne nang pumasok ito sa silid na may bitbit na mga folders. Mukhang nabibigatan na ito kaya sinenyasan niya si Pierre na kuhanin ang mga iyon at ipatong sa desk niya.
“Get one copy of this new memo and then distribute these folders all throughout all of the departments. Pierre, pakisamahan si Miss Cabaya. Oh, and tell the Programming Department. No fooling around or else I’ll fire them.”
Nang iwan siya ng mga ito sa loob ng kanyang opisina ay nasapo niya na lang ang kanyang ulo. Alam niyang umpisa pa lang ng trabaho ni Ariadne bilang sekretarya niya ngunit hindi niya maiwasang mai-stress sa pang-iinis ni Pierre at ang pagtingin-tingin ng mga empleyado niya sa dati niyang nobya. Hindi naman siya nagseselos pero ayaw niyang isipin na may nagkaka-interes sa dalaga. He despised that idea. Not in his company.
“Oh, for f*ck’s sake, Damon,” gigil na bulong niya sa sarili bago nagbukas ng panibagong folder na babasahin. “Ano namang pakialam mo kung makikipag-usap ang babaeng ‘yon sa ibang lalaki? You set the rules yourself.”
Halos walang pumapasok sa isipan niya habang binabasa ang laman ng folder. He shifted and turned in his seat to no avail. Hindi siya makapagpokus at hindi niya malaman kung bakit. The day has just started. Kung noon, baka sa mga oras na iyon ay naka-limang memo na siya na napirmahan, ngayon e tila ayaw makipag-cooperate ng utak niya. Isinara niya muna iyon at sumandal muli sa upuan. Mukhang alak ang kailangan niya ngayong gabi. Lots of it. And Red Angel has it.