IV

1611 Words
“Damn it!” Napapitlag si Ariadne nang biglang tumama ang kamao ni Damon sa pader na nasa gilid niya. Nangingilid na ang mga luha niya. She was sure that she looked like a mess, maybe because of his wild and rough kisses. And of course, because of the things that he said. Nagtama ang kanilang mga mata. At hindi niya mawari kung bakit ang talim ng mga titig nito ay tila palasong pumupunit sa kanyang puso. Karapat-dapat lang naman siya na kamuhian nito. Isa pa, nasaktan niya ito nang sobra. Iniwan na nag-iisa pagkatapos ng limang taon na pagsasama. Walang iniwan na dahilan. Hindi na siya magtataka kung bakit sagad sa buto ang galit nito sa kanya ngayon. Tuluyan na siyang nanlupaypay at napaupo sa isang tabi nang lumayo ang lalaki at iwan siyang nag-iisa sa loob ng silid. Pasalya nitong isinara ang pinto, bago tuluyang nilamon ng katahimikan ang paligid. Blangko ang isipan niya. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Kung dapat ba niyang habulin ang dating nobyo, at humingi ng tawad, o ang hayaan na lamang ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa. Litong-lito siya at isa lang ang alam niya. Hindi siya papakinggan nito kahit na ano pa ang mangyari. Tatlong taon na rin simula noong huli silang nagkita, noong nakipaghiwalay siya. Matapos niya kasing makipagkalas ay lumipat siya ng trabaho. Nagbago ng numero. Pilit niyang iniwasan si Damon. Sinabihan niya rin ang kanyang mga kakilala at kaibigan na huwag sasabihin sa lalaki kung saan na siya pumapasok o ano ang numero niya. Parang bula na naglaho siya sa buhay nito. Ngunit ang nararamdaman niya? Hindi niya alam. Dahil kung hindi niya na mahal ang lalaki, hindi siya iiyak ng ganito katindi ngayon. Katulad ng patak ng ulan sa labas ng bintana ng kuwarto at bumuhos ang mga luha ni Ariadne mula sa kanyang mga mata. Walang humpay. Nanlalabo na ang kanyang paningin kanina pa, at ngayon ay tuluyan nang wala siyang makita sa tindi ng kanyang pag-iyak. Pilit niyang inayos ang sarili. Itinaas ang terante ng damit na nakalas na mula sa pagkakatahi niyon at ibinaba ang laylayan ng hapit na hapit na bestidang ngayon ay nasa may bewang niya na. Hindi ganoon ang Damon na kilala niya. Dahil ang Damon na kilala niya noon ay hindi mambabastos ng babae. Palaging malambing. Palaging maalaga. Ngunit siguro nga ay nasaktan niya ito nang sobra na tila naging bato na ang puso nito na hindi nakakaramdam ng kahit na kaunting awa man lang. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa ganoong posisyon. Nang magising siya noong umagang iyon ay nakahiga na siya sa sahig. Kaagad siyang napabangon at napatingin sa relo na suot. Alas siete ng umaga. Bago pa man siya makatayo ay binulabog na siya ng mga katok sa pinto. “Miss Cabaya?” tawag ni Pierre sa kanya. Tumikhim muna ang dalaga bago sumagot. “Sandali lang, papalabas na.” “Please take a bath and change your clothes, my dear. And then, join Mr. Lockhart downstairs for breakfast. He said he’ll be discussing the terms of your agreement with him.” Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Tumalima na lamang siya sa utos ni Pierre. Matapos makaligo ay pumili na lamang siya ng simpleng blouse na puti at itim na pencil skirt bago nagmamadaling lumabas at bumaba patungo sa dining area na hinagilap niya pa. “Take a seat, Miss Cabaya.” Napalunok siya nang marinig ang tinig ng dating nobyo. Kaagad na tinahak ng kanyang mga paa ang itinurong upuan nito na katapat ng puwesto nito at naupo roon. May nakahain nang pagkain doon at ang kailangan niya na lamang gawin ay ang kumain at makinig sa mga sasabihin nito. Tahimik lamang si Pierre na nakapuwesto sa kaliwa ni Damon, walang imik habang kumakain. “Eat.” Parang robot na sumunod siya sa utos nito. Tiyaka niya lamang naalala na wala pa siyang kain simula kagabi nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura. Inumpisahan niyang kainin ang bacon at itlog na nasa plato habang hindi naman siya tinatapunan ng tingin ng kaharap. Nakatingin lang ito sa sarili nitong plato. “I paid Jimuel Santos fifteen million pesos in exchange for you,” pag-uumpisa nito, habang nakatuon pa rin ang atensyon nito sa plato nito. “You will be working as my personal assistant and secretary, Miss Cabaya.” “Understood,” nanginginig na tugon niya. Sinulyapan siya nito. “As per the rules you have to follow in relation to your job, my one general rule is to always follow what I say. Kapag sinabi kong lutuan mo ako ng pagkain, magluluto ka. Kapag sinabi ko na sasamahan mo ako sa kung saan, sasama ka. Kapag sinabi kong tumalon ka, tatalon ka. And if I tell you to leave me alone, you will leave me alone. And if you try to defy my orders, you’ll receive punishments. You’re not an exemption on how I treat my employees.” Napalunok siya bago tumango. “Naiintindihan ko, Da--” “You’ll be addressing me as ‘Sir’ or ‘Sir Damon’, even here at home,” malamig na tugon nito. “You can’t call me by my first name alone, unless I tell you so. You have to wake up early to cook for my meals, and sleep late and wait for me if I am not yet at home. You should always have your phone just in case I call and ask you to do some errands. Matutulog ka ng alas-diyes ng gabi, and I don’t want to see you staying up late over nonsensical things. Most of my employees go home at five in the afternoon, so your job ends too at 5 PM. I don’t care if you go outside after work and meet with your friends. As long as kapag tumawag ako at sinabihan ka na umuwi ka na, uuwi ka kaagad. Kapag sinabihan kita na hindi ka puwedeng makipagkita sa kanila dahil may ipapagawa ako, kailangan mong sumunod. At dapat, bago mag-alas diyes, nasa bahay ka na or else I’ll ask my men to turn X upside-down just to look for you, understood?” “Yes, Sir.” Pinunasan ni Damon ang mga labi niya gamit ang table napkin na nakasuksok sa may leeg nito. “Money’s not a problem. You’ll have your own salary and benefits just like my other employees. You are entitled to have two day-offs per month, with valid reasons. Oh, and before I forget,” sinulyapan na naman siya nito. “You’re not allowed to go to places with other men aside from me and Pierre. No dates, no friendly hangouts. Puwede kang makipag-usap pero hindi ka puwedeng sumama sa kung saan. Naiintindihan mo?” Hindi na siya umimik bagkus ay tumango na lamang. Tumayo ang lalaki at naglakad patungo sa may entrance ng dining area. “Linggo ngayon. Clean your room and arrange your things and clothes. Bukas ang umpisa ng trabaho mo. Pierre, follow me.” Hindi niya na muli pang nakita si Damon simula noong umagang iyon. Tahimik ang buong mansiyon. Hindi niya alam kung umalis ba ito o sadyang iniiwasan lang nito ang presensiya niya. Ngunit iisa lang ang sigurado ni Ariadne. Nasasaktan siya. Nasasaktan pa rin siya kapag nakikita na ganoon ang pakikitungo ni Damon sa kanya. He was not like that before. Gustong-gusto nito noon na tinatawag niya ang pangalan nito ngunit ngayon ay tila nangingilabot na ito kapag naririnig ang boses niya. Alam niya na tama lang sa kanya iyon. She deserved it. Baliw na lang ang mag-iisip na kaya pa nilang bumalik sa dati ng dati niyang nobyo ganoong sobrang tindi ng sakit na naibigay niya rito noon. She sighed as she cleaned the shards of the broken wine glass he let last night. May kaunting bahid pa iyon ng dugo. Napapa-isip tuloy siya kung nasugatan ba ni Damon ang sarili sa sobrang tindi ng galit nito kagabi. Nais niya man tanungin ang nobyo ay hindi niya magawa. Alam niya na hindi rin naman siya nito sasagutin at baka ipagtabuyan pa siya nito. She sighed as she started to finish cleaning up. Napapitlag siya nang may marinig na tinig na nagmumula sa may pintuan. “Good afternoon, Miss Cabaya. You look gloomy. Is everything to your liking?” Tipid niyang nginitian si Pierre at itinabi ang mga panlinis na hawak niya. “Ayos lang ako, Sir Pierre--” “Oh, darling. Don’t call me ‘Sir’. Pareho lang din naman tayong empleyado rito. Call me Pierre, hija.” “Pierre.” Ngumiti ang dalaga. “Ayos lang ako, may... iniisip lang.” “Who, Damon?”  Hindi siya umimik.  “You should get used to him, Miss Cabaya. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit kayo naghiwalay, pero masasabi ko na iba na si Damon sa Damon na nakilala mo noon. At kung ano mang masasabi niya na hindi maganda, o kung may magagawa man siya na hindi maganda sa’yo, magsabi ka lang sa’kin. I’ll try my best to reprimand him,” saad ni Pierre. “For now, just follow him. I’ll guide you and help you adjust, dear. I’m wishing the best for the two of you.” Mapakla siyang ngumiti. “Naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n. Dapat lang din naman ‘yon sa ginawa ko sa kanya noon. I deserved it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD