Napamulagat na lamang si Ariadne nang may mga kalalakihan nang nakatayo sa harapan ng tahanan nina Tere. Pupungas-pungas pa siya nang lapitan ang mga kaibigang nakikipagtalo sa isa sa mga ‘yon.
“Aba, Sir! Hindi naman yata kami makakapayag na kuhanin niyo kaibigan namin! Hindi naman ‘yon prosti na babayaran niyo lang, sasama na agad!” Binalingan siya ni Tere. “Ariadne, pumasok ka do’n! T*ngina nitong mga ‘to, parang pinaglihi sa sirang plaka! Paulit-ulit!”
Nilingon niya ang mga lalaking kausap ng kaniyang mga kaibigan. Hindi ito mga mukhang tambay sa kanto at mas lalong hindi pamilyar ang mukha ng mga ito. Sa katunayan pa nga ay mukhang mamahalin ang mga suot nitong Amerikana. Mahinahon siyang lumapit. “E mga sir, ano po bang pakay n’yo sa’kin?”
“Ms. Cabaya?”
Tumango siya.
“Hinahanap ka na ng amo namin.”
Napakunot ang noo niya. “Hinahanap? Wala naman akong pinagkaka-utangan--”
Natigilan siya nang maramdaman ang pagba-vibrate ng kanyang smartphone. Binuksan niya iyon. Tumatawag ang nakausap niya kagabi habang naghihintay pa rin ang mga kalalakihan sa labas. Nakataas na ang kilay ni Tere at may hawak nang walis tambo si Dara at handang hampasin ang sino mang magpupumilit na pumasok. Sa pagkataranta ay sinagot niya iyon.
“Hello?”
“Dumating na ba ang mga susundo sa’yo, Ariadne?”
Kaagad siyang napalingon sa mga kalalakihan. “Anong...”
“I already paid for the amount that your stepfather was asking, my dear angel. Now, all you have to do is to go with them. Ihahatid ka nila sa’kin. I can’t fetch you personally since i am busy with my own businesses right at this moment. I do hope you understand,” malamig ang tinig na saad nito.
“Paanong... paano mo nakilala kung sino ako? At... kung saan ako nakatira ngayon? Hindi ko naman--”
Mahina itong tumawa. “Does it matter, my dear? I’ll fill you later with details. My representative will also tell you the basics of our agreement.”
“Akala ko nagbibiro ka...” gulat na saad niya. “Hindi ko rin alam ang pangalan mo at--”
“You’ll know me soon enough, angel. Patience...” He chuckled. “Isa pa, kahit kailan, hindi ako nagbiro, Ariadne. Palagi akong totoo sa mga sinasabi ko, sa mga ginagawa ko, sa mga pinapangako ko. I’ll end the call now. Please cooperate. Or I will go there to meet you personally.”
Hindi niya masaway ang lakas ng kabog ng dibdib niya noong mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung bakit pero pamilyar sa kanya ang mga salita ng lalaking kausap. Pati na rin ang takot na sumilay sa kanyang dibdib. Hindi siya takot sa kung anong kaya nitong gawin, ngunit natatakot siya para kina Tere at Dara at ayaw niya na madamay pa ang mga ito sa sarili niyang gulo. Bumalik siya sa kanyang silid at kinuha ang backpack niya sa pagtataka ng kanyang mga kaibigan.
“O, Ariadne, saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong ni Tere. “Huwag mong sabihin na sasama ka--”
Nilingon niya ito. “Ayokong madamay kayo sa gulo ko, Tere.” Binalingan niya ang mga lalaki. “Tara na. Dalhin niyo na ako sa amo n’yo.”
Kalmado siyang sumama sa mga iyon. Nakapagtataka lamang na hindi naman siya pinisikal ng mga ito. Kayang-kaya niyang takasan ang mga lalaki kung gugustuhin niya ngunit ayaw niya lamang na lumaki pa ang gulo. Isa pa, tila may puwersa na nag-uudyok sa kanya na kilalanin ang misteryosong tagapagligtas niya. Ang lalaking nagpapakilalang demonyo ng buhay niya.
Nang makasakay sa loob ng mamahaling sasakyan ay isang nakangiting mukha ang sumalubong sa kanya. He was in his late-forties, if she judged correctly. Nakasalamin ito at katulad ng mga kalalakihang sumundo sa kanya ay nakasuot ito ng mamahaling tuxedo.
“Kayo po ba ang...”
Tumawa ito. “Oh, no, my dear. Hindi ako ang nakausap mo. I’m Pierre, his representative. That demon’s busy expanding his own legion in Hell so I’m the one who’s going to talk to you. Magkakakilala kayo mamayang gabi.”
Napalunok siya. Seryoso ba talaga ang mga ito na nakipagkasundo siya sa demonyo?
“So, Miss Cabaya. My demon boss paid your stepfather fifteen million pesos, in exchange for you.”
Napamulagat siya. “Fifteen million?” nanginginig na tanong niya.
Tumango ito. “Yes. To be honest, ayaw sanang pumayag ni Jimuel Santos sa kasunduan pero nang sinabi namin ang presyo e pumayag na siya.” Sinulyapan siya nito, puno ng awa ang mga mata. “That scumbag has no intention of letting you leave and live, if you know what I mean, my dear. And my boss was glad that we managed to take you out of his control. I can imagine the hell you’ve been through, my child...”
There was something in Pierre’s voice that made her calm down. Unti-unting nawala ang pagtatambol ng kanyang dibdib habang kausap ang matanda, tila pinapangakuan siya na magiging maayos ang poder niya sa amo nito. Napayuko siya nang maramdaman ang mainit na likidong naglandas pababa mula sa mga mata niya. Mabilis niyang pinahid iyon at ngumiti. “Akala ko nagbibiro siya. Hindi ko inakala na...”
“Believe me, child. That demon has his own ways, and once he promised something he will do anything just to fulfill it.” He sighed. “Anyway, drama aside. In exchange of that sixty million pesos and your freedom, you have to work as his secretary and personal assistant,” panimula nito. “You’ll have your own salary and benefits, and you’ll be living in his mansion. You have to follow everything that he says, especially if it’s work-related. I’ll guide you until you get the hang of your job, my dear. Sa ngayon, we have to go to some boutiques and stores to give you some makeover. You can’t face the Devil himself wearing those cheap clothes.”
They spent the whole day hopping from store to store. Halos malula ang dalaga sa presyo ng mga binili ni Pierre sa kanya. Pulos kulay pula ang mga damit at sapatos na binili nito na minsan ay nahahaluan ng kulay itim at puti. Hindi naman siya makaganti dahil parte raw iyon ng usapan. Pagkatapos ay dinala siya nito sa salon at pinaayos ang kanyang buhok at nilagyan ng kaunting makeup ang kanyang mukha. Sumunod ay ipinasuot sa kanya ni Pierre ang kulay pula na off-shouldered mini dress na may pagkahapit sa kanyang katawan bago inutusan ang driver na magmaneho patungo sa mansiyon ng amo nito.
Nang sabihan siya ni Pierre na tunguhin ang dulo ng pasilyo ng ikalawang palapag ng modern villa na pinasok nila ay nararamdaman na niya ang panlalamig ng kanyang talampakan. Pilit niyang nilunok ang takot niya. Bakit pa siya aatras? Nandito na siya. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago pinihit ang malamig na seradura at pumasok sa loob ng malaking silid. Dahil madilim ay bahagya niya lamang naaaninag ang malaking pigura ng lalaking prenteng nakaupo sa one-seater sofa sa loob ng silid. May hawak na kopita ng alak. Naglakad pa siya papalapit na kaagad niya ring pinagsisihan.
Nanginig ang kanyang kalamnan nang mapag-sino ang lalaking nakaupo sa harapan niya. Ilang taon na rin ba simula noong huli niyang makita ang mukha na iyon? Tatlo? Hindi niya na sigurado. Ngunit iisa lang ang alam ni Ariadne. Ang balagsik sa mukha ng kaharap niya ngayon, ay siya ang may dulot.
“Ikaw ang...”
“We met again, Ariadne.” Ngumisi ito. “What are you waiting for? Start serving me now.”
Bahagya siyang napa-atras. “No... I... There must be a mistake...”
Pagak na tumawa ang lalaki. Nangalumbaba. “Mistake? What kind of mistake, Ariadne? Na baka hindi ako ang bumili sa’yo? Na baka hindi si Damon Cassius Lockhart, ang dati mong boyfriend, ang nagbayad ng malaking halaga para lang makuha ka sa stepfather mo? What kind of mistake are you thinking, my dear Ariadne?”
“Bakit mo ginawa ‘yon? Bakit ka nagbayad ng malaki kay Tito Jim para lang makuha ako?”
Pagak itong tumawa. “Does it matter? Strip now, dear. Stop making me wait.”
“No. Sasabihan ko ang stepfather ko na ibalik ang pera--”
Ang tunog ng nabasag na kopita ng wine na inihagis ni Damon ang dahilan para matigilan ang dalaga. Nag-aalab ang mga mata nito nang lapitan siya. He grabbed her. His grip on her wrists were tight, as his stares were piercing through her soul.
“Do you hate me that much, huh, Ariadne? Gan’yan ba ang pagkamuhi mo sa akin na pagkatapos mo akong iwan ng walang dahilan, tatlong taon na ang nakakalipas, ngayon naman e ayaw mong makita ang pagmumukha ko?”
“Damon, nasasaktan ako--”
“Dapat lang!” gigil na saad nito. “Dapat lang na masaktan ka, Ariadne! Nang maramdaman mo kung anong naramdaman ko no’ng iniwan mo ako ng walang dahilan!” Hinawakan siya nito sa panga. Ang mararahas na halik ni Damon ang dahilan ng unti-unting panghihina ng kanyang mga tuhod. Mga halik na ilang taon niya ring pinigilan na hanap-hanapin. Mga halik na...
“Oh, and you’re asking me why I did this, Ariadne? Gusto mong malaman? Puwes, sasabihin ko sa’yo! Binili kita, para kuhanin lahat sa’yo. Buhay mo, pagkatao mo, dangal mo, lahat! Lahat-lahat. At wala akong ititira. Wala akong ititira hanggang sa maramdaman mo kung ano ang pakiramdam ng magago! Hanggang sa maramdaman mo kung anong ginawa mo sa akin noon!” His fiery eyes met hers. “I’ll do whatever it takes to take your heart, Ariadne. And once I do, I’ll break it. Nang malaman mo kung gaano kasakit ang ginawa mo sa’kin no’ng wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka!”