Nang dumating si Damon sa opisina niya noong umagang iyon ay naroroon na si Ariadne. Nagtratrabaho. Isang tipid na tango lamang ang isinagot nito sa kanya nang halikan niya ito sa noo. Nakatulog na siya sa tabi ng kama nito kanina at hindi man lang siya nagising nang bumangon ito. Klaro naman na iniiwasan siya ng dalaga. Ang dahilan? Hindi niya sigurado. Alam niya na nagdududa pa rin ito at alam niya rin na may itinatago ang kanyang dating nobya. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin malaman kung ano. “Hey...” bati niya bago hinila ang swivel chair niya papalapit sa dalaga. “You didn’t wait for me, I was excited to go to work with you today,” malambing niyang sabi bago nangalumbaba sa desk nito. Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago bumalik sa ginagawa nito. “Absen

