PAGE 27 Bouquet ********* SANDALI AKONG tumayo sa may entrance nang restaurant. Ito iyong saktong place na itinext ni Sir Marcus na puntahan ko daw. Nasa braso ko iyong magandang bouquet ng roses na pinadala niya. Mula sa office ay nag-taxi na ako at sobrang ingat na ingat ako sa pagbyahe sa takot na masira iyong bouquet. Mas mahal pa ata ito sa buhay ko. Lumingon ako sa may entrance ng restaurant at nagpasya na pumasok na. Baka naman kasi nasa loob na si Sir. Sumalubong sa akin ang isang lalakeng waiter. "Good evening Ma'm. May reservation po?" Ngumiti siya sa akin. Inilibot ko muna ang paningin ko sa restaurant para alamin kung naroon na ba si Sir Marcus. Pero may mga area na hindi ko makita kaya bumaling na lang ako sa waiter. "Nandito na po ba si Mr. Marcus Bernales?" Saglit it

