PAGE 26 Something *********** ISANG MAHABA at malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko. Nang tumunog iyong elevator at magbukas iyon ay inangat ko ang aking tingin at tahimik na lumulan. Thirty minutes bago ang oras ng time-in ko ay nasa M.E. building na ako. Halos marami na rin ang mga dumadating na empleyado. Deretso na ko sa may top floor. Maayos naman ang mesa nang dumating ako. Tumingin ako sa paligid at napangiti sa sarili. Hindi ko alam kung anong ang maaaring mangyari sa akin nung nag-umpisa ako bilang sekretarya ni Sir Marcus. Isa itong malaking pagbabago sa buhay ko at halos hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat. Halos kahapon lang ay janitress ako ng kumpanya. Halos kelan lang ay natapos na ang kontrata ko pero nandito pa rin ako ngayon. Nandito pa rin ako hindi para

