Page 14

1233 Words
PAGE 14 Player ****** ANG HILIG niyang gumawa ng mga rules pero puro pabor lang sa kanya. Nakakainis talaga siya. Napasimangot na lang ako at lihim na napairap sa hangin. Pinagsiklop niya ang mga kamay at itinukod ang siko sa mga tuhod niya. Tumitig siya sa mukha ko. Expressionless. Kumunot noo ako. "Ba-bakit ba?" Lunok ko. Umarko ang kilay niya. "Why?" "Lagi kang nakatitig sa kin? Tabingi ba ang mukha ko, hah?" Iritado ko siyang tinitigan sa mukha. "Hmm?" Ngumisi siya. "Let me see." Umangat ang isang kamay niya at hinawakan ako sa baba. Tumalon sa pwesto ang puso ko pero hindi ako nakakilos para umiwas. Nanlaki lang ang mga mata ko sa kanya at napasinghap. Bahadya niya pang pinaling ang ulo ko patagilid at sinipat literally kung pantay nga ba ang mukha ko. Marahas kong hinawi ang kamay niya at natigilan siya habang ako naman ay pinamulahan nang mukha sa pagkapahiya. "Ano ba?! Nang-aasar ka ba?" Ramdam ko yung pangangapal ng mukha ko at init na umaakyat. Napalunok ako. "I'm just checking." Aniya at ngumising muli. Grabe ang lakas niyang makapambully. "Hindi nakakatuwa." "I told you i'm just checking kung pantay nga ba? Joke ba yun sa yo?" "Nakakainis ka na!" Naiinis na ko talaga. Kung hindi ko lang siya boss napaulanan ko na siya nang masasamang salita. Well, like kaya ko yung gawin. Umatras lamang siya at natawa nang mahina. Sumimangot naman ako ng sobra habang inis pa ring nakatingin. "Pinaglalaruan mo ko?!" "Of course not." Mabilis niyang lingon sa akin. "Oo kaya!" Madiin kong wika. "Ginagawa mo kong laughing stuff." "Hindi nga." Tumiim ang mga bagang niya. "Stop talking low about yourself. Your not a laughing stuff to me. I was just smiling." "Tinatawanan mo kaya ako." Sinimangutan ko siya nang sobra. "Bakit kapag ako ang tumatawa naiinis ka pero kay Henry hindi?" Wae? What was that? Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ah." "Yes you are. May gusto ka din ba kay Henry?" "Parang lahat na lang gusto ko ah? Ano ko? Playgirl?" Gusto kong matawa sa usapan. "Gusto mo pa rin iyong first love mo. And you said you like me. How do you manage to feel that?" Pinagkunutan niya ako ng noo. Bahadya akong napamaang. How? Tumikhim ako. "Well." Umiwas ako ng tingin at iniipit ang ilang takas kong buhok sa gilid ng aking tenga. "Amm.... Henry is my bestfriend. Masaya syang kasama at joker. Syempre kapag nagdo-joke tatawa ako. Masama ba yun?" "Oo." Nilingon ko siya. "Lalo na kung nasa office ko. Kapag may nakakita sa inyong mga empleyado sa tingin mo ano ang iisipin nila?" Seryoso ang mukha niya this time. "Hindi naman namin ipinapaalam sa iba." "Kahit na. It will be a big issue kapag nalaman nila. Do you get what i'm saying?" "Hindi ba ko pwedeng makipagkaibigan kay Henry?" "Don't be so naive." Tumiim ang bagang niya. "Akala mo ba maniniwala ang mga tao kung sasabihin ninyo na magkaibigan lang kayo lalo na kung ang sweet niyo pa sa isa't isa. Even marines won't buy that." Sandali akong natahimik at napalunok. Para akong tinusok ng aspile sa puso ah. Ang sakit lang. Napatitig ako sa mukha ni Sir Marcus. This is getting me crazy. Una parang okay na kami. Tumawa na siya kanina eh. Tapos ngayon nagagalit na naman siya. Hindi ko na maintindihan ang problema niya. Ano bang iniisip niya sa akin? "Sinasabi mo ba na hindi dapat ako makipag-close kay Henry? Hindi ba ko pwedeng makipagkaibigan sa kanya dahil magkaiba kami ng estado sa buhay? Kasi mayaman kayo at ako janitress lang? Ganun ba?" "Thats not what i'm implying to say." Piksi niya. "Then what?" Matiim ko siyang tinitigan. Marahas siyang napabuga ng hangin. Lalong nagtagis ang mga bagang. Bumakas ang galit sa kanyang mukha at kitang kita ko iyon. Pero hindi ako huminto. "Mabait lang naman talaga si Henry sa akin. Masama ba yun?" Marahas akong napabuga ng hangin. "Okay. Sige kung hindi talaga pwede okay lang." "Makinig ka Bethel. Imposibleng maging magbestfriend ang isang lalake at babae nang hindi napa-fall ang isa sa kanila. That is stupid. Kung naniniwala ka na pure friendship lang ang habol ni Henry sa yo better stop it now bago pa mahuli ang lahat." "Hah?!" Nagulat ako. Hindi ko maintindihan. Iniisip niya ba na nagkakamabutihan na kami ni Henry? Na may gusto ako kay Henry ng higit pa sa magkaibigan? Na may gusto sa akin si Henry?! Mas stupid yun. Tsk. "Wala namang ganung feeling sa amin ni Henry ah! Magkaibigan lang kami." "Walang lalake at babae na nag-istay lang sa pagiging bestfriend." "Hah!" Natawa ako ng pagak. "Siguro nangyari na sa yo ano?" "Nope. I just know. I'm not dumb like you." Nag-init ang mga pisngi ko. "You --?" Nakagat ko ang ibaba kong labi sa inis. O, my God! I'm losing temper. Malapit na! Malapit na! Pailalim niya akong tinitigan. "I don't want you falling for his charm. I don't want you liking him." "I'm not falling for him." "Sa ngayon. At habang ngayon pa lang ay umiwas ka na." Madiin niyang wika. "Bakit? Ayaw mo na mainvolve ang pinsan mo sa poor na tulad ko?" "I don't want you liking my cousin. Ayoko ng ganung kompetisyon." Kumunot ang noo ko kasabay ng pagpintig ng puso ko. Oh, my! "You said you like me katulad ng feelings mo sa --" he paused for a moment. "First love mo." Tumiim muli ang bagang niya. "The idea is annoying me and i really don't like it. At kung isasama mo pa ang pinsan ko sa listahan ng mga crushes mo. I will show you hard why you must never mess up with an Escaner Heir." Napaawang ang labi ko sa gulat. Was it a threat? Pinoprotektahan niya ang pinsan niya mula sa akin? Dapat ay ako ang mag-ingat sa kanila eh. Why is he like this to me? Sobrang -- sama. Sobrang -- sakit ng mga binibitiwan niyang salita. Madiin kong nakagat ang aking labi at nagbaba ng tingin. Dama ko yung pagbigat ng aking paghinga pati na rin iyong pagsungaw ng mga luha sa sulok ng mga mata ko. I cannot contain it anymore. I know he don't like me at lahat ng binitiwan niyang salita ay humihiwa ng sugat sa puso ko. Maliliit na sugat at mahapdi. Bakit ako nasasaktan? Why the hell?! I know they are off limit. They are Escaner Heirs. At ako. Janitress lang. Malayo ang agwat namin sa isa't isa. Pero kaibigan sa akin si Henry. Wala ba akong karapatang maging kaibigan sa kanila? Kailangan bang ipamukha niya sa kin iyon? "If you don't like Henry. Wag kang magbigay ng motibo para magustuhan ka niya. Ikaw ang nagsabi sa akin niyan kagabi, right. If you're liking anyone, dapat isa lang. Kung yung pesteng puppy love mo, iyon lang. Kung ako, Bethel, ako lang." Napasinghap ako at mariing pumikit. "I cannot deal with a player like you." Player? Ako?! Ako pa talaga ang player sa aming dalawa ah!! Parang bombang sumabog sa pandinig ko iyon. So this is what he think of me? A player?! Napahikbi ako. "I-I'm not a player." "You like too many boys. Hindi ka player?" Sarcastic niyang wika. "Hindi naman --." Marahas akong nag-angat ng tingin. "Then make up your mind." Mabilis siyang tumayo at umalis sa harap ko. Hindi ko nakita kung saan siya nagpunta kasi napayuko ako ng mukha. Tahimik akong napaluha. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD