PAGE 13
Weird
*******
WHAT EVER reasons. Hindi ko alam ang tamang ire-react ko. Gusto niya akong manatili sa company sa hindi malamang dahilan. Wow naman. Personal na dahilan pala ito kung ganun.
Pagtitiisan ko na lang ba ang kasungitan niya? Tama. Hanggang matapos ang kontrata ko. Ilang linggo na lang naman.
Huminga ako nang malalim.
"Okay fine." Tumitig ako sa kanya. "Gumawa na lang tayo ng kasunduan."
Kumunot ang noo niya. "Kasunduan?" Natawa ng pagak. "You don't tell me that."
"You made your own rules. Gagawa din ako nang akin. Ilang weeks lang naman bago matapos ang kontrata ko. Hindi ito big deal."
Bahadya siyang naglean paabante para matitigan ako nang mas malapit. "You are kidding me Ms. Del Rosario."
"Hindi ah. I'm serious." Sinalubong ko ang titig niya. Wala pa akong nabi-break sa rules niya. Pero malapit na. Nakakatakot. Natatakot ako kaya iiwas ako.
Napangiti nang sarcastic si Sir Marcus. His famous smirk. Maybe he find it very weird. Ang kapal ko naman kasi para sabihin iyon. Pero dahil nasabi ko na, gagawin ko na.
"Idadagdag ko lang ito sa rules na nagawa mo." Tango ko sabay buga ng hangin.
"This is nonsense." Ismid niya.
Tumingin ako sa paligid. "Wala ka bang paper at ballpen?"
"You are really serious?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
Nagkibit balikat ako. Wala akong mahanap sa mata na mapagsusulatan kaya tumingin ako sa kanya. "Businessman ka. Alam mo kung gaano kahalaga ang kontratang papel sa mga usapan." Ismid ko. "Sige. Isusulat ko na lang at ipapapirma sa yo bukas."
Natawa na siya nang malakas saka napailing.
"Pinagtatawanan mo talaga ako?" Matiim akong tumingin.
"You are very impossible."
"At napaka-arogante mo naman." Ismid ko. "Papasok ako sa office bukas pero kailangan mo munang pumayag sa rules ko."
"What if i don't. Magtatago ka na naman sa lungga mo? Alam mo na mahahanap pa rin kita. Kahit saan ka magpunta mahahanap kita." Madiin bawat bitaw niya ng salita. Sure na sure sya sa sinasabi niya.
"Dahil marami kang pera." Piksi ako.
"Given."
"Grabe. Ang yabang mo." Ismid ko uli.
"I'm actually used to it."
Inirapan ko siya. "Ayokong makipagtalo. Dadagdagan ko lang ang rules mo."
"Tsk. O sige. State what you want." Iritadong aniya.
Humugot ako nang maraming hangin. Marahan kong iniipit sa gilid ng aking tenga iyong ilang takas na buhok sa mukha ko kahit halos wala naman. Tumitig lang siya sa akin.
"Bawal ma-in love di ba? Idadagdag ko dito na bawal magbigay nang motibo para mainlove sa bawat isa." Sinalubong ko ang titig niya. "Walang magbibigay ng motibo."
"What are you saying?" Natawa siya.
Napakagat ako ng ibabang labi at ramdam iyong pamumula ng aking pisngi.
"Kung ayaw mo naman sa akin, wag kang magbigay ng motibo para magustuhan kita. Simple lang yun."
"Bakit? Naii-inlove ka na ba sa kin?" Deretsong aniya.
Bahadya akong napaatras.
"Naii-inlove ka na sa kin, right?" Then ngumisi sa akin. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.
Napapout ako ng labi. Ano naman kung naiinlove ako sa kanya. Madali akong magka crush pero madali din iyong nawawala. Katulad nang kay Henry. Naging crush ko siya sa umpisa pero nang makilala ko na siya at naging close friend na ay hanggang doon na lang. For sure pareho lang ito nun.
"Ano naman sa 'yo kung naiin-love na 'ko? Wala dapat pakeelamanan." Halos pasigaw kong wika yun.
Natahimik naman siya at bahadyang napaawang ang labi.
Siguro nagulat siya. Hindi ko rin in-expect na sasabihin ko iyon. Minsan napakadaldal ko talaga at minsan naman hindi.
Bumuga ako ng hangin. "I'm not in-love with you. Hindi pa at hindi mangyayari iyon. Gets mo? Crush lang kita at yun na yun. Marami akong crush kaya wag kang mag-alala sa feelings ko."
Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa akin. Maybe i caught him offguard. Tumiim ang mga bagang niya pagdaka.
Binigyan diin ko iyong usapan. "Walang pakeelamanan. Wag ka na ring magbibigay ng concern sa ginagawa ko. Kahit ano pa. Distance. Dapat may distance lagi sa atin. Bawal magbreak ng rule. Dapat gawin."
"Right! Gawin mo yan!" Padabog siyang tumayo mula sa couch.
Gulat akong napasunod ng tingin sa kanya.
"So nasa level pala ako ng mga crushes mo? Like that your first love? First love nga ba o puppy love? WHATEVER! Panindigan mo yang sinasabi mo." Pagkasabi nun ay tinalikuran na niya ako at mabilis na umalis. Umakyat na siya nang second floor ng bahay at nawala na sa aking paningin.
O, great!
Great talaga!
Natulala ako nang may ilang sandali sa kinauupuan ko.
Hindi ko talaga magets ang kadramahan niya sa buhay. Tsk. Napakasungit. Napaka-arte. Ako ba yung imposible? Siya ata yun. Napaka-bipolar.
*****
MAAGA AKONG nagising kinabukasan. Hindi. Hindi pala ako nakatulog nang maayos. Siguro dahil nanibago ako sa lugar. Napakalambot ng tulugan ko at mabango ang buong silid na pinagamit sa akin ni Sir Marcus.
Kagabi ay hihintayin ko pa sana na dumating si Henry. Kaya lang antagal niya. Wala pa naman iyong cellphone ko kaya hindi ko siya makontak. Hindi talaga ako naging at ease sa bahay na ito. Sobrang hindi ako sanay.
Haist.
Sa orasan na nakita ko sa may silid ay napagtanto ko na madaling araw pa lang. Past 5:30 na nun. Nakatulog lang ata ako nang may dalawang oras o kulang pa. Tahimik akong lumabas ng silid at bumaba mula sa second floor.
Madilim ang salas pero may liwanag na nagmumula sa may isang bahagi ng bahay na sa kutob ko ay kusina. Mabagal at maingat akong nagpunta doon at natagpuan ang isang may edad na babae na abala sa kung anong ginagawa sa kusina.
Lumunok ako at sandaling nanatili sa may b****a nang kusina. Ayoko sanang manggulat pero nang akmang magsasalita na ako ay biglang lumingon iyong babae sa pwesto ko at nagulat.
"AYY! ANAK NG KALABAW!!" Malakas nitong react nang makita ako. Napatalon pa ito sa pwesto. "D'yoskong bata ito! Nagulat ako sa yo."
Nahihiyang napangiwi ako. "So-sorry po."
Natigilan ito at tumitig sa akin nang matagal. Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.
Tama. Suot ko pa rin iyong sweatshirt ni Sir Marcus. Medyo messy pa ang buhok ko dahil ipinusod ko na ito ng walang suklay suklay. At hindi pa ako nag-tu-toothbrush.
"Amm... " napakamot ako ng batok. "Nakaistorbo po ba ako. Ano kasi --"
"Ay, ikaw ba yung bisita ni Marcus na pinatulog niya sa guest room?" Naunahan na naman niya ako.
Bisita?
Napahinga ako ng malalim. "A-ako nga po."
"Ang aga mo naman palang magising." Aniya at ngumiti sa akin. "Halika. Maupo ka dito. Gusto mo ba ng kape?"
"Nakakahiya naman po."
"Wag ka ng mahiya. Halika na." Ngiti nito. Sinenyasan niya ako na lumapit at itinuro ang upuan na nasa tapat ng isang malinis na kitchen table. Sumunod na lang ako. Wala naman akong choice.
Naamoy ko iyong niluluto nito na sinangag at may naamoy din akong hotdog na prito. Nakakagutom.
"Maagang lumabas si Marcus para mag-jogging. Siguradong babalik din iyon agad." Sinasabi nito iyon habang nakatalikod mula sa akin at nagtitimpla ng kape.
"Ako na lang po ang maggagawa niyan." Bahadya pa akong tumayo pero agad na itong nakapihit paharap sa akin at ngumiti.
"Wag na hija. Bisita ka ni Marcus dito. Dapat kitang pagsilbihan." Ngumiti itong muli habang papalapit na dala iyong kape. Inilapag niya iyon sa tapat ko.
"Empleyado lang din po ako ni Sir Marcus." Pilit kong ngiti rito.
"Bisita ka niya rito. Yun ang sabi niya." Nginitian niya ako uli.
Natigilan ako.
"Hindi pa ako tapos na maghanda ng almusal kaya kung okay lang ba sa yong maghintay? Pwede kang magpunta sa may garden."
Umiling ako. "Dito na lang po ako."
Ngumiti ito. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Bethel po." Mabilis kong sagot.
"Ako naman si Nana Yoling. Matagal na akong kasambahay nina Marcus." Nakangiting anito. "Dati ay kina Sir Luis ako pero ngayon ay dito na kay Marcus."
Tumango tango ako.
"Wag kang mahiyang magsabi kung may kailangan ka."
Ngumiti ako.
Sa totoo lang hindi ako sanay sa treatment na ganito. Syempre sanay ako na ako yung inuutus utusan.
Pinilit ko na tumulong kay Nana Yoling sa pag-aayos nang pggkain at sa may dining area. Hindi na naman siya nakatanggi.
Nakita ko iyong unti unting pagliwanag sa labas at halos tapos na kami sa gawain sa kusina. Hinayaan ako ni Nana Yoling na magpunta sa may garden ng bahay para naman daw makita ko iyong lugar.
May liwanag na sa paligid at malamig ang hangin nang dumating ako sa garden. May isang bakal na garden set doon at nakapalibot ang ilang klase nang halamang bulaklak. May puting rosas at pula. May orchids din. Lahat in full bloom.
Napangiti ako habang nakatayo sa may bungad nang pinto papalabas sa garden. Hindi na ko lumabas o tumuntong sa berdeng lupa kasi nakapaa lang ako at baka magkalat pa ako nang dumi sa may kabahayan mamaya.
Napakagandang tignan nang paligid habang unti unting kumakalat ang liwanag. Dahan dahang tumitingkad iyong mga kulay nang mga bulaklak na lalong nakapagpaganda sa view.
Bumuntunghininga ako para masagap ang malamig at preskong hangin sa paligid. Napaka-relaxing nang area na ito.
"Wow! Ang ganda naman dito." Nakangiting ani ko sabay taas nang kamay sa hangin at nag-stretch nang buong katawan.
Dama ko iyong mumunting sakit sa buto buto ko na nakakagaan sa pakiramdam. Ang dami kong pagod. Sa totoo lang, nakaka-stress ang araw araw ko at ang ganitong pagkakataon ay bihira lang dumating sa akin.
"Aaggghh! Sarap!" Habang patuloy sa pag-stretch. Siguro kung ganito lagi ang view ko sa umaga mas marami akong energy sa araw.
Kapag ako yumaman magpapakagawa din ako nang mas maganda pang garden dito. May mini fountain ng chocolate. Natawa ako. Syempre imposible yun.
"Enjoying the view, hah?"
Napatalon ako sa pwesto at gulat na napalingon. Awtomatikong namula ang mukha ko nang makita si Sir Marcus na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Nakatingin siya sa akin with his usual no expression look.
Shet.
Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang black na sweatshirt at jogging pants na itim. Puti ang running shoes niya. Hindi siya iyong ma-muscle na katawan na ktulad nang sa mga nagdi-gym. Sakto lang. Siksik ba ang laman.
Magkatulad nang suot kami ngayon, magkamukha . I wonder kung may iba iba ba siyang kulay nito?
Medyo basa ang buhok niya marahil dahil sa pawis. Ay! Grabe! Ang ligalig ng puso ko bigla. Napalunok ako. Mas magandang view yata ito eh.
"Nagandahan ka ba sa view o mas magandang titigan ako?" May gumuhit na pilyong ngiti sa mukha niya.
Lalong namula ang mukha ko. "Hah?!" Aww! Kainis. Lihim akong napangiwi.
Yun lang saksakan talaga siya ng kayabangan. Haist. Sayang.
Humakbang ito na palapit at agad nagrigodon naman sa kaba ang puso ko pero hindi nakaalis sa kinatatayuan ko. Huminto ito ng may halos ilang hakbang na lang mula sa akin.
Lumunok muli ako. "Go-good morning Sir." Umiwas ako nang tingin. Bumagsak ang mga mata ko sa mga kamay kong nakahawak sa dulo ng suot ko na sweatshirt.
"Bakit nakapaa ka?"
Bigla akong napatingin sa kanya. "Hah?" Umiling ako. "Wala -- wala akong slippers. Nakaheels ako kagabi. Yung mga gamit ko naiwan ko sa club."
"Nagsabi ka sana." Pinasadahan muli niya ako ng tingin.
"Uuwi na rin ako --"
"Sumunod ka." Tumalikod siya at humakbang papunta sa area kung nasaan iyong mga couch.
Atubili akong sumunod sa kanya. Nang huminto siya ay huminto din ako. Nang lumingon siya sa akin napaiwas ako nang tingin.
Gosh!
Automatic na namula ang mukha ko. Umangat ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng buhok paipit sa likod ng aking tenga. Kinakabahan ako.
"Sit down Bethel."
Napatingin ako pero hindi ko naabutan ang mukha niya kasi mabilis siyang tumalikod uli at humakbang papunta sa may hagdan. Sinundan ko siya nang tingin hanggang tuluyang makaakyat dun.
Tahimik akong naupo sa mahabang sofa roon atsaka napahinga nang malalim.
Tampalin ko kaya ang sarili ko. Bakit ba hindi ako mapalagay kapag nasa malapit siya? Nakakainis naman. Malapit ko ng isiping in-love na ko sa kanya.
Hindi. Hindi. Sabay iling ko sa sarili. Imposible! Hindi maaari! Erase. Erase that idea!
Muli akong huminga nang malalim.
Kailangan ko ng umuwi. Tumayo ako bigla at napahinto din nang makita si Sir Marcus na nakababa na mula sa itaas.
Hala!
Napatitig ako sa kanya habang lumalakad papalapit sa pwesto ko.
"I said sit down." Masungit niyang utas ng tuluyang makalapit sa akin.
Deretso akong napaupo habang hindi nag-aalis ng tingin sa kanya.
He's still on his sweatshirt. Akala ko ay umakyat siya para magpalit na at inutusan lang ako na maupo roon dahil ayaw niya na pakalat kalat ako sa bahay.
Naupo naman siya sa may ibabaw ng lamesita paharap sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa bagay na marahang inilapag niya sa paanan ko.
Napasinghap ako ng lihim.
Pair of slippers. Mukhang hindi iyon nalalayo sa size ko medyo maliit lang yata. Saan naman nanggaling ito?
Tumitig ako sa mukha niya na bahadyang nakakunot noo.
"I hope you don't mind. Naiwan lang yan dito at hindi na nagamit ng may-ari."
Napalunok ako.
Dating may-ari. Siguro may pinatira na siya na girlfriend dito?
Anubayan?! Panira talaga ng katinuan itong si Sir Marcus eh. Sala sa init. Sala sa lamig. Ang hirap ispellengin.
"Don't just stare at me." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
Pilit akong ngumiti na naging ngiwi lang naman. "Sorry." Binalingan ko na lang iyong slippers. "Eto na. Isusuot na nga po eh."
Bahadya akong yumuko at inabot ng kamay iyong slippers. Pero nagulat ako ng agawin iyon ni Sir Marcus mula sa kamay ko.
Nagsalubong agad ang tingin namin.
Napaawang ang labi ko nang kumalas siya ng tingin sa akin at bahadyang yumuko para hawakan ang binti ko.
Napapitlag ang puso ko sa biglang pagdikit ng balat niya sa balat ko. Dumaloy ang mumunting kuryenteng nagmula kung saan sa bawat bahagi ng aking katawan. Nag-init din ang mga pisngi ko.
Marahan niyang inangat ang binti ko at isinuot pagdaka iyong slipper.
Hindi na ako nakapagsalita o nakakilos man. Nabigla ako eh.
Pati iyong kabilang paa ay siya na rin ang nagsuot. Para akong maliit na batang sinusuotan niya nun. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin at tumitig sandali.
"Komportable ba?"
Tumikhim ako. "O-okay." Pinagkunutan ko siya ng noo. "Okay lang yung tsinelas pero bakit kailangan ikaw pa ang magsuot? Kaya ko naman na."
"Gusto ko lang gawin. Bakit ba?" Walang anumang umiwas siya ng tingin.
Suminghap ako ng marahas. "Ang weird mo." Hindi ko napigilang magsalita.
"Weird?" Tumingin siya at sinalubong mga mata ko. "Ako ang weird Bethel?"
"Hindi ka tumutupad sa usapan. Kasasabi ko lang kagabi na --"
"Walang pakeelamanan." Tumiim lalo ang titig niya. "Sa office lang iyon. Wala tayo sa office at kapag wala sa office ay gagawin ko ang gusto kong gawin."
Napamaang ako sa sinabi niya.
Pakshet!
Ang hirap makipagtalo sa matalino. Matalino ba talaga siya? Hindi niya ba alam kung anong ginagawa niya akin ngayon? Nakakabaliw!
Ang hilig niyang gumawa ng mga sarili niyang rules pero puro pabor lang sa kanya. Fair ba yun?
Humugot ako ng malalim na buntunghininga.
*****