Page 12

1392 Words
PAGE 12 Stay ***** BAHADYANG NAPAAWANG ang labi ko sa narinig na sinabi niya. Sinasabi niya bang pretty daw ako. Madalas ko namang naririnig yun pero bakit ibang iba ang epekto ng siya na ang nagsabi? Hindi naman ako nagrereklamo kapag sinasabi nila yun pero ngayon parang kinikilig ata ako. Pero baka lasing lang siya. Nang akmang kukunin niya ung ointment sa akin ay mabilis ko iyong iniiwas at muli kaming nagpalitan nang tingin. "Lasing ka ba?" Pinagkunutan ko siya nang noo. "Maupo ka na lang pwede ba?" Tiim bagang niya. "Ayoko nga. Ako na ngang maglalagay ng gamot." Kumilos ako pero nakapigil pa rin siya sa kamay ko. "Bitaw na." "I can manage myself. Ang kulit mo." Huminga ako nang malalim. "Oo na. Makulit na ko. Kaya nga ako na ang maglalagay ng gamot sa yo." "Hindi mo ba alam na i am a liscensed Doctor?" Matiim niya akong tinitigan. Natigilan ako dun. Hindi ko alam. "Hi-hindi." "Now i'm saying i am. Kaya ako nang bahala sa sarili ko." Umiling ako. "Bakit? Iyong mga doctor ba kapag nagkakasakit hindi din sa kapwa niya doctor siya nagpapagamot? Wag ka ngang maarte." Biglang dumilim ang mukha niya sa inis o galit. Distracted siya kaya nahila ko ang kamay ko mula sa kanya tapos ay mabilis na inilapit ang daliri ko sa panga niyang nagsisimula nang magkapasa. Bahadya siyang napapitlag sa kilos ko pero hindi ko na iyon pinansin. Malamang magtataka ang mga tao sa office bukas kung ano ang nangyari. Hindi na nagreklamo si Sir Marcus. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ko habang maingat ko siyang nilalagyan nung gamot. Pisti lang. Para naman akong matutunaw sa titig niya. Parang gusto ko tuloy mag-sisi na nagpumilit pa akong gawin ito. Huminga ako ng malalim at lumunok pa ng isang beses bago nagsalita ng mahina. "Salamat." "For what?" Nasa mukha ko pa rin ang mga tingin niya. Paano niya ba nagagawa iyon? "Sa pagligtas sa akin. Salamat." "Gagawin namin iyon kahit sa iba mangyari." Tumango ako ng mahina. Alam ko. Alam ko naman yun. "Salamat pa rin." "Bakit ba kasi nandun ka sa lugar na yun?" Muling umigting ang mga panga niya. Umatras ang kamay ko at tumitig sa kanya. "You are not for that place. Hindi mo ba alam?" "Anong gagawin ko? Kailangan ko ng trabaho. Kailangan kong kumita para mabuhay." Napalunok ako. Tila may tinik na bumaon sa aking lalamunan. "Still. Its not a good place for you." Tiim bagang niya. "Wala akong choice. Humahanap naman ako ng magandang mapapasukan eh pero walang tumatanggap sa akin." "Sh*t!" Umiwas siya nang tingin at mariing pumikit. Kumunot ang noo ko. "Sorry sa gulong nagawa ko. Nadamay pa kayo." "Go back to the company." Nabigla ako. Nag-angat siya ng tingin at natagpuan ang akin. "Tulad ng sinabi ni Henry. You are still not fired. I was just pissed off that time." Hindi ako nakareact agad. "I don't want you to go back to that place again. I won't let you." "Nakakahiya nang bumalik sa M.E." nagbaba ako ng tingin at mariing pumikit. "Ilang araw na akong absent kapag bigla na lang akong bumalik doon ano na lang iisipin nila?" "There you go again, Bethel. Nahihiya ka na naman. Don't be such a fool. I'm asking you now to grab your confidence now and report to work. Do that tomorrow." Tumingin ako sa kanya. "Pero--" "No more buts. Bakit ba lagi mo kong sinusuway? Pero kung makipagtawanan ka kay Henry hindi ka nag-aalala sa makakakita sa inyo?" Natigilan ako. Pakikipagtawanan kay Henry. "You really don't take my words seriously?" "Hi-hindi naman sa ganun." Mahina akong umiling. Wait lang. Bakit parang pinapagalitan naman niya ako ngayon? Sinamantala niya yung pagkalito ko para makuha yung ointment. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. "San--" "Maupo ka na Bethel." Hindi naman ako nakakilos para sumunod. Nanatili akong nakatitig sa kanya. "Maupo ka na nga." Tinignan niya ako ng masama. Napasimangot naman ako. Sus! Makautos talaga, wagas. Umatras na ako at naupo sa pan-isahan na couch sa tabi lang niya. Nakaharap ako sa kanyang naupo. Inabot niya iyong kopita na nasa may lamesita at ininom iyong kokonting laman nun. Minasdan ko siyang ginawa iyon. "Kung may itatanong ka itanong mo na." Hindi nakatinging aniya. "Bawal magtanong di ba?" Lihim akong umismid. "Tsk." Piksi niya. "Don't start with me. Hindi ko pa rin nakakalimutang pumasok ka sa loob ng CR ng lalake. You should be thankful ako ang nakahuli sa yo." Nagblush ako sa sinabi niya. Nakakahiya pa rin iyong alalahanin. Lalo na yung eksena sa loob ng cubicle. Mas nakakahiya yun. Tumikhim ako at hindi nag-react. "Kung wala ka na namang sasabihin. Pwede ka ng matulog." Malamig niyang turan. Bahadya akong kumunot noo. "Matutulog ako? Dito sa bahay mo?" "Nagrereklamo ka pa?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Hihintayin ko na lang si Henry para magpahatid pauwi." "Sobrang late na." "Okay lang. Wala namang maabala tinutuluyan ko eh. Mag-isa lang ako dun." "Mag-isa ka lang?" Matiim niya akong tinitigan. "O-Oo." Umiwas ako nang tingin at humanap ng ibang mababalingan noon. Isinasalang na naman niya ako sa hot seat. Hindi ko ma-carry. "Mas lalong dapat dito ka na muna ngayong gabi. I can't let you go home like that." Lumingon ako. "Magpapahatid ako kay Henry." "My decision is final. Matulog ka na, Bethel." Madiin niyang utas. Bahadya akong natahimik. "What?" Pailalim na siyang tumingin. Huminga ako nang malalim at sinalubong ang titig niya. "Bakit ganyan ka? Kung maka-utos ka parang robot lang ang kausap mo na naka-program para sundin ka? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" Nag-angat siya nang tingin. Sumandal pagkaraan sa inuupuan na couch at humalukipkip. Napalunok ako. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at nilakasan ang loob. Hindi ko dapat ito sinasabi. Hindi naman kami close. Magkaaway pa nga kami eh. Mabait at sinusunod ko naman siya pero siya naman, lagi akong sinusungitan. Ewan ko ba kung bakit ganun siya. Namimili lang ba siya nang taong pakikisamahan ng maayos? Hindi ba ako kasama sa mga taong iyon? "Ku-kung galit ka dahil dun sa nangyari? Sorry na. Hindi ko naman sadya. Nataranta lang ako. Hindi ba pwedeng magkamali ang isang tao kahit isang beses? Binibilang mo ba ang mga katangahang ginagawa ko? Hindi naman ako perfect. Hindi naman ako kasing-talino niyo." Napabuga ako nang hangin. Nararamdaman ko iyong init na umaakyat sa sulok nang mga mata ko pero pinigilan ko iyon. Nakita kong tumaas-baba ang kaniyang adams apple bago nagsalita. "Now you're finally speaking." Natigilan ako. "Hindi ko binibilang ang pagkakamali mo. You are good at work. Why do you keep on lowering yourself?" Suminghap ako. "Napansin ko lang naman iyon. Feeling ko ayaw mo sa akin. Pero bakit hindi mo na lang ako ipalipat ng floor? Hindi mo naman ako kailangan hanapan ng mali para may dahilan ka para patalsikin ako sa trabaho di ba? Ikaw pa rin ang boss. Magagawa mo ang gusto mo." "Who said i don't like you?" Napamaang ako. "Bakit kita ililipat ng floor kung satisfied naman ako sa trabaho mo? Bakit kita hahanapan ng mali? You don't see the picture thoroughly Bethel." "Lagi mong binabantayan ang kilos ko?" "I was just looking at you." "Bakit?" Eager akong malaman ang totoo. Sandaling namayani ang katahimikan sa amin. Nag-isip ba siya nang malalim? Mukhang may sikreto siyang tinatago. Huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin. "I was just looking at you. That it is." Itinikom ko ang aking bibig para hindi makapagsalita nang anuman. In the end, hindi niya pa rin ibinaba ang pader na humaharang sa aming dalawa. Bakit nga ba ako umasa na mangyayari iyon? Nagbaba ako nang tingin at lihim na napapikit ng mga mata. Guess, hanggang empleyado talaga ang level ko sa kanya. He was not like Henry. Hindi siya madaling i-please. Hindi madaling pakisamahan. Bumuntunghininga ako nang malalim. "Okay." Muli akong tumingin sa kanya at nagsalubong ang mga mata namin. "Papasok na ko uli sa M.E. Pwede mo ba ako ilipat nang assigned floor?" "NO!" madiin at mabilis niyang tanggi. Napabuga ako nang hangin. "Don't push your luck too far." Piksi niya atsaka bumaling uli doon sa iniinom niya. Naglagay siya nang ilang yelo sa maliit na baso at nagsalin ng alak. Agad din niya iyong tinungga paubos. Muli akong napabuga ng hangin. "I have reasons. You just stay where you are. You just have to stay." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD