Page 11

1616 Words
PAGE 11 Pretty ****** SA ISANG KILALA at malaking subdivision ang bahay na sinasabi ni Sir Marcus. Iniisip ko kung siya lang ba dito o kasama niya ang pamilya niya. Pero dun sa huling naisip ko mukhang hindi yun maganda. Nabanggit ni Henry na may sarili siyang condo unit at mag-isa lang siya doon. Sana dun na lang. Parang mas magiging komportable pa ako dun. Lumunok ako at tumikhim ng sa wakas ay huminto na ang sasakyan sa loob ng bakuran. Sa labas ay kita ko ang tanaw ko agad ang malaking double door na entrance ng bahay. Hindi lang basta bahay. Kundi malaking bahay. "We're here Bethel." Lingon sa akin ni Henry. Natigilan ako saglit at tumitig sa kanya. "Pu-pwede namang umuwi na lang ako." Suminghap ako nang lumingon sa akin si Sir Marcus kaya napaiwas uli ako ng tingin. "Okay lang Bethel. Wala naman kaming gagawing masama sa yo. Natatakot ka pa ba?" Nag-aalalang ani Henry. "Ano kasi ---" sumulyap ako kay Sir Marcus at napalunok uli. Paano ko ba sasabihin? "Hindi dapat ako nandito. Baka kasi may magalit. Baka--" "Walang magagalit Bethel. We're safe here. You are safe here. Promise." Ani Henry at ngumiti. Napatitig akong muli sa kanya at bumuntung hininga. Napapitlag ako sa kinauupuan ng buksan ni Sir Marcus ang pinto sa side niya at pabalibag iyong isara. Grabe. Ang init na naman ng ulo niya. Inalalayan ako ni Henry hanggang pagbaba. May malamig na hanging umihip sa paligid at hindi ko mapigilang manginig. "Lets go inside." Boses ni Sir Marcus. Pagpasok namin ng bahay, bumulaga na sa akin ang maluwang na salas. Maliwanag na maliwanag dun at nagsusumigaw ng karangyaan bawat sulok. Napalunok ako at bahadyang naningkit ang mga mata sa liwanag. OA isipin na nakakasilaw ang yaman nila pero totoo. Lalo tuloy akong nanliit. Sinipat ko iyong suot ko na booths. Buti naman at hindi iyon marumi. Huminga ako ng malalim. Wala akong karapatang makatungtong sa ganitong kagandang tahanan. Ano bang ginagawa ko dito? "F**ksh*t!" Gulat akong napatingin kay Henry nang magmura ito sa tabi ko. "I forgot Laila. Kailangan ko syang balikan sa club." Aniya habang nasa cellphone ang tingin. May tumatawag sa kanya. "Laila?" Kumunot ang noo ko. Sino si Laila? "My date." Bumaling siya kay Sir Marcus. "Can i borrow your car?" "Don't scratch it." Sabay itsa sa hangin ng susi papunta kay Henry na nasalo naman nung huli. Wow! Ayaw niya na magasgasan man ang kotse niya pero kung makawasak niya ng windshield at headlights ng kotse kanina, wagas. Parang doon niya ibinuhos lahat ng galit at ganti niya eh. Nakakagulat talaga. "Syempre." Ngiti nito. Nagbaba ito ng tingin sa akin. "Babalik ako. Don't worry." Nanlaki ang mga mata ko. No! "Sasama ako." "Huwag na. Dito ka na lang." Marahan niya akong hinawakan sa braso at bahadyang inilapit ang mukha sa tapat ng tenga ko. "You and my couz need to talk. Kaya mo yan." Saka lumayo. "Pero--" pipigilan ko sana siya pero agad na itong nakalayo. Aww! Kainis! Napangiwi ako habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Henry. Iniwan niya talaga ako. Dito! Dito kasama si -- Naramdaman ko na lang ang paglapit ni Sir Marcus sa akin. Nang tumingin ako rito ay ilang hakbang na lang ang layo niya. Napaatras tuloy ako. "What?!" Huminto siya at tinitigan ako nang masama. "I'm not going to kill you or something." Nagblush ako. Kainis. Bakit naman iisipin ko iyon. Ka-gwapo nito tapos ganun. Napapitlag ako sabay daloy nang kilabot sa katawan nang mamalayang nasa harap ko na siya. Marahang umangat ang dalawa niyang kamay para abutin ako. Napatitig ako sa mga mata niyang nakatitig din sa akin. Ano bang meron sa mga matang iyon? Bakit sobrang naaakit ako? Naramdaman ko iyong magaan na pagsuyod ng palad niya sa buhok ko at marahang tinanggal iyong headband na nasa ulo ko pa pala. Habang ginagawa niya iyon, parang slowmotion ang bawat sandali. Kumakabog nang grabe at mabilis na mabilis ang dibdib ko. Hinahalukay sa kaba ang sikmura ko. Nangangapal sa pamumula ang mga pisngi ko. Hindi naman ako lasing pero para akong nalalasing sa titig niya. Inilahad niya sa harap ko iyong headband. "Will you change your outfit now? You are too damn distracting." Bahadyang napaawang ang labi ko sa kabiglaan. Lalo akong sinalakay ng libo libong kaba. Suminghap ako at nanginginig ang mga kamay na kinuha mula sa kanya iyong inaabot niya. Wala akong masabi. Napansin ko siyang huminga ng malalim. "Come." Tumalikod siya at mabagal na humakbang papunta sa may punong dulo ng mahabang staircase na hagdan. Lumunok ako bago sumunod. Makapal na salamin iyong railings ng hagdan na iyon. Pansin ko rin na malalaki at makakapal na salamin din ang halos kabuuan ng haligi nang salas. Puting dingding at mataas na ceiling. Modern ang design at maaliwalas. Nawala ang paningin ko sa kabuuan ng salas nang marating namin ang second floor nang mansyon. Huminto siya sa tapat nang unang pinto at binuksan iyon. Tumingin siya sa akin at sumenyas ang tingin na lumapit na ako agad at pumasok sa loob. Atubili akong tumalima. Pagpasok ko sa loob ay sumunod din siya pero iniwang nakabukas iyong pinto. "You can use this room tonight. May sarili itong restroom so you can make yourself helpful." Nasa gitna na ako ng silid ng lumingon ako sa kanya. "Wa-wala akong pamalit." "Tss." Napabuga ito ng hangin. "Wait here." Siguro naiinis siya dahil napakalaki ko ng abala. Lumabas siya nang room. Sa pagkakataong iyon ay iniligid ko ang paningin ko sa silid. Katulad nang nakasanayan ko nang makita. Maluwang, maaliwalas at malinis ang silid. Dominanteng puti ang kulay ng nito at may malaking kama sa gitna na balot din ng puting kumot. Parang ang sarap sarap matulog dun. Hinihila na ako ng antok. Nang bumalik si Sir Marcus ay agad itong lumapit sa akin at inabot ang isang kulay abo na sweatshirt. "Wala akong damit pambabae dito so, pwede mo na yang pagtyagaan." "Hah?!" Alanganin ko iyong tinanggap. "I'll leave you here." Napatungo siya nang ulo at tumalikod na para umalis. Hindi na ako pumigil pa. Isinara niya iyong pinto at naiwan na ako sa room na iyon na mag-isa. I shouldn't stay here. Napakagat labi ako. Hindi tama. Pero hindi ko naman matanggihan ang tulong na ino-offer nila sa akin. Niligtas nila ako kanina. Sila ni Henry. I owe them. Marahil ay nagkataon lang na naroroon sila ni Henry. Anuman ang dahilan ay may malaki akong pasalamat. Nagpalit ako sa ako sa damit na ipinahiram niya sa akin. Umabot iyon hanggang hita ko at halos nagmukha na ring mini dress. Kinailangan ko pang tupiin iyong mga sleeve nito para makakilos. Mabuti na lang at may suot akong cycling shorts. Sanay naman akong magsuot nang mga maiikling shorts pero syempre sa bahay lang yun. Matapos kong maiayos ang sarili ko ay lumabas ako nang silid para hanapin si Sir Marcus. Marami akong tanong na gustong malaman ang sagot. Gusto ko ring magpasalamat pati na rin magpaalam. Nalungkot ako dun. Magpaalam dahil hindi dapat ako narito. Pagtayo ko sa may itaas nang hagdan ay nakita ko agad si Sir Marcus na nakaupo sa pahabang sofa sa salas at sa lamesitang nasa harap nito ay nakapatong ang isang bote ng mamahaling alak at isang kopita. Katabi nun ay isang puting box. Napabilis ang hakbang ko pababa nang mapansin kung anong ginagawa niya. Sinusubukan niyang gamutin ang sugat sa kanyang panga at napahinto siya sa ginagawa nang makita akong papalapit. Bahadyang napaawang ang labi niya habang nakamata sa akin. Tumayo ako ilang hakbang mula sa kanya at huminga nang malalim. "A-ako na po ang maggagamot dyan." Lumapit pa ako sa kanya. Nakaupo siya sa may couch at nakatingala sa akin na para bang amuse na amuse. Lumunok ako ng isang beses. Inabot ko iyong ointment na nasa kanya at naglagay ng konti sa daliri ko. Nang akma ko nang ipapahid iyon sa panga niya ay mabilis naman niya akong pinigilan sa pulsuhan ng kamay ko. Napahinto ako. Nagkatitigan kami ng matagal at tahimik. Hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil clouded ang utak ko sa kaba at kiliti na umaatake sa akin. I like him. Pero hanggang doon lang ako. Hanggang doon lang. Feeling ko ay numinipis ang hangin sa paligid. Nahihirapan akong huminga. Tumiim ang bagang niya at tumikhim. "You really suck in dressing Umarko ang kilay ko. "Ano?" Biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Natutulala kasi ako sa mata niya pero sa sinabi niya nagbalik sa isip ko na war pala kami ngayon. Tsk. Nakalimutan ko iyon. "I should have given you other shirt than that." "Bakit?" Tumikhim ako. "Ikaw ang nagsabing ito ang isuot ko di ba? Hayaan mo. Ipapalaundry ko ito bago ko isaoli para naman mamatay ang mga germs." Lihim akong napaismid. Eto na naman siya sa kayabangan niya. "I didn't say that. Why are you so cocky about it?" Nagsalubong ang kilay nito.habang nakatingin pa rin sa akin. Mapait akong ngumiti. "Pa-parang nakaka-insulto ka naman kasi. Syempre hindi fit sa kin itong damit. Hindi naman akin ito. Malay ko ba kung kanino ito." "Its mine." Natahimik ako. "At hindi kita iniinsulto or anything." Napabuga siya nang hangin. Napatawa ako ng mahina. "Ano lang? Mas bagay sa akin iyong uniform ng pang maintenance? Alam ko na yun." "I would rather choose that uniform kesa naman sa mga damit na kulang kulang naman sa tela like that damned bunny skirt. It doesn't suit you. Hindi ka dapat nagsusuot ng ganun. Hindi mo kailangan magpakita nang balat just to let everyone know you're pretty." Bahadyang napa-awang ang labi ko sa sinabi niya pero wala akong nai-react. Mali ba ang intindi ko? Is he, actually, really find me pretty?! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD