Page 9

1962 Words
PAGE 9 Ayoko na *********** SA UNANG GABI ko sa club ay nangapa ako nang sobra. Nagkamali ako ng ilang beses pero hindi naman major na pagkakamali. Kaya sa sumunod na gabi ay okay na ako at medyo gamay ko na ang trabaho, alam ko na masasanay din ako pero wala akong balak na magtagal sa club. Panandalian lamang ako dito. Hindi ito ang pangarap ko na trabaho pero hangga't kaya ko at wala namang masamang nangyayari sa akin ay kaya ko pa ito. Hindi nga lang talaga maiiwasan o hindi ko pwedeng iwasan ang mga nambabastos na customer. Lalo pa sa suot naming mga server, maiikling skirt at manipis na blouse na hapit din sa katawan. Sa pagsusuot ng ganitong mga klase ng damit ay talagang naghahanap ka ng pambabastos. Nilunok ko na lang ang hiya ko. Kapag gipit ka wala ka ng choice. Madaling araw ang uwi ko at pagpatak ng alas otso ay naghahanap naman ako ng work. Nakakapagtaka naman na iyong pinagpasahan ko ng resume na agency ay wala pa daw bakanteng trabaho kahit noong nakaraang araw lang ay meron. Nakailang applay pa ako sa ibang company pero wala daw mga bakante. Nag-uumpisa na kong matakot na baka wala na talaga akong mahanap na matinong work. Bumuntung hininga ako. Parang ngayon. Nakaupo lang ako sa isang waiting shed sa kahabaan ng kalsada ng business area circle. Nandito sa lugar na ito yung matataas na building at maraming business offices pero wala pa rin akong mahanap na trabaho. Sana naman, kahit taga punas lang ng salamin meron. Haist. Kumagat ako sa hawak ko na waffle. Ang agahan ko ngayon. Mabuti na lang at may naipit akong kaperahan sa sulok sulok ng bag ko. Mabait pa rin si Lord dahil hindi niya ko hinahayaang magutom ng grabe. Ito yung mga munting miracle na araw araw ginagawa para sa akin ni Lord God. Pinasadahan ko ng tingin iyong classified ads ng nabili ko na dyaryo na nasa lap ko. Nagbabakasakali na makahanap ng available na mapapasukan. Kahit okay pa ako sa club ay ayoko na rin na magtagal dun. Magkatulong kaya ako o baby sitter. Pwede na yun. Mas marami yatang naghahanap ng ganun. Mabait naman sa ako sa bata. Kapag tulog sila. Hehe... mukha pa kong baby. "Baby girl!" Bigla akong napa-angat ng tingin nang marinig ang malakas na boses na yun. Baby girl? Lumingon pa ko sa gilid ko. Wala naman akong kasama. Lingon sa likod. Imaginary friend ba? Paglingon ko sa may gawi ng kalsada ay nakita ko si Henry na patakbong palapit sa pwesto ko. Napahinto ako sa pagnguya ng pagkaing nasa bibig at napakurap ng mata hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin at tumayo sa tapat ko. Napamaang ako. "Baby girl!" Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinila patayo para yakapin. Bigla kong nalulon ng buo yung nasa bunganga ko. Nagkasamid samid pa ko pero hindi naman ako nakakilos para umiwas man. Bumitaw na siya sa pagkakayakap at minasdan ako habang nakahawak pa rin sa magkabila kong balikat. "Are you okay? Ilang araw ka na naming hinahanap. Ayaw mong sagutin ang tawag ko sa yo. Hindi ka din nagrereply man lang sa text ko. Nakakatampo ka." Kumurap ako ng mata. "Hah?!" Napapitlag ako ng maramdaman ang dalawang palad niya sa magkabila kong pisngi. Umakyat ang init sa mukha ko at kinilabutan ako sa ginawa niya. "Namayat ka baby girl. Hindi ka ba nakakakain ng maayos?" Punong puno ng concern ang tono niya. Bakas din iyon sa mga mata niya. Parang hindi ako makapaniwalang nandito nga sa harap ko si Henry. He caressed my face gently habang sinisipat. Marahan kong hinawakan ng malaya kong kamay iyong isang braso niya. Ngumiti ako. "Henry?! Ang OA naman nito." Pinilit kong palisin iyong kabang nadama ko. Ilang araw lang kaming hindi nagkita at ganito na siya maka-react. Pinagkunutan ko siya ng noo. "Baby girl? Sabi ko wag mo kong tawagin nun!" "Well, tatawagin kita sa kahit anong gusto ko dahil pinag-alala mo ako ng ilang araw." Nakapout niyang wika at matiim niya akong tinitigan pagkaraang tanggalin ang kamay sa mukha ko. Humalukipkip siya. "Okay lang ako." Mahinang tinawanan ko siya. Napakaseryoso niya at hindi ako sanay sa ganun. "Nakaka-touch ka naman. Pa-touch nga!" Nakabungisngis ko siyang tinapik sa braso. "Tch. Bethel hah!" Iritadong saway niya sa akin. Ngumiti ako ng maluwang. "Okay lang ako. See? I'm still alive and breathing. Ano bang iniisip mo? Na nagpakamatay na ko somewhere? Mahal ko ang buhay ko hah." "Alam kong hindi mo gagawin yun pero mas torture ang ginawa mo. Umalis ka ng walang paalam." Grabe! Napakasweet talaga ng lalakeng ito. Kaya ang daming naiinlove dito eh. "Sus! Magkaiba yung umalis ng walang paalam sa pinaalis at hindi na nagpaalam." Lalim ng hugot ko ah.  Lihim akong napangiwi. "Baby girl?" Nafeel naman niya yung bigat sa loob ng sinabi ko. Well, he' s my bestfriend and he knows me. Lihim akong napabuntung hininga. "Ano bang ginagawa mo dito? Paano mo--" "Napadaan lang kami." Kumunot ang noo ko. "Kayo?" "Yup. Kami." Sabay nguso sa direksyong pinanggalingan niya. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita na may kasama nga ito. Biglang sumalsal ang t***k ng puso ko nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Napalunok ako ng isang beses at napabuga ng hangin. Si Sir Marcus. Nakatayo ito pasandal sa isang itim na kotse at nagkahalukipkip habang nakatingin sa amin. Para lang siyang nagpo-photo shoot sa itsura niya. Mabuti at sa malilim na bahagi ng daan sila napahinto. Umiwas ako ng tingin at bumaling sa sementong kalsada ang mga mata. Biglang nanikip ang dibdib ko sa emosyong hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring i-ignore. Masamang masama pa rin ang loob ko sa kanya at ayaw ko siyang makita. Kung pwede lang ayaw ko siyang makita pa. Ngayon o kahit bukas. Basta, ayaw ko siyang makita! Period no erase. "Oi, baby girl? Kumain ka na ba? Tara kain muna tayo."  Mahina pa kong tinapik sa balikat ni Henry para agawin ang pansin ko. Mabilis akong nag-angat ng tingin at umiling. "Huwag na. Pauwi na ko. May duty pa ko mamaya eh." "May trabaho ka na?" Nagulat pa ito. "Hindi ka pa nga tanggal sa M.E." Pilit akong ngumiti. "Tama na yang issue na yan Henry. Tanggap ko na." "Ayaw mo na ba talaga sa M.E.? Kung gusto mo sa coffee shop ko na lang ikaw? Hired ka na." "Henry?" Tinitigan ko siya. Alam ko na concern siya sa akin at dama ko yun. Pero ayoko na yung concern niya ay maging awa pa para sa akin. Magkaibigan kami at ayokong kaawaan niya ako dahil sa maliit na pangyayaring ito. "Wala namang magiging problema dun Bethel. Ipapa-transfer ko na lang sa management iyong lahat ng requirements mo sa office ko para hindi ka na magkuha pa ng mga bagong requirements. Pwede ka ng mag-start." Ginagap niya ng mahigpit ang isa kong kamay. "Sige na?" Bahadyang napaawang ang mga labi ko. Magsasalita sana ako kaya lang may ibang nagsalita. "Sinabi ko na sa yo Henry na hindi mo pwedeng sulutin ang mga empleyado ko." Singit ng isang baritonong boses. Minsanan ko lang marinig ang boses nito. Kapag may iuutos o ipapagawa lang siya sa akin. At iyong huli ay nung patalsikin niya ako mula sa trabaho. Sa totoo lang, never pa akong nakatanggap ng anumang pasalamat o papuri mula sa kanya. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko sa reyalidad na iyon. Sabay kaming napalingon ni Henry. Nakita ko si Sir Marcus na nakalapit na pala sa amin at makapako ang tingin sa akin. Blanko lang ang expression niya. "Bakit hindi Kuya Marcus? Ikaw naman ang nag-tanggal sa kanya eh." Iyong tono ni Henry ay parang naninisi pa. Nagtama ang mga paningin namin pero mabilis din akong umiwas. Hindi ko siya kayang i-tolerate. Hindi ngayong galit pa ako. Hindi ngayong masama pa ang loob ko. Kung madali lang akong pasayahin. Mahirap akong paamuin. Lalo na kung nasaktan ako. Hindi ako madaling makalimot. One is enough. Two is too much. Three is dangerous. At hangga't nasa one pa lang ako, tama na yun. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng lumayo. "Hindi niyo na po ako empleyado ngayon." "Said who?" Gulat akong napatingin nang sabihin ni Sir Marcus iyon. Nasalubong ko iyong tingin niya pero napakunot noo ako. Nakalimot ba siya? "I believe your contract under the company is still in validity. Six months ang pinirmahan mo Ms. Del Rosario at nakaka-apat na buwan ka pa lang. You still owe us your service." What the --! Nanlaki ang mga mata ko at laglag panga. "Kuya, thats not the proper way to convince her to come back." Naiiling na ani ni Henry. "I'm not convincing her to come back. I'm stating the facts here." "Tsk." Napapiksi si Henry. Parang siya pa yung nainis. Kinagat ko ang aking labi para pakalmahin ang bumabangong inis at galit sa aking sistema. Kailangan kong kumalma. Kahit konti lang. "Okay. Fine." Taas noo ko siyang tinitigan sa mga mata. "Gagawa ako ng resignation ngayon ding araw. Yun ba ang gusto mo?" "Okay do that Miss." Nilabanan niya ang titig ko. "Are you nuts?! Tatanggapin mo ang resignation niya?" Gulat na react ni Henry. "Hindi." Walang anumang wika niya habang malalim pa ring nakatitig sa akin. "Ano?!" Leche naman!! Ano ba ito? Laro? Pangmatigasan? "Hindi ka aalis sa kumpanya. At hangga't ako ang Chief Officer you'll be working for me and only for me." Mariin niya iyong sinabi habang hindi nag-aalis ng tingin sa mga mata ko. Saglit na naglaban ang mga mata namin. Nagsusukatan ng pagmamatigasan ng loob. Bigla ay natawa ako ng pagak. Napailing. Hindi ito nakakatuwa, nakakairita ito. "Hindi mo ko pag-aari. Hindi mo ko pwedeng utos utusan na lang dahil gusto mo at dahil boss ka. Hindi ka Diyos! Hindi kita susundin!" "I am not playing god here Miss. But i am technically your Boss." "Grabe! Antibay ng face!" Marahas kong bulong at napapiksi. "Whatever!" Iritado din niyang piksi sa akin. "Wala ka rin namang magagawa kundi ang bumalik sa akin. You don't know what i'm capable to do just for that to happen. I'll see you at the office Ms. Del Rosario." Bigla niya kaming tinalikuran at humakbang pabalik sa sasakyan. Gigil na gigil ako sa galit habang sinusundan ito ng tingin. "Kainis! Ano bang problema nun?!" Padabog kong wika at napailing. Tumingin ako kay Henry pero nagkibit balikat lang ito. "Sometimes hindi ko din sya maintindihan." Napangiwi ako. Narinig namin iyong pagbusina ni Sir Marcus ng sasakyan. Alanganing tumitig sa akin si Henry. "Magpapaalam na muna ako sa kanya. Sasamahan kita --" "Sige na Henry. Sumunod ka na. Uuwi na rin naman ako." Mabigat sa loob kong wika sa kanya. I was glad to see him pero hindi ko pwedeng sayangin ang oras niya. "Ayoko. You still need me." Aniya na pinisil ang kamay ko ng mahina. Umiling ako. "No. Kailangan ko lang munang mag-isa." "You can always consider my offer Bethel. Wag kang mag-alala kay Kuya Marcus. Hindi din naman siya makakatanggi kapag nangyari na." "Salamat na lang Henry." "Tell me where you live." Umiling ako. "Then tell me where you work now." Tila nauubusan na ng pasensya si Henry sa akin. Pero mas lalong ayaw kong malaman niya kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Muling bumusina si Marcus. Halatang inis na sa paghihintay. Mas nakakainis siya! "Ite-text kita." "Great Bethel! Like you do that." Sarcastic na wika niya. "Ite-text kita promise." Napabuntung hininga na lang si Henry. Nagmamadali nang makaalis si Sir Marcus kaya wala na itong nagawa kundi sumunod. Umuwi na lang ako ng apartment ko at natulog. Ayoko nang bigyan pansin ang mga sinabi ni Sir Marcus. Wala nang magbabago sa isip ko. Hindi ko na gustong magtrabaho sa kanya. Ayoko na talaga. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD