PAGE 8
Maganda ka
*************
LATANG LATA ANG katawan ko kinabukasan. Inubos ko ang buong oras ko mula kagabi hanggang madaling araw at ngayon sa pagtatahi ng mga mata ng stuff toy hanggang sa mamula at manakit ang mga daliri ko.
Leche! Pati ba naman daliri ko nananakit na rin? Hindi pa ba sapat na masakit ang puso ko ngayon?!
Huminga ako nang malalim at isinubsob ang mukha ko sa nakasalansan na laruan sa harap ko.
Ano nang gagawin ko?! Napasimangot ako. Anong gagawin ko!? Napailing iling ako at ginulo gulo ang sariling buhok. Para lang ewan.
Napapitlag ako nang marinig ang pag-ring ng phone ko.
[Troublemaker ringtone]
Kumunot ang noo ko at sumilip kung sino yung tumatawag. Number lang yung um-appear sa screen.
Pikit matang inabot ko iyon at ni-receive iyong call.
"Hello?" Walang kagana-gana kong bungad sa tumawag.
"Bethel, where are you?! Kanina pa kita tinatawagan bakit ngayon ka lang sumagot?"
Biglang nilayo ko sa tapat ng tenga iyong phone at kunot noong tinignan uli iyong screen.
Hul! Si -- ?
"Henry?" Hindi ko agad nakilala ang boses niya. May number naman siya sa akin bakit ibang number iyong gamit niya ngayon? Inilagay ko uli sa tapat ng tenga ko yung phone. "Henry ikaw ba yan?"
"Ako nga. I'm so worried about you. Alam ko na ang ginawa ni Kuya Marcus sa yo. Nakausap ko na siya at pwede ka ng bumalik dito."
"Hah?!" Umayos ako ng upo at bahadyang nag-inat ng katawan. "Tinanggal na niya ako sa trabaho."
"No. Binawi na niya. He didn't mean it Bethel. He was just mad kaya nya nasabi yun."
Napabuga ako ng hangin. Mad. I am mad too. "Wag ka ngang magbiro ng ganyan Henry. He fired me. Hindi na ko pwedeng bumalik dyan." Pinaglaruan ko ng isang kamay iyong stuff toy na nasa malapit sa akin. Nakaramdam na naman ako ng pait sa naalalang iyon. Nagkamali ako. Tinanggal na ko sa trabaho. Sabi nila may second chances pero ako hindi man lang binigyan nun. Unfair para sa kin yun. Sobrang unfair.
"Oh, sh*t!" Nakarinig ako ng bangayan sa kabilang linya at kumunot lalo ang noo ko. "You are still not fired Bethel. Hindi pa naman naibaba sa HR yun eh." Bumulong uli si Henry na parang nilalayo iyong phone para hindi ko marinig ang sinasabi niya. Pero parang naulinigan ko ang sinabi niya, "Stop being childish Kuya Marcus. Its your fault not hers."
Nandun si Sir Marcus. Ayy, hindi ko na nga pala siya boss. Sumimangot ako.
"Call me later Henry. Mukhang may meeting pa kayo dyan eh."
"Wait!" Then i ended the call.
Marahas akong napahinga ng malalim. Nang muling tumawag si Henry ay hindi ko na muna sinagot. Ayokong makipagtalo kanino man ngayon. Hindi pa ako nakaka-cope up sa pain ko kahapon. Saka hindi ako sanay makipagtalo. Laging ako ang natatalo.
Tinext ko si Ara na magpunta na dito sa inuupahan ko na maliit na apartment. Pupunta naman siya talaga dahil may kailangan ako sa kanya. Pero lumipas ang araw na iyon at hindi dumating si Ara.
Kinabukasan ay nagpasya na ako na mag-apply sa bagong trabaho. Bumalik ako dun sa dating agency na in-aplayan ko at nagbaka sakaling may job opening sila matapos makapagpaprint ng ilang resumé. Meron naman kaya lang ilang araw pa ang proseso kaya nagpasa na lang uli ako ng resumé.
Nagpunta ako sa bahay nina Ara para kausapin ito pero nanay niya lang ang naabutan ko na naroon.
"Magandang araw po. Si Ara?" Bungad ko nang buksan ni Aling Ester iyong pinto. Napansin ko agad iyong pamumutla ni Aling Ester.
"Beth. Ikaw pala. Wala si Ara dito lumayas na. Sumama dun sa adik niyang syota!"
Nabigla ako. "Ano ho?!"
"Umalis siya ng walang paalam at kinuha pati ang naitatabi kong alahas. Ano nang gagawin ko ngayon? Pu**ng*** bata iyon! Naimpluwesyahan ng adik niyang syota!!" Biglang pumalahaw ng iyak si Aling Ester at napaupo sa sahig. Mabilis ko itong dinaluhan.
"To-totoo ho ba? Lu-mayas si Ara?"
"Huhuhu...." iyak lang ng iyak si Aling Ester. Hindi ko na nga ito makausap ng maayos dahil puro panunuya na lang ang nasasabi niya tungkol kay Ara sa syota daw nito.
Natulala ako at natahimik.
Umalis si Ara. Kinuha ang natitira na alahas ng nanay niya. Nasa kanya din ang pera ko na nakalaan para pambayad ng apartment, tubig, kuryente at padala sana. Sinabi kasi niya na may alam siyang pwedeng pang-invest-an.
What the--
Nagulat ako nang biglang bumagsak sa kandungan ko si Aling Ester at tuluyang nawalan nang malay. Mabuti na lang at may nakarinig agad sa saklolo ko kaya naidala namin ito sa ospital.
Nang umuwi ako sa apartment ay lumong lumo naman ako sa aking sarili.
Panu?! Buo ang tiwala ko kay Ara. Buong buo na halos i-share ko na lahat. Then, ito lang ang gagawin niya sa akin? Niloko? Ninakawan pa?
Nanghihinang pabagsak akong nahiga sa sahig ng apartment. Nasa sulok na iyong mga luha sa mata ko pero ayaw pang bumagsak.
Wow! E di ako na ang tanga! Okay tong nangyayari sa kin. Natanggal ako sa trabaho at tinakas ng bestfriend ko ang pera ko. Ano nang gagawin ko?!
Gusto kong isipin na gipit lang si Ara. Tama. Gipit lang siya kaya ganun. Kaibigan ko siya at hindi niya yun magagawa sa kin. Hindi niya ako maloloko. Bumuntung hininga ako ng malalim. Baka pinilit lang siya o inutusan ng adik daw nyang boyfriend. Wala naman akong alam na may boyfriend si Ara, ah.
Umiling iling ako sa hangin.
Walang trabaho. Walang pera. Kapag wala kang pera. Paano ka hahanap ng trabaho?
Ay!! Leche!!
Patihaya akong nahiga at tumingin sa kisame. Tulala.
Bakit ganito ang nangyayari?! Bakit!?!
Mariin akong pumikit.
Ate. Huminga ako nang malalim.
Nawalan ako ng trabaho. Tinakas ng kaibigan ko ang lahat ng natitira kong pera. Pero buhay pa naman ako. Humihinga pa. Bukas hindi ko alam kung may pambili pa ako ng makakain. Pero sure na makaka-survive pa ko ng ilang araw. Okay lang. Sanay naman tayo sa gutuman. Sanay naman tayo sa tag-hirap. Sana lang, ate, hindi ito magtagal. Sana lang.
*****
NAPAPITLAG AKO ng maramdaman ang pagdikit ng balat ko sa nasasalubong ko sa daan. Lihim akong napangiwi. Halo halong amoy ang sumusuot sa ilong ko. Nakakahilo at nakakasuka sa pakiramdam. Nang pumasok iyong kasama ko sa isang maliit na pinto ay agad akong sumunod. Isang mahaba at masikip na pasilyo iyon na may malamlam na liwanag.
"Kita mo naman, Beth. Kaka-open pa lang ay marami ng tao. So hindi ka pwedeng ma-late dito."
"Okay." Tango ko.
Huminto siya sa tapat ng isang pinto at binuksan iyon. Hinayaan niya akong maunang pumasok.
Tila malaking closet iyon. Napakaraming damit na pambabae na naka-hang sa paligid. Iba ibang kulay at tabas. Karamihan parang mga tinipid sa tela.
"Beth, tatanungin uli kita." Nilingon ko siya. Seryoso niya akong tinitigan sandali. "Seryoso kang gusto mo itong gawin hah. Hindi kita pinipilit."
Ngumiti ako at marahang tumango. "Oo naman Precy. Seryoso ako."
May apat na araw na ang lumipas mula ng matanggal ako sa M.E. at wala pa rin akong mahanap na work. Nakita ko si Precy sa tapat ng isang mall kahapon. Dati ko siyang ka-trabaho sa factory. Nag-offer siya ng trabaho at ito na nga yun.
Hindi nga lang ako sure kung magagawa ko ito ng tama. Pero kailangan kong mabuhay, at kailangan ko ng pera para roon.
"Sige." Tango niya. "Alam ko na first time mo itong gagawin kaya babalaan na kita. Hindi madali dito. Kailangan malakas ang loob at sikmura mo okay."
"Okay." Tango ko.
"S**t! Ang ganda mo pa naman." Iling niya.
Napabuntung hininga ako.
"Ang trabaho mo. Magseserve ka lang. Kapag may nagtanong sa yo i relay mo na lang sa ibang alaga ni Mama Ari. Tip ko sa yo, huwag ka na lang makipag-usap sa mga customer ng matagal."
Tumango tango ako. "Okay."
"Malaki sana ang kikitain mo kung --" napangiwi siya. "Wag na lang. Masyado ka pa kasing inosente sa mga ganung bagay."
"Hindi na naman ako teen, Precy. Nasa tamang edad na rin ako. Naiintindihan ko yung sinasabi mo."
Tumaas ang kilay niya. "So, kung may mag-offer sa yo na i-table ka. Papayag ka? Ganun?"
"Hindi naman." Ngumiti ako. "Tatanungin muna kita kung malaki ba yung mag-tip sa ka-table."
"Loka loka ka!" Natawa siya. "Lahat halos ng customer dito ay mayayaman. Iyong mga alaga ni Mama Ari, mga modelo din iyon. Hindi basta bastang club ito ineng."
"Alam ko." Natawa ako.
"Kailangan mo ba talaga ng pera?"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi."
"Tsk." Matiim siyang tumitig sa akin. "Nahihiwagaan ako sa yo. Kahit noon pa napakasipag mong magtrabaho kahit ano pinapatos mo basta kikita ka. Wala ka namang pamilya. Anong pinag-iipunan mo?"
Umiling ako sa kanya at ngumiti lang.
Iwinave niya pa sa hangin ang kamay. "Anyway. Hindi ka pwedeng magpa-table kahit matandang mayaman na madaling mamatay pa ang magtanong sa yo. Ayoko ding madagdagan ang ka-kompetensya ko sa customer."
"Oi, threatened sya sa akin." Bungisngis ko.
"Pucha! Hindi mo ba alam na maganda ka?! Sige na! Magbihis ka na at start ka na ngayong gabi. Go!"
Nakatawang tumango ako at kumilos para sundin siya.
*****