Page 2

1920 Words
PAGE 2 Sumpa ****** INATUPAG KO lang sa sa isang buong linggo ang pagkumpleto sa requirement ko. As expected, maganda naman ang result ng medical kaya sa sunod na dumating na Lunes ay nakapag-start na ko ng training sa M.E. building bilang maintenance staff - in short janitress. At dahil mababaw ang kaligayahan ko ay sobrang saya ko na nun. Ako lang ang bagong empleyado nang mag-umpisa ako pero meron naman mas nauna lang sa akin nang isang linggo kaya nakahanap agad ako nang makakabond na kaibigan. Si Rosie. Mas matanda si Rosie sa akin ng isang taon. Twenty three na ko at siya naman ay twenty-four. May asawa at anak pero hindi pa sila kasal. Madali ko siyang nakasundo kasi medyo maingay siya at friendly naman akong tao. Tatlong araw akong nasa training. Si Ms. Lilia ang nagtuturo sa akin iyong head supervisor namin. Tinuro niya sa akin ang lahat ng bagay na kailangan kong tandaan. May background naman ako sa household keeping kasi nakapagtrabaho din akong kasambahay ng may ilang buwan. Si Ms. Lilia, sabi ni Rosie, ay matandang dalaga. Sa tingin ko naman pwede pa siyang makahanap ng asawa kung ibaba niya lang yung kilay niya sa tuwing haharap sa mga tauhan. Kidding. Pero, masungit kasi ang mukha niya. Nakaka-alangan na lapitan. Sa totoo lang. Nalagay ako sa unang shift nang work. Umaga iyon hanggang hapon. Kaya may naiiwan pa kong time sa hapon hanggang gabi. Pero mas ngarag pala ang trabaho sa umaga. Nandun kasi iyong dagsa nang tao sa building. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ba sila pabalik balik sa mga floors. Haist. Kapag ganitong nabobored ako pinapanuod at ino-obserbahan ko iyong mga tao sa paligid. Lalo na yung mga babae. Naaaliw ako sa mga damit nilang suot. Wala kasing uniform na sinusunod sa may building. Kung meron man, kami lang yun. Mga maintenance. Pagandahan ng kulay at pabonggahan ng outfit. Para bang laging may event o party. Nagtaka ako kung bakit sila ganun kaya tinanong ko si Rosie isang beses. "Para sa mga boss." Nakangising ani Rosie nang tanungin ko siya. "Bakit? Ayaw ba ng mga boss na mukhang ordinary yung mga empleyado nila?" "Hindi lang naman yun ang dahilan. Umaasa kasi sila na baka makatisod sila ng isa mga apo ni Don Marteo Escaner." "Isa sa mga apo ni Don Marteo?" Kunot noo ko. "Oo. Di mo ba alam? Yung mga apo ni Don Marteo, sobrang ga-gwapo at hot. Grabe! Makalaglag panty lipad sa langit di na babalik, promise." Parang inasinan naman sa kilig si Rosie habang nagkukwento. "Minsan makikita mo silang dumadating dito para mga business meetings. Pinaliwanag sa yo yun ni Ms. Lilia di ba?" "Oo nga." Tango ko. "Sikat ang pamilya nila at iyong mga apo ni Don Marteo tinatawag silang mga Prince Heir. Parang mga modern prince. Ganun." "E di pag babaeng apo, Princess Heir?" Ngiti ko. "Syempre." Tango agad ni Rosie. "Pero dahil mga prinsepe sila kaya maraming nangangarap. Tsk. Sana hindi pa sila taken lahat." Natawa ako. "Kahit may isang hindi pa taken sa kanila eh ikaw naman ang taken na." "Syanga." Dila pa niya. "Pero kung sikat sila sa kagwapuhan sikat din sila sa iisang ugali." "Ano yun?" "Playboy sila. Tsismis nila dito, wala daw tumatagal ng isang linggo sa mga nakakarelasyon nila. Kaya lahat, still, bachelor pa rin. Sa dami ba naman ng girls na nahuhumaling sa kanila ang motto lang nila sa buhay ay select and collect then select again." Mahina na naman akong humagikgik. "Alam mo ang dami kong natutunan sa yo." "O, talaga? Kaya nga magdidikit ka lang sa kin. Sure hindi ka maa-out of date." Nagkatawanan kami. Naalala ko na nagkaroon nang palabas sa TV tungkol sa mga Escaner. Parang Bride Search yun. Pero iyong nanalo na girl parang hindi naman sumikat, wala na akong narinig na balita tungkol sa progress ng relation nila nang First Heir Prince. Sabi nila palabas lang naman daw ang lahat. Sabi nila nainlove daw sa ibang girl yung prinsepe. Sabi nila hindi lang daw talaga meant to be yung nanalo at yung Prince. Sabi nila. Sabi nila. Wala akong ideya kasi busy ako sa pagtatrabaho. May mas mahalaga pa namang bagay na dapat isipin kesa pakeelaman ang lovelife ng iba. Lovelife? Naku, may tamang time para dyan. Darating din yan kung darating. Kapag hindi dumating, e di, hindi. Mahilig akong manuod ng mga telenobela lalo na Koreanobela. Naku! Lahat na ng frustration ko sa love nakita ko na sa TV. Pero hindi ko pa nararanasan na ma-inlove ng husto. May mga naging BF ako pero for days lang at parang wala lang. Salita lang ba. Hanggang hold hands lang saka bata pa ko nun. Nasa eighteen o nineteen ako nun. Parang trial lang ba. Lahat hindi nagwork. Ngumiti ako sa sarili. Buti na lang at hindi nag-work yung mga relasyong yun. Siguro kung nag-invest ako nang mas malalim na feelings sa ganung edad baka tulad na rin ako ni Rosie ngayon. Saka, maaga akong nabanat sa pagtatrabaho. Mas iyon ang inatupag ko. Para sa isang tao. Ting! Napaangat ang tingin ko nang marinig na tumunog iyong elevator. Dahan dahan pa iyong bumukas sa harap ko. Nasa lobby pa ko nun at magtatanghali na ang oras. May isang department pa ako na lilinisin at gusto ko na matapos muna iyon bago ako magtanghalian. Marahan kong itinulak iyong cart na gamit ko papasok ng elevator. Sasarado na sana iyong pinto nang biglang may taong mabilis na sumulpot sa tapat niyon at muling pinindot iyong pang-open na button kaya hindi agad sumara. Pumasok iyong tao at agad nahulog ang tingin ko sa may sahig ng elevator. Kumunot noo ako. Madumi. As in maputik iyong sapatos nung taong kasabay ko ngayon sa elevator na nag-iwan iyon ng marka sa sahig. Tsk. Tinignan ko ang mukha nang kasabay ko sa elevator at lakas loob na nagsalita. "Excuse me?" Magalang pa rin akong nagsalita. Nilingon ako nito at matiim na tinitigan. Medyo natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Maganda ang mga mata niya. Itim na mapupungay at expressive. Kumurap siya at nakita ko iyong mahahaba niyang pilikmata, napasinghap ako ng lihim. Gosh! Ganda ng mga mata. Sarap dukutin. "Ano yun Miss?" Bahadya akong napamaang bago nakaimik. "Ahmm... i-iyong sapatos niyo ho. Madumi." Agad naman itong nagbaba ng tingin at sinipat ang suot na sapatos. Nakaputing polo shirt ito, iyong may makapal na tela. Then nakatuck in sa sa suot na puting short na hanggang tuhod, yung sapatos niya ay sport shoes na isang sikat na brand ang tatak. Hindi ako nakakakilala ng original sa fake. "Oh, i'm sorry." Anito at nang mag-angat ng tingin sa akin ay ngumiti. Para naman akong natulala sa hangin sa ganda ng ngiti niya. Pero bakit parang may kakaiba sa ngiti niya? "Madumi nga. Maulan kasi sa labas. Well, since nakita mo na rin na madumi. Pakilinis na lang. Salamat." Pagkawika niya nun ay biglang bumukas iyong elevator at lumabas na ito. Bahadyang nakaawang ang mga labing sinundan ko ito ng tingin. Nawala lang ito sa paningin ko nang sumara na uli iyong elevator. Yung reaction ko. "E, di Wow!" Buga ko ng hangin. "Preskong presko hah! Buti na lang gwapo. Hmf." Napaismid na lang ako sa inis. Ngayon ko lang naisip? Boss ko ba yun? Bakit niya ko inutusan ng ganun? Tsk. Buntung hininga ko uli. "Buti na lang talaga may paki at salamat s'ya, kundi, hmf." Bago ako lumabas ng elevator ay kinusa ko ng linisin iyong iniwang dumi nung kunsinuman na lalake iyon. Naiisip ko pa rin yung maganda niyang mga mata saka iyong ngiti niya. Tsk. Ang ganda talaga nun. Mahirap ibalewala na lang. Naging busy na rin ako pagkaraan. ***** IYONG UNANG pagkikita namin nang preskong lalake na yun, hindi na yun naulit. Ewan ko ba. Sa mga sumunod na araw ay parang hinahanap hanap ko ang mga matang iyon. Pero sa paglipas ng mga araw ay nakalimutan ko na rin. Naging busy ako sa pagtatrabaho. Pagkatapos kasi nang shift ko ay nagkakuha pa ako nang isa pang trabaho na sa bahay lang. Extra income iyon. Sa sunod na buwan ay nagbago iyong shift namin at napunta naman ako sa second shift. Ganun ang naging takbo ng araw araw ko. Paulit ulit. Medyo na kakabored at nakakasawa pero okay lang din. Ganun talaga. "Uy, narinig niyo ba yung bagong tsismis?" Nasa cafeteria kami ng oras na iyon. Break time namin. Nagkaayaan kasi kami ni Rosie na magsabay ng break time ngayon. Hindi kami ni Rosie iyong nag-uusap kundi iyong kasamahan din namin na nasa parehong table na kinauupuan namin. "Anong tsismis?" Anang kausap nito na mapayat na babaeng may mahabang leeg. "Hindi daw tuloy yung engagement ni Sir Dennis dun sa babaeng taga-magazine. Yung nali-link sa kanya." "O, bakit naman daw?" Oo. Oo. Bakit? Yung isang tenga ko ay nakatutok sa usapan nila. Hindi man ako nagsasalita. "Sabi mas pinili daw nung babae yung career niya. Ayun, nangibang bansa. Akalain mo yun? Sir Dennis na ang papakasalan pinakawalan pa." "O, baka naman ayaw talagang magpakasal." Anang mapayat at bahadyang natawa pa. "Siguro hindi talaga para sa isa't isa." "Baka nga." "Hindi kaya totoo yung sabi sabi nila?" "O, anung sabi sabi naman yan?!" Biglang react ni Rosie. Hindi na nakatiis na hindi maki-sali sa usapan. Muntik ko na ngang mabuga iyong nginunguya kong waffle dahil bigla siyang nagsalita. Gulat na nilingon kami nung dalawang tsismosa. "O, nakikinig kayo?" "Kung ayaw niyong mag-share ng info wag nyong lakasan ang usapan niyo." Pagalit na wika ni Rosie. "Pero di nga? Ano yung sabi sabi na yun?" Isa din palang tsismosa. Lihim akong natawa. "Ah, yun ba? Bulong bulungan lang naman nila dito na may sumpa daw yun si Sir Dennis." "Sumpa?!!" Sabay naming react ni Rosie. "O, nakikinig ka din?" Puna sa kin nung mapayat na babae. "May tenga kasi ako." Ngisi ko at nag peace sign. "Well, anyway." Anang tsismosa number one. "Anyway, segway? Anong sumpa yun?" Si Rosie. Medyo atat sa naririnig. "Yung sumpa daw." Sumenyas ito sa min na medyo lumapit. Medyo hininaan niya ang boses niya. "Kapag daw hindi pa nakasal si Sir Dennis ng pagtungtong niya ng thirty, hindi na din daw makakapag-asawa yung ibang mga Prince Heir." "Hah?!" React ko. "O hindi sumpa yun!" Malakas na wika ni Rosie na may kasama pang hampas ng kamay sa mesa. Nagulat nga ako sa kanya pati iyong nga kashare namin sa mesa. "Blessing kaya yun." Nakangising ani Rosie. "Panu naging blessing yun?" Nagtataka kong tanong. "E, di ibig sabihin forever nang single ang Papa Andrew ko. Yes! May chance na ko." Tuwang tuwa aniya. "BALIW!" Nakatawang ani ko sa kanya. Natawa lang din iyong nga kasama namin sa ideya na yun ni Rosie. Biro biro lang naman yun syempre. Baliw lang ang peg. Natuwa pa talaga sa ideyang iyon. Waley talaga mag-isip kung kababawan lang din naman. Naiiling ako habang nag-uusap pa sila. Ang topic lang nila syempre iyong mga Escaner Heir. Wala pa kong nakikilala isa man sa mga Escaner Heir. Iyong crush ni Rosie na si Sir Andrew, sa malayo ko pa lang yun natanaw. Minsan lang. Konting hagip ng paningin lang. Naalala ko tuloy yung gwapong nakasabay ko sa elevator. Escaner Heir din kaya yun? Ewan. Malay ko ba. Kung mangyari man ang sumpa na sinasabi nila. Masamang pangitain ba yun? Pero imposible naman na mangyari iyon. Sa panahon ba naman ngayon. In modern times na ang makahanap ng asawa ay isang click away na lang, maniniwala pa ba ako sa sumpa. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD