Page 3

2202 Words
Page 3 Mula Ngayon ************** NALATE AKO ng gising nang araw na iyon. Pero hindi naman ako nalate sa work. Hindi na nga lang ako nakapag-almusal o kahit kape man lang. 6 AM kasi ang duty ko ngayong buong linggo. Last week ay nasa second shift pa ko kaya may hang-over pa ko sa pagtanghaling gisingan. Nang matapos akong maglinis sa unang floor na assigned sa akin ay namataan ko ang isang lalake na nakatayo sa tapat ng isang coffee machine na sadyang inilagay sa part na yun ng building para sa mga empleyado. Iyong tig-five pesos na kape. Magkakape muna ako. Hindi naman bawal kaya lumapit ako dun at hinintay na matapos kumuha ng kape iyong lalake na nakatayo dun. Minasdan ko ito habang nakatalikod mula sa akin. Matangkad. Clean cut ang hair. Maayos at malinis ang suot nitong kulay light pink na long sleeve polo. Faded blue jeans at black leather suit. At grabe! Parang ang bango bango niyang tignan. Tsk. Pogi ng likod. Anu kaya kapag humarap na? May ilang sandali ata akong nakatayo sa likod niya. Napakunot noo na ko kasi parang antagal naman niyang kumuha ng kape. Marami ba syang kinukuha? Marahan akong humakbang at tumabi rito. Nakatingin ako dun sa may coffee machine. "Anyare?" Nilingon ko iyong guy sa tabi ko at nasalubong ang nagtataka rin nitong tingin sa akin. May saglit yata akong natigilan kasi... Grabe! Pogi nga siya talaga! Maputi. Makinis. Matangos ang ilong. Manipis ang pink na lips. Iyong mga mata niya, pasingkit na mapupungay. Kumabog ang puso ko sa kaba. "Paano ba?" Aniya. Biglang balik sa ulirat iyong natulala kong isip. "Hah?!" Tsk. Kaya pala ang antagal niyang nakatayo sa harap. Hindi niya pala alam kung paano. Aww... shocks! Buti na lang gwapo. "Ahh..." muntik na kong matawa pero pinigilan ko na lang. Baka ma-offend siya eh. "Ganito kasi. Naghulog ka na ba ng barya?" Umiling ito. "Hindi pa." "Akin na five pesos mo." Nang iabot niya iyong barya ay inilagay ko naman iyon sa may coin slot sa may machine. "Parang sa arcade lang toh. You make hulog the coin and then pindot the coffee button tapos yun na yun!" Nakangising paliwanag ko. "Get it?" "Saan manggagaling yung baso?" "Nasa loob na." Saglit lang at okay na yung kape. Talino talaga ng mga tao, naimbento nila ito. "Wow. Thanks hah." Nakangiting nilingon ko iyong poging guy. "Maliit na bagay." "Ngayon ko lang kasi na-try. Ganun lang pala. Well, anyway. Salamat." Ngumiti siya sa akin. Feeling ko nahihipnotize ako sa ngiti niya. Sobrang ganda. Baby face pa sya at ang bango niya infairness. Kinikilig ako, ang aga aga pa. "You work here?" Sinimulan niyang maingat na simsimin iyong hawak niya na kape. Dalawang kamay ang pagkakahawak niya nun kasi mainit. "O-oo." Lumunok ako at naglabas ng barya para kumuha ng kape para sa sarili ko. "May i?" Aniya na ikinapalingon ko. Inilahad niya ang kamay sa akin at ngumiti uli. Shocks! Qouta sa smile. "Si-sige." Ngumiti ako kahit pilit. "Tignan ko kung natuto ka." "Lets see." Walang sound na tawa niya. Katulad ng ginawa ko kanina, nagawa niya yun ng tama. Inabot niya sa akin iyong mainit na kape at ngumiti. "Okay ba?" "Galing hah." Natawa ako. "Fast learner." Aniya. "Hindi kasi ganito iyong machine na alam kung gamitin kaya nanibago ako." "Ahh..." bahadya akong napapilig ng ulo. "Well, atleast alam mo na ngayon, kaya sa susunod." "Yeah. Salamat." Mataman niya kong tinignan. "Pwede ko bang malaman ang name mo?" "Ah! Bethel." Pinakita ko pa iyong maliit kong name plate. "Nice name. Sound very holy." Ngisi nito. "Haha.. salamat." "Buti na lang at dumating ka. Kung hindi siguro malamang hindi ako nakakape. Anyway, mauna na kong umalis?" "Sige lang." Tango ko. Tumalikod na ito at humakbang ng ilang beses bago huminto at tumingin uli sa akin. "Thanks for assisting me. Kung may maitutulong ako sa yo in the future. Don't hesitate, you can just look for me." Tumango lang ako bilang tugon. E, di wow! Ngumiti ako sa kaisipang makikita ko pa sya uli. Ang cute niya kasi saka mukhang mabait. Sandali. Natigilan ako. Look for him daw pero hindi naman niya sinabi ang pangalan niya o kung saang department ko siya makikita. Napapilig ako ng ulo. Ayy! Tanga lang Bethel. So malamang na hindi ko na rin siya uli makita. Nice. Dalawang pogi na yung nakita ko sa napakalaking building na ito pero parehong hindi ko nalaman ang name nila. Nice. Sana kahit isa sa kanila ay malaman ko ang pangalan. Si Mr. Elevator o si Mr. Coffee. ***** KATULAD NGA ng inaasahan ko. Hindi ko na nakita yung gwapong mahilig sa kape. Lumipas kasi ang isang linggo at nag-ikot na naman ang schedule ko at hindi ko na siya nakita. Wala naman akong mapagtanungan kung saan ko siya pwedeng makita since hindi ko alam ang pangalan niya o kung saan department siya naka-assign. Haist. Siguro. Fate na ang gagawa ng way. "Good afternoon po Ma'm." Nakangiting bati ko kay Ma'm ng ipinatawag niya ako sa office ng hapon na yun. Past five na nun. Hanggang gabi kasi ang shift ko. Nagsisiuwian na yung mga empleyado. "Good afternoon Beth. Mukhang masaya ka?" Agad na puna sa kin ni Ma'm Lilia. "Ganito po talaga ako Ma'm. Masayahin." Well, lagi naman. "Maganda yan kasi may ipapalinis ako sa yo. Nag-absent kasi iyong isang janitress kaya ikaw na muna ang gumawa sa assigned sa kanya." Nagbaba na ito ng tingin sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa nito. "Ah, sige po. Saan po ba?" "Top floor." Nabigla ako sa narinig. Top floor? Management floor yun. Floor nang mga boss. Biglang nag-angat ng tingin si Ma'm Lilia at naabutan iyong alanganin kong mukha. "Problem?" "Wala po." Mabilis kong iling at ngumiti ng pilit. "Sige po. Pupunta na po ako dun." Tumalikod na ko at napangiwi ng lihim. Ayoko man sabihin pero kinakabahan ako na maka-meet ng sino mang Boss ng kumpanya. Baka kasi magkamali ako at mapagalitan. Tapos deretso "FIRED" na agad. Katakot. Di ba may ganun sa mga drama. Iyong mga matapobreng mayayaman na akala ay pag-mamay-ari ang mundo. Ganun sila makaasta. Nang malapit na ko sa may pinto ay biglang tinawag ako ni Ma'm Lilia. "Beth, syangapala." Agad akong lumingon na nagtataka. "Yes po Ma'm?" "Kumatok ka muna sa mga pinto bago ka pumasok. Amm... maghintay ka ng one minute before ka pumasok or unless papasukin ka na." "Ho?!" "Just do what i say." Aniya sabay senyas na pwede na kong lumabas at muling nagpakabusy. Parang nagtaboy lang ng langaw. Attitude din tong si Ms. Lilia paminsan minsan eh. Kumunot ang noo ko. Para saan kaya yun? Kahit nagtataka ay nagkibit balikat na lang ako. May makikita ba kong kakaiba sa floor na yun? Sus! Sana po hindi ko makita si King Kupa sa top floor. Baka maubos ang life ko at ma-game over pa ko. Sabay iling. Top floor o management floor. Yun ang tawag nila Ma'm Lilia sa floor kung saan ang office nang mga big boss. I mean, yung office ng President at Vice President ng building. Sabi nila, hindi na naman daw madalas na dumating iyong President ng M.E.GC. Ang madalas daw dito ay iyong kaniyang Vice-President na tumatayong Chief Officer din ng bung M.E. building. Since may edad na rin naman si Don Marteo Escaner kaya ipinapaubaya na niya sa mga successor niya ang kumpanya. Haist. Kung sa usaping Management medyo nakalimutan ko na ang mga napag-aralan ko. Nang tumunog iyong elevator at bumukas sa pakay ko na floor ay agad kong tinulak iyong cart ko papalabas. Natigilan pa ako. Bumungad sa akin ang katahimikan ng maluwang na lobby. Walang people. Uwian na nga kasi. Maganda yun kasi makakapaglinis na ko ng tahimik. Tinulak ko pa yung cart ko papasok sa unang malaking open door sa kanan ng hall. Nakita ko iyong empty na mesa sa gilid. Mukhang nakauwi na nga ang mga tao dito. Buti na lang. Lumapit ako sa may pinto at humawak sa knob noon. Pipihitin ko na sana pabukas kaya lang natigilan naman ako sabay atras ng kamay. "Sabi ni Ma'm Lilia. Kumatok daw muna ako. Eh, wala na namang tao dito. Kakatok pa rin ba ko?" Napapilig ako ng ulo. "Pero hindi naman sasabihin ni Ma'm Lilia iyon ng walang dahilan, di ba? Oo nga naman." Tanong ko sagot ko. Bumaling uli ako sa pinto. Nagdasal na sana wala nga sa loob si King Kupa. Kumatok ako. Tatlong beses. Nagbilang ng animnapung tupa. One. Two. Three. Basta, animnapu. Huminga ako ng malalim ako pinihit iyong knob ng pinto pabukas. Muntik pa kong masubsob kasi biglang may humila nun papasok. "Ayy!" React ko at napapitlag sa kinatatayuan. Nagsalubong ang tingin namin ng babaeng papalabas ng office. Pero bago pa man ako makareact ay agad na itong umalis sa harap ko at lakad takbong umalis. WTH?! Eh, keye nemen pele me genen na bebele si Mem Lilia. Sinundan ko ng tingin iyong babae. Formal naman ang suot nito, tipikal dress ng isang office girl pero medyo sopistikada ang dating. Magulo gulo nga lang ang buhok niya at medyo nalukot yung suot niyang puting blouse. Pagsilip ko sa loob nang office ay nakita ko ang isang matangkad na lalakeng nakatayo at nakasandal sa malaking office table sa gitnang dulo ng silid. Nakayuko ito ng ulo kaya medyo natatabingan ng medyo mahaba nitong buhok iyong mukha niya. Tahimik nitong ibinubutones iyong bukas nitong puting polo shirt. Tsk. "Maintenance po Sir." Magalang ang medyo mababang boses ko. Nag-angat ito ng tingin. Hinawi ang buhok at bangs na tamatakip sa kanyang mukha. Mabilis kong nasalubong iyong malalim nitong titig. Napasinghap ako. Omygosh! Those black, deep expressive eyes. Akala ko hindi ko na uli iyon masisilayan forever. Napalunok ako habang nakatitig sa mga magaganda nitong mata. Namiss ko yung mga matang iyon. Tumikhim siya't pinagsalubungan ako ng mga kilay. "You can start your work." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napahiya ako at hindi ko napigilan ang magblush. "Ah-- ah. Sige po." Marahan kong itinulak muli iyong cart ko. Ingat na ingat pa ako na makagawa ng ingay pero iyong cart ko, maingay ng sadya eh. Lihim akong napapiksi sa sarili ko. "You didn't see anything." Napahinto ako at lumingon nang magsalita iyong lalake. Nanlaki pa ang mga mata ko. "Ho?" Nag-angat siya ng tingin at matiim akong tinitigan. Blank ang expression niya. Walang wala akong nababasa. Huminga ako ng malalim at naisip kung ano yung sinasabi niya. "Ahh..." Tsk. "Wala po akong nakita." Ngumiti ako. "Good." Tango niya at humalukipkip. Muli akong lihim na napasinghap. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa mga mata niya kahit malayo naman siya sa kin. Bakit parang natutunaw pa rin ako? Kinikilabutan ako na hindi ko maipaliwanag. Kinakabahan ako na pinanlalamigan ng pakiramdam. Bukas ba ng malakas iyong aircon niya? Pero bakit parang pinapapawisan pa rin ako? "So?" Ipinilig niya ang ulo niya pakanan. Feeling ko ako pa ang may kasalanan. Iyong feeling na nasa loob ka ng isang silid at ini-interogate sa kasalanang wala ka namang alam. "So?" Tumikhim siya. "Ah!" Pilit akong ngumiti. Yung ngiti ko nagmukha lang na ngiwi. Napangiwi ako. Okay. Fine. "Wala akong nakita. Wala akong narinig. Wala akong sasabihin." Bulag, bingi at pipi. Sino nga ba ang lalakeng ito? "Very well said." Tumayo na siya ng deretso at ipinamulsa ang kanyang mga kamay. "Keep it up." Aniya at humakbang na papunta sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis. Nakatanga lang ako dun ng ilang sandali. Tss. Lahat ba ng boss dito ay may mga attitude? Ang hihirap espelingin. Napapout ako. Marahan akong lumapit sa may office desk na pinagsasadalan ng lalake kanina. Binasa ko iyong nakalagay doon. Marcus Kendrick E. Bernales. Chief Operating Officer. So?! Chief Operating Officer pala siya ng kumpanya. Napatango tango ako at humalukipkip. "At presidente naman siya ng mga babaero. Hmf! Mayabang na antipatiko pa. Ikaw na ang lahat. Nasa yo na ang lahat." Sabay ismid sa kawalan. Umiling ako. "Aisht! Wapakels." Sayang yung napakaganda niyang mga mata. Gandang ganda pa naman ako dun pero mukhang nagagamit lang sa hindi naman kagandahan. Tsk. Aisht! Ayoko na ngang mag-isip. Naba-badtrip lang ako. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilinis. Wish ko lang na sana ay hindi na um-absent bukas yung maintenance na naka-assign dito. Promise. Ayoko dito. Bukod sa napakalaki ng space na dapat kong linisin nakakainis pa yung tumatao dito. Hmf. Aisht. Sana lang yung mga mata niya, binigay na lang yun sa mas may kailangan. Trip na trip ko talaga ang mga mata niya. ***** AT DAHIL malakas ako kay Papa God. "Ho?!" Gulat na gulat kong reaksyon. "A-akala ko po nandyan na yung naka-assign sa top floor? Bakit po--?" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. "Nagrereklamo ka ba Bethel?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Ma'm Lilia. "Hi-hindi na man po sa ganun." Pero parang ganun na rin. Napangiwi ako. Si Ma'm Lilia talaga ang lakas mantrip. Sana nga nati-trip lang siya. "Umakyat ka na sa taas dahil hinihintay ka ni Mr. Bernales. Mula ngayon ikaw na ang assigned sa top floor." Walang anumang wika ni Ma'm Lilia. Mula ngayon? Panu Ma'm kung ayaw ko dun? Frown. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD