Page 4

1850 Words
PAGE 4 Coffee ****** HINDI KO alam kung anong klase ng reaksyon sa mukha ang ipapakita ko ngayon. Dapat ba natutuwa o hindi. O kaswal lang. O, kaswal lang. Tumango tango ako habang nasa loob ng elevator at paakyat na sa top floor. Kaswal lang Bethel. Trabaho lang ito. Wag kang praning. Sana naman ay wala na naman akong maabutang milagrong kaganapan sa office na yun. Haist. Baka masalubong ko na naman iyong girl na nakita ko kahapon. Speaking of that girl. Kanina lang ay nakita ko pa siya sa may lobby ng building. May mga kasabay siyang katrabaho yata. Sa tingin ko ay empleyado siya sa isa sa mga department ng kumpanya. Tama ba yun? Ang alam ko kasi bawal ang affair sa loob ng isang kumpanya. Hindi ba alam nung girl yun? Kunsabagay. Kung sa boss ka naman a-affair pwede na rin kahit mali. Napailing ako. Bakit naman kasi kailangan nilang gawing komplikado ang mga buhay nila. Simple lang naman ang mabuhay. You breath. That's all. Bumukas na iyong elevator at bumungad sa akin iyong maluwang na lobby. Mas maaliwalas ngayon kasi katatapos pa lang ng tanghalian. Hindi katulad kahapon ay may naabutan na akong nakaupo sa may office table sa may labas ng main office ng COO. (Chief Operating Officer) "Ma'm good morning po. Maintenance po." Nakangiti at masaya kong bati dun sa may secretary. Mabilis itong nag-angat ng tingin mula sa ginagawa at sinipat ako ng tingin. Sa tingin ko ay nasa 25 years old pataas na si Ms. Secretary. Matangkad siya at maganda ang katawan. Pahaba ang mukha at masingkit ang mga mata. Pero ang higit na nakaagaw ng pansin ko ay iyong suot niyang choker. Hindi lang yata ako sanay na makakita ng may suot noon. "Bagong maintenance?" Anito at umarko ang mga kilay. "Yes po Ma'm. Dito po ako na-assign." Ngumiti ako. Muli niya akong sinipat ng tingin mula ulo hanggang sapatos tapos ay pabalik. Tapos ay umismid siya. Problema nito?! "Pasok ka muna sa loob. Kakausapin ka ni Sir." Anito at iginiya na ko papunta sa pinto ng office ng COO. Kakausapin pa ko? Why?! Binuksan nung secretary yung pinto at naunang pumasok bago ako. Katulad kahapon, ganun pa rin naman ang office ng COO. Formal, maaliwalas at organized. Kahapon hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa napakasinop na pagkakaayos ng mga gamit sa loob ng office na ito. Feeling ko nga hindi na kailangan na maglinis kasi parang lagi namang malinis dun. Saka bukod sa light ambience, simple lang talaga ang ayos nito. Though mas malaki yung kabilang office. Iyong office ng CEO. Pero ganun pa rin. "Sir, nandito na po yung bagong maintenance." Narinig kong wika ng secretary. Napalingon ako dito saglit tapos ay napatingin na ko sa kinauupuan ni Mr. Bernales. Si Marcus Kendrick E. Bernales. Kinabisado ko talaga ang name niya. "Good afternoon po Sir." Attentive kong bati. Tinignan ko ito habang tahimik na nakatuon ang atensyon sa mga papel na nasa mesa nito. Marahan itong nag-angat ng tingin at ginalaw ng kaunti iyong suot na salamin. Nagsasalamin siya. Hul! Malabo na ba ang maganda niyang mga mata? "Okay Ms. Torres. You may leave us." "Yes po." Tango nung secretary. Lumingon ito sa akin at isinenyas na maari na akong lumapit sa may desk ni Sir Bernales. Tumango ako and then lumabas na din ito. Marahan akong humakbang papalapit sa pwesto ni Sir Bernales. Lihim akong lumunok para palisin iyong kabang nadarama ko. "Please sit down." Aniya at iminuwestra ng kamay iyong upuan sa harapan ng kanyang office desk. Agad naman akong tumalima. Urong sulong iyong mga kamay ko. Ilalagay ko sa gilid tapos sa kandungan ko then sa huli ay pinagsiklop ko iyon at pinatong sa lap ko. Kinakabahan ako. Napapitlag ako nang makitang ibinababa na niya iyong ballpen na nasa kaliwang kamay tapos ay tumingin na sa akin. "Ilang buwan ka nang nagta-trabaho dito, Miss --" bumaba ang tingin niya sa tapat ng dibdib ko kung saan naka-pin iyong aking name plate. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi ko at napalunok. "Bethel po." Mabilis kong dugtong para rin paalisin iyong kabang humahalukay sa sikmura ko. "Bethel Rose del Rosario po." Ngumiti ako. Umarko ang kilay niya. Hinubad niya iyong suot na salamin, inlapag iyon sa mesa at sumandal sa kanyang swivel chair. Pinagsiklop niya ang kanyang mahahabang mga daliri sa tapat ng kanyang tiyan. "Sounds very holy. Hindi mo naman siguro balak dasalan ang opisina ko di ba?" Seryoso ba siya? Natawa ako ng mahina. "Hindi po Sir. Hindi po ako Shaman, mangkukulam o anu pa man. Religious lang po siguro yung mga magulang ko kaya yun ang ipinangalan sa akin." "Siguro? Hindi ka sure?" Natigilan naman ako sandali. "Medyo po." Pilit akong ngumiti. "Pero kayo din naman po, yung pangalan niyo po Bible name din." "Yeah." Tango niya. Gumalaw siya sa pagkakaupo at ipinatong ang mga kamay sa may mesa niya uli. "Then lets talk about work here." Tumango ako at sumeryoso na uli. Nagsimula ng manginig ang mga kamay ko. Eotoeke? "You'll be assigned here, Ms. Del Rosario and beside from doing your job i want you to follow simple rules to make our working relationship easy." Tumango ako. "Tatlo lang naman ang rules ko dito." Huminga ako at tumitig sa mga mata nitong nakatitig din sa akin. "Una. Anumang marinig o makita mo sa loob ng opisinang ito ay mananatili lamang dito. It's important for me to keep privacy. We don't want our company name to be drag into senseless controversy. Do you get it?" Tumango uli ako. Ayaw niya lang na may makaalam na nagdadala siya ng babae niya dito sa office. Nice. I get it. Get it. "Alam ko po Sir." "Good. Second. Never ask unless it is work related. If meron kang tanong you may ask your supervisor. But never interfere at any business you're not related." Si Sir naman. Alam ko na yun. Mukha po ba kong pakelamera. Mukha lang akong pakelamera pero hindi. "Yes po Sir." "And lastly." Hinintay ko talaga yun. Alam ko na kapag last iyon ang pinaka mahalaga sa lahat. "Never fall in love with me." Awtomikong bumagsak ang panga ko. Napamaang ako. Hah? "I'm giving you an advance warning here Ms. Del Rosario. It's for your own sake." Hindi ako nagsalita agad. Hindi ako prepared eh. Grabe. Napaka-confident naman niya sa sarili. "Naiintindihan mo naman siguro lahat ng sinabi ko?" Bigla akong natauhan. "Opo." Tumango ako ng mabilis. "Syempre po naintindihan ko." Tumango tango pa ko ng ulo. Sa totoo lang na-shocked ako sa sinabi niya. "Promise susundin ko po ang mga rules niyo." "Hindi mo naman kailangan sundin." Gulat. "Hah?" "I want you to do it. Gawin mo." Napalunok ako. ***** SO FIXED na yung schedule ko. Officially ay sa top floor na ang assigned sa akin. Parang malas na swerte. Bumuntung hininga ako. "Hello po Ms. Torres." Nakangiting bati ko sa secretary ni Mr. Bernales ng araw na yun. Marahan akong tumayo sa tapat ng desk niya. "May ka-meeting pa si Sir. Mamaya ka na maglinis sa loob." Aniya na sinulyapan lang ako tapos ay bumalik na yung mga mata sa kanyang ginagawa. "Ahh... okay po. Maghihintay po ako dito." "Sige. Aalis na rin naman ako." Napatingin ako sa oras sa cellphone sa bulsa ko. Lampas. Uwian na pala. "'Kala ko po OT kayo." Nakatitig ako sa choker niya. Napansin ko lang naman na hindi araw araw siyang nakasuot nun pero parang every other day lang. "Ayaw ni Sir ng nag-O-OT." Tumayo na ito at kinuha ang personal na bag. Tumingin siya sa akin at nahuli ako na nakatitig. "Bakit?" "Hah?!" Napapitlag ako. "Ah. Wala. Pansin ko lang po ang ganda ng choker niyo. By-by araw po ba ang kulay niyan?" Nasamid pa ko. Nakita kong napamaang si Ms. Torres. Bakit? Bigla itong natawa ng pagak. "Bethel. Wala kang boyfriend?" "Wala po." Iling ko. "Magboyfriend ka muna saka ko sasabihin." Tapos umalis na siya sa pwesto niya na tatawa tawa. Sinundan ko ito ng tingin habang papalayo. "Hala? Anong problema nun? Nagtatanong lang kung ano na sinabi?! Hmf." Bulong ko sa sarili. Ilang sandali lang ay biglang bumukas iyong pinto ng office ni Mr. Bernales. Gulat akong napalingon at nakita na lumabas doon si Mr. Bernales mismo. "Sir?!" Napatayo ako ng deretso. "Oh, good, you're there. Can you get me some coffee for three? Thanks." Mabilis niyang wika. Hindi na ko nakareact kasi pumasok uli agad siya sa office. Nalaglag ang balikat ko. Coffee for three? Nagpunta ako sa may maliit na pantry na nasa floor din na iyon. Isa iyon sa nililinis ko pero wala akong pinapakeelaman na anuman. Alam ko na dito naggagawa ng kape si Ms. Torres pero --- "Hindi ako marunong." Napa-simangot ako sa sarili ko. Ayy bobo lang. Nasa tapat ako ng coffee machine na naroon at nakatulala. Eh, hindi ko naman alam kung paano gamitin iyon. Baka mamaya makasira pa ako at magbayad pa ko ng malaki. Napahinga ako ng malalim. Magtanong kaya ako. Ehh... bawal nga daw eh. Panu? Nakauwi na si Ma'm Lilia. Pout lips uli. Biglang may sumagi sa utak ko. Ahh... alam ko na. Lumabas ako ng pantry at tumungo sa elevator. Alam ko na kung saan ako kukuha ng kape. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik na ko sa tapat ng office ni Mr. Bernales. Bitbit ang isang tray. Kumatok ako sa pinto at may narinig akong nagsalita ng 'come in'. Gamit ang isang kamay ay pinihit ko yung knob ng pinto at itinulak ko ng nakatalikod iyon pabukas. "Coffee po." Nakayuko pa ko ng mukha. Nahihiya akong mag-angat ng tingin eh. Lumapit ako sa may coffee table na naroon at inilapag ang dala ko. Naka-ayos ng pa-U iyong mga upuan na sofa at sa sulok ng mga mata ko ay alam ko na may dalawang tao pa na nakaupo dun. "WHAT IS THAT?" Biglang umalingawngaw sa buong silid iyong boses ni Sir Bernales. Napapitlag ako sa kinatatayuan ko agad na kumabog ang dibdib. Kumabog dahil sa kaba. Namutla ako at lumunok bago nag-angat ng tingin para tignan si Sir Bernales. "Ka-kape po." Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita. Pinanlalamigan ako ng mga kamay lalo na ng magsalubong ang mga mata namin. Gosh. Para niya akong papatayin. "Where did you get that?" Nakita ko yung napakadilim na mukha ni Sir. Galit siya. Dahil sa kape. Lunok. "Sa anu po --" "Gusto ko tong coffee na toh." Anang isang boses. Gulat akong napa-bali ng tingin kay Sir Bernales. Napatingin ako dun sa nagsalita. Nakaupo ito sa sofa, sa kaliwang side ko. Minasdan ko siyang kinuha iyong maliit na baso ng kapeng dala ko. "Hups. Mainit pa ah." Hindi nito tinuloy iyong pag-angat ng baso at nakangiti na tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "Oh?! Ikaw?" Gulat kong bulalas. Natawa ito sa akin. "O, ako nga. At ikaw pala yan." "You know each other?" Boses ni Sir Bernales. Napatingin uli ako. "Yah. Nakilala ko si Bethel because of the same coffee here." Sagot nung lalake. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. Si Mr. Coffee. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD