PAGE 5
Crush mo
**********
NAGALIT SI Sir Marcus dahil sa kape. Grabe. Napaka-init ng ulo nito. Lihim akong sumimangot sa sarili dahil dun. OA lang. Pero mas nabigla pa ako ng makita si Mr. Coffee na nasa office ni Sir. Bakit nandito siya?
Ibig sabihin.
"You drink that kind of coffee Henry?" Tila nandidiri naman yung tono ni Sir Marcus.
"Yah. Once." Tumawa si Mr. Coffee at napakamot sa batok. "I just tried it. Curious eh. Pero okay naman. Mineral water naman ang gamit dito."
"It's okay Marcus." Tumingin sa akin yung isa pa sa lalakeng kasama nila. Nakaupo naman ito sa ka-opposite na pwesto ni Mr. Coffee. Maputi ito at may mapangang facial features. "Miss, okay lang. But i like my coffee brewed. Sana ganun next time."
Bahadyang napaawang ang labi ko sa kabiglaan. Next time. As if naman may next time pa.
"Pero gusto ko pa rin ng kape ngayon." Dugtong nito bigla at ngumisi papunta ang tingin kay Henry.
Napapout ng labi si Mr. Coffee. Grabe ang cute niya sa ginawa niyang iyon. "Sige na. Ako na lang ang gagawa. Hindi na lang sabihin ng deretso." Anito at tumayo.
Tumawa iyong lalake. "Haha... nahalata mo. I like your coffee pwede ka sigurong magbukas ng branch sa area ko. Para hindi na ko dadayo pa rito."
"Talking nuts! Buti sana kung inaaprobahan mo eh sa dami ng proposal ko sa yo wala kang pinirmahan. You jerk!" Lumapit sa akin si Mr. Coffee at nakangiti akong tinitigan. Natutulala pa kasi ako. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila eh. Sayang hindi nila nakalimutang nandito pa ako. "Tara. Turuan naman kita ngayon."
Nahimasmasan ako nang marinig ang malambing nitong boses. Napatingin ako dito at kumurap ng mga mata. Kinilabutan ako at nag-blush.
"For God's sake! Not in my office Henry!" Iritadong tono ni Sir Marcus.
Tumingin ako rito at nakita ang hindi na maipintang mukha nito. Galit siya. Galit na galit. Dahil sa kape?
"What? I'm doing nothing." Nakatawang sagot ni Mr. Coffee sa sinabi ni Sir Marcus. Kahit di ko pa rin gets ang pinag-uusapan nila.
Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni Mr. Coffee na humawak sa siko ko. Napatingin ako uli sa mukha niya.
"Lets go." Nakangiting aniya.
Tumango na lang ako ng tahimik at sabay kaming lumabas ng office.
Minasdan ko siya habang kumikilos sa loob ng maliit na pantry. Nasa harap na siya nung coffee machine bago niya ako nilingon sa may b****a ng pinto.
"Hey! Tara rito. Ituturo ko naman sa yo kung paano gumawa ng kape dito."
"Ah!" Atubili akong lumapit at tumayo sa tabi niya. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya at dun sa coffee maker. Pero mas nagtatagal sa mukha niya. Kasi naman... hindi ako mapalagay.
"Stop staring at me. Baka sumama ang lasa ng gagawin nating kape." Ngumuso pa siya at sinalubong ang tingin ko. Napasinghap ako. "What is it?"
Kumurap ako ng mga mata. "Na-nagalit po ba si Sir Marcus dahil dun sa kape? Tatanggalin niya na ba ko sa trabaho ko?"
Kinabahan ako ng maisip ko iyon. Kanina. Parang nanghihina na yung mga tuhod ko sa kaba dahil sa galit ni Sir Marcus. Mabuti na nga lang at natagalan ko ang nakakatakot na sitwasyon na yun. Haist.
Matiim niya akong tinitigan saglit at ngumiti pagkaraan. "I'm sure hindi naman. Mainit na talaga ang ulo niya bago ka pa pumasok kanina."
"Talaga?"
"Nag-aalala ka ba na baka tanggalin ka na lang niya bigla?"
"Oo. Ganun kasi siya kapag may nakita siyang mali sa mga employees." Huminga ako ng malalim. Sa ilang buwan ko na pagtatrabaho ay ngayon lang ako kinabahan ng husto. At natakot.
"Hindi naman niya siguro gagawin sa yo yun." Tumango ito. "Don't worry. I'll back you up."
"Ahmm.. salamat pala hah."
"For what?"
Pilit akong ngumiti. "Kanina. Sa ginawa mo. Thank you."
"You're most welcome." Ngiting tawa niya. "So may tanong ka pa ba?"
"Wala na." Iling ko at ngumiti tapos biglang may naalala na naman ako. "Wait. Meron pa pala."
"Ano naman yun?" May iritasyon kuno sa boses niya pero nakatawa naman.
"Boss ka din dito?" Deretsong tanong ko. Mukhang close kasi sila ni Sir Marcus eh.
"Hindi ako boss dito pero boss ako sa hawak ko na business. Marcus is my cousin."
"Ahh..." react ko at napatango.
"Yes." Tango din niya.
"Akala ko dito ka din sa building nagwowork." Mahinang ani ko at ngumiti sa kanya. "Syangapala," ipinunas ko pa iyong kamay ko sa suot ko na uniform at inilahad iyon sa harap niya. "Bethel."
Tumikhim siya at napangiti ng malapad. "I know you already. Pero okay alam ko na hindi mo pa ako kilala." Tinanggap niya ang shake hands offering ko. "Henry."
Wow! Henry. Anlakas maka-Prince Charming.
"And since pareho tayong mahilig sa kape. Siguradong magkakasundo tayo." Aniya. "Gumawa na tayo ng kape at magagalit na naman yun si Godzilla."
"Godzilla?" Sino?
"Oo. Si Godzilla. Si Kuya Marcus. Para kasing monster di ba? Kita mo naman kung paano magalit." Tawa ni Henry.
Natawa din ako ng mahina. "Ahh, Godzilla pala? Parang hindi bagay. Ang sungit niya kaya. Kapag nakikita ko siya iba ang naalala ko eh ---" nabitin ako sa pag-iisip.
"Ano?" Hinintay naman iyon ni Henry.
Natigilan naman ako. "Wag na. Baka isumbong mo pa ko eh." Pilyang ngiti ko.
"Ayy,ganun! Magkaibigan na tayo dito tapos ayaw mo pang sabihin."
"Haha.... sa susunod na lang."
"Ang-daya ah." Nakalabing aniya.
Nagkatawanan kami.
Hindi ko sinabi kung anong naiisip ko kay Sir Marcus. Baka makarating eh. Pero ang totoo si Mateo Do ang naaalala ko sa kanya. Isang gwapong, masungit na Alien mula sa napanuod kong koreanovela. Kaya lang hindi yata Alien si Sir Marcus. Parang galing --- hell sa kasungitan. Buti natitiis siya ng mga empleyado niya. Buti natitiis ko siya.
Itinuro sa akin ni Henry kung paano paganahin iyong coffee machine at pinukos ko muna ang atensyon ko dun.
"Ayan. Kapag pinatalsik ka ni Kuya Marcus sa trabaho pwedeng sa akin ka na lang. Hired ka na agad."
Natawa ako habang nasa may machine ang mga mata. Sasagot sana ako kaya lang may sumagot na iba.
"Tama ba ang narinig ko Henry? Sinusulot mo ang empleyado ko?"
Sabay kaming napatingin sa may b****a ng pantry. Nakita namin si Sir Marcus na pumasok. Tumayo siya sa may gilid ng room at nakahalukipkip na sumandal sa malinis na sink. Nakatingin siya sa amin ng matiim.
"Hindi naman. Medyo lang." Nakatawang sagot ni Henry. Parang walang anumang bagay iyon.
Bumaling ako sa may coffee machine. Tinitigan iyon. Anong technology man ang ginamit dito. Napapahanga ang ignorante kong utak.
"Mukhang nag-eenjoy nga kayo sa paggawa ng kape eh. Ang tagal niyong matapos." Boses ni Sir Marcus.
Nakikinig na lang ako. Ayokong salubungin iyong tingin ni Sir Marcus kasi kinakabahan na naman ako. Saka, for all i know, susungitan na naman niya ko. Immune na ko pero ayaw kong paapekto.
"Medyo nag-enjoy nga kami sa pagkukwentuhan. Close na nga kami agad eh." Si Henry naman.
I wonder kung anong magiging lasa ng kapeng gawa ko. Sana hindi mapait. Wag din namang matamis. Sana... sana.
"Very great Henry. I told you to stop messing with my employees."
"Wait. Wala naman akong ginagawa ah."
Ayun!
Marahan kong isinalin sa isang cup iyong nagawa kong kape. Yes! Ang galing ko!
Lumingon ako sa katabi ko then nasalubong ko iyong nagtataka nitong pagtitig sa akin.
Wae?
Tumikhim ako at tumingin kay Sir Marcus na tahimik na ring nakatitig sa akin. Balik tingin uli ako kay Henry.
"Pu-pwede niyo pong tikman yung kape na nagawa ko para malaman kung okay na yung timpla?"
Sandaling katahimikan sa amin.
Ano bang nangyayari? Sobrang focus ako sa ginagawa ko kaya hindi ko na nasundan kung ano ang pinag-uusap nila.
Biglang nagpakawala ng tawa si Henry.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka at nang mapatingin ako kay Sir Marcus ay nakita ko lang ang pagtagis ng kanyang mga bagang.
WT?!
"I think this is going to be fun." Ani Henry sa pagitan ng pagtawa. Tumingin siya sa akin at mahinang tinapik ako sa balikat. "Kapag nagsawa ka ng utos-utusan ka ni Kuya Marcus you can always come to me. Okay."
"Talaga?" Amused pa ko. Pero di ko gets. Ba't ako pupunta sa kanya? Kakasabi niya pa lang na hindi naman ako tatanggalin ni Si Marcus.
"You wish." Narinig kong utas ni Sir Marcus.
Ano toh?! Kaweird-duhan overload.
*****
"TALAGA? TAPOS anong nangyari?"
Sumulyap ako kay Ara at napakibit balikat. "Yun na yun. Di ba ang weird."
"Anong weird?" Ngisi ni Ara abot hanggang tenga. "Grabe. Sana makapasok din ako sa M.E. kasi gusto ko ring makakita ng mga pogi. Sa factory kasi puro mga ewan ang lalake. Haist! Dalawin kaya kita minsan sa office niyo? Pwede ba yun?"
"Baka mapagalitan ako nun ah. Pero itatanong ko." Nginitian ko siya tapos ay bumaling uli dun sa ginagawa ko kanina pa.
"Tanong mo hah kung pwede. Gusto kong mameet si Mr. Coffee. Este-- Prince Henry pala. Gwapo talaga yun ah."
"Oo. Mabait pa."
"Crush mo?"
Natigilan ako at nag-angat ng tingin.
"Crush mo noh?"
Sandali akong nag-isip.
Crush ko si Henry? Okay. Gwapo nga siya at mabait. Nang magkakwentuhan kami nun ay ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Tama siya nung sinabi niya na magkakasundo kami. Lalo na sa kape. Mahilig kasi talaga ako sa kape. Noong una ko siyang nakita at hindi ko pa siya kilala ay naging crush ko siya. Crush ko siya kasi nga gwapo at cute and i am attracted to him. Pero nang magkausap na kami ng matagal, ewan, parang wala lang. May konting kilig pero pagkaraan wala na rin.
Walang --- sparks?!
Ngumiti ako kay Ara.
"O, ano? Natulala na?" Nakangising tinitigan niya ako. Balak niya talaga na asarin ako.
"Wala Ara. Promise." Tumitig lang ako sa kanya. "Oo, gwapo siya at mabait. Mayaman pa. Pero wala akong kakaibang naramdaman eh. Friends siguro pwede pa. "
"O? Sayang naman." Napasimangot si Ara.
"Okay lang naman yun Ara." Sinulyapan ko siya. "Hindi naman kasi ako naghahanap pa."
"Kahit na. Ilan taon ka na rin naman. Pwedeng pwede ka ngang mag-anak."
"Ibang usapan na yun Ara ah." Biglang sansala ko sa kanya.
"Hehe.... sabi ko lang naman. Malay mo naman makahanap ka sa building na yun ng pag ibig." Tumawa pa siya. "Ayieehh... baka si Prince Henry na yun."
Ibinato ko sa kanya yung stuff toy na hawak ko. Natamaan siya kaya huminto sa pagtawa. Hindi naman siya nasaktan, like, stuff toy naman yung binato ko. "Loka loka. Hindi rin."
"Sus! KJ!" sumimangot siya. "Syangapala. Ano namang kalokohan ang ginagawa mo?"
"Hah?" Tumingin ako sa lamesitang nasa harap ko lang. Nakapatong doon ang maraming stuff toy na kailangan ko pang lagyan ng mga mata. I mean. Extra income lang. May nakilala kasi ako na isang kaibigan na nagtatrabaho sa isang factory ng stuff toys. Um-extra lang ako ng tahi sa mga mata nito pampalipas din ng oras. Ngumiti ako kay Ara. "Extra income. Cute di ba?" Kumuha pa ko ng isa at hinarap kay Ara. "Hi! Ara. Nice to meet you."
Natawa siya. "Grabe. Napakasipag mo talaga."
"Kailangan lang."
"Syangapala. May io-offer ako sa yo na extra income din baka magustuhan mo."
"Hindi naman pyramiding yan hah." Babala ko sa kanya.
"Hindi noh! Legal toh. Promise."
*****