PAGE 21 Yung gift ********* HAH?! ANO DAW?! Nanlalake ang mga matang napatingin ako kay Ma'm Cely. Hindi ko maintindihan. Ano? Ano yung sinabi niya? "May aasikasuhin muna akong mga papel." Ani Ma'm Cely at ngumiti sa akin. Nilagpasan niya ako at lumapit sa may desk niya sinundan ko naman ito at hindi tinantanan ng tanong. Pero ngini-ngitian niya lang ako at tatawa tawa. Nakakaloko talaga. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Sir Marcus kay Ma'm Cely eh. Baka naba-blackmail s'ya. Ugh. Ilang minuto pa ay ipinatawag ako ni Ma'm Lilia. Pinapunta niya ako nang HR office at sapalagay ko ay hindi magandang ideya iyon. Lumunok ako ng isang beses bago pumasok sa loob nang HR office. May ilang cubicle ang sumalubong sa akin at lahat nang mga empleyado dun ay tahimik at abala. Lumakad ako nang ta

