PAGE 30 His a tempt ************ MAY MGA bagay na ayaw ni Sir Marcus at unang una na sa lahat ay ako. Sana alam ko ang dahilan kung bakit galit na naman siya. Tahimik akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa warehouse. First time ko na nakapasok sa lugar na iyon at medyo kinakabahan na ako. May kinausap na tao si Sir Marcus at nanatili ako sa tabi niya at tahimik. Naglakad sila paikot at di nagtagal ay umalis saglit iyong kausap ni Sir at naiwan kami doon. Abala siya sa pagtingin sa paligid at ako naman ay inililibot ang paningin sa lugar. Napabuntung hininga ako nang maramdaman iyong kumukulo kong sikmura. Napahawak ako sa tiyan ko at dama ko na talaga ang gutom. Tinignan ko si Sir na nakatalikod mula sa akin. Huminga uli ako nang malalim at napatingin sa phone ko nan

