PAGE 29 ***** Stop fooling around ********************* NAKASAKAY NA ako nang elevator at pababa na sa lobby ng condominium building kung saan ang unit ni Sir Marcus. May kasabay ako na isang guard sa elevator. Panay ang tikhim ko at lunok habang nasa loob niyon. May kung anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang tanggalin iyon kahit ilang beses ko iyong gawin. "Ma'm okay lang kayo?" Gulat akong napatingin sa may lalakeng guard. Kanina pa siguro niya ako tinitignan at hindi na nakatiis na hindi magtanong. Pilit akong ngumiti. "O-okay lang. Makati kasi itong lalamunan ko." "Baka sisipunin na po kayo ma'm. Inom na po kayo agad ng gamot para hindi na po lumala." Anito at ngumiti sa akin. Tumango ako. "Baka nga. Salamat." Sa lobby din ito bumaba at maayos pa itong nagpaala

